JAY MARCO NATIVIDAD."Dedicated ka."
Sabi ko kay Ben. Nandito siya ngayon sa aming terrace, sitting pretty sa palagi kong pinupwestuhan kapag bored ako. Mula rito ay kita ang bintana ng kanyang kwarto sa katapat.
He has a playful smile written in his lips.
"Dedicated? Ahmm," he paused, "saan?" Pa-inosente niyang tanong.
Punung-puno na talaga ako sa batang 'to eh. Konti na lang, naku. Sinasabi ko sa inyo. Mare-rape ko 'to.
"Ewan ko sa'yo. Kapag gusto mo, wala na talagang makakapigil sa'yo eh, no?" Sabi ko. Sumandal ako sa pintuan ng terrace.
I saw his lips curved shyly, "sorry if I went too far. Ewan ko ba, ang hirap mag-adjust. Don't worry, ngayon lang 'to. Patambay lang. Alam ko naman na iritado ka sa akin kasi maingay ako. Hehe," sabi nya.
Napangiti ako ng sarkastiko. Ngayon lang. Ngayon lang 'to? Samantalang halos araw-araw siyang pumupunta rito para manggulo ng buhay ng may buhay. Istorbo. Kung sa tingin niya nakakatuwa pa 'tong mga pinaggagagawa niya, pwes hindi.
"Galing ka rito kahapon." Sabi ko.
"Ha?"
"Bakit, sasabihin mong hindi?" I asked.
Napaisip siya saglit at tumingin sa akin, "Hindi pa naman talaga ah?" Sabi nya.
"What?"
"Dito sa kwarto mo. Hanggang sala lang ako ng bahay nyo. Gusto ko rito sa terrace ng kwarto mo para refreshing. Ilang beses na kasi kitang nakitang nakatambay dito. Pag sinisilip kita mula sa bintana ko. Nakikita mo 'yun?" Sabi niya at tinuro niya ang aming tapat.
"Bintana 'yan ng kwarto ko." Sabi pa niya ng ngiting-ngiti.
"Pake ko?" Sabi ko.
He just made a face. Napailing na lang ako.
"Ganito ka ba talaga ka-interesado sa akin? You're crossing the line. Sabihin mo nga sa akin, crush mo ba ako?" Iritado kong tanong sa kanya.
Ngunit malayo sa inaasahan ko ang ekspresyong nakita ko sa mukha niya.
"Yiiieee, pano mo nalaman?" He said while smiling brightly.
At talagang inamin niya? Anak naman ng pating oh. Masyadong tapat ang batang 'to.
"Get out of my sight. Hangga't may pasensya pa ako."
"Kuya Jay, pwede namang sa halip na mairita ka, ay magtiwala ka na lang sa akin. Ano ba naman 'yung magkwento ka sa akin ng kahit ano, 'diba? I'm not asking for any personal matters." Sabi niya.
I sigh, "Wala akong iku-kwento sa'yo."
"Kahit?"
"Kahit." Sabi ko.
"Kahit marami?" napatingin siya sa paligid at bumuntong-hininga siya. "Oo nga pala. Magkaiba tayong tao. Ayaw mo ng kwento kahit marami kang kwento. Samantalang ako, kahit wala akong kwento marami akong nasasabi. You know what, kuya Jay, it's ok to get out of your comfort zone. Look," sabi niya, at itinuro niya ang tapat namin.
Maganda ang tanawin mula rito sa terrace. Kita ang mga bundok, mga puno, at mula dito rin ay halos matanaw mo na ang asul na kulay ng dagat. Masyado itong breathtaking para pagmasdan. Masyadong maganda. Probinsyang probinsya ang dating.
"Masyadong maikli ang buhay natin para kimkimin ang lahat ng problema. Kung sana kagaya tayo ng mga puno, ng mga ibon na malaya... We can keep our thoughts to ourself. Kasi malaya naman tayo eh." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
A Love That Never Fades ☑️
General Fiction[BXB] 🟢 Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag. Masigla. Punung-puno ng kulay. Ito lang naman ang gusto ko. Ang muling makita ang ganda ng...