6 - Anim

1.3K 108 4
                                    

BEN CARIAGA.

"Mukhang alam ko na kung anong magiging ulam natin ngayon ah, haha!" Natatawang sabi ni Nico pagkarating na pagkarating namin dito sa may kubo kung saan naisipan naming magpahinga.

Kakatapos lang namin sa pamimitas ng munggo. Isa't kalahating sako rin ang nakuha namin.

"Haha, ibibilad pa 'yan eh. Hindi pa basta-basta pwedeng i-ulam agad." Sabi ko sa kanila.

Tumango naman si mang Tako, "Tama si Ben. Baka hindi lang isang araw natin 'yang ibibilad. Kailangan muna nilang mainitan hanggang sa magputukan ang mga binhi at lumabas na mismo ang butil ng munggo. Baka sa isang araw pwede na tayong mag-ulam nyan." Sabi nya.

Napatingin ako kay kuya Jay. Nagpupunas siya ng pawis gamit ang dala niyang bimpo. Ang hot nya. Haha.

Tingnan mo 'tong si Ben. Galit sa'yo yung tao, nagawa mo pa ring pagpantasyahan? Grabe ka talaga! Wala nang mas hihigit pa sa kaharutan mo.

Maya-maya ay nagulat ako nang bigla nyang hubarin ang suot-suot niyang sando at ginawa niya itong pamunas sa katawan niya. At saka niya ito ipinamaypay sa sarili.

Agad naman akong napaiwas ng tingin.

"O siya, tanghali na. Bumalik na tayo para makakain na ng tanghalian. Gusto nyo bang maligo sa ilog?" Tanong ni mang Tako sa amin habang nag-aayos kami ng mga dala namin.

Nagtaas ako kaagad ng kamay, "Ako po!"

"Ako rin! Gusto ko!" Sabi naman ni Nico habang nakangiti. Ibinaling namin ang aming tingin kay kuya Jay pero wala siyang response.

"Maaari kayong maligo. Pero mamaya pa pagkatapos kumain. Basta, wag kayong lalayo. Maraming engkanto doon." Pananakot ni Mang Tako.

"Oo naman tito, di kami lalayo. Takot ko na lang makuha ng engkanto, haha! Tara na, bili!" Sabi ni Nico at saka niya kinuha 'yung isang sako. 'Yung kalahati lang ang laman. Nag-umpisa na rin siyang maglakad.

Kukunin ko na rin sana 'yung isa pang sako ngunit naunahan ako ni kuya Jay. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang siya since hindi nga kami nagpapansinan.

Napangiti na lang ako. Kanina, noong tinawag ko siya, nilingon nya ako. Narinig niya ako. Akala ko hindi niya talaga ako papansinin.

He's not that mad. Ako lang siguro 'tong nag-over think. But I admit, I'm really wrong. I should be sorry. Pero hindi ko magawa dahil parang wala talaga siyang balak makipag-usap sa kanino man ngayon.

~*~

Pagkarating namin sa bahay ay naabutan namin si Ate Isabela na naghahanda ng pagkain. Inunahan ko na si Mang Tako, nagpaalam na ako na babalik na ako sa bahay bago pa nila ako yayain na kumain sa kanila. Kawawa naman si Kuya, mag-isa lang sa bahay.

"Ahm, mauna na po ako samin. Sa bahay na kang po ako kakain, hehe." Sabi ko sa kanila.

"Naku huwag na, dito ka na kumain. Tumulong ka naman sa pagpitas ng munggo." Sabi ni Ate Isabela.

"Oo nga, dito ka na kumain oh, sayang naman nakahanda na." sabi naman ni Nico.

Ngumiti ako, "Hindi na po, salamat po ng marami. Sasamahan ko na lang po si kuya sa bahay. Mag-isa lang po kasi siya. Sige po, mauna na po ako." Paalam ko na sa kanila.

Nag-bless ako kay mang Tako at ate Isabela. I gave Nico a wave. Napatingin ako kay kuya Jay. I caught him staring at me at agad rin naman siyang umiwas.

Ngumiti na lang ako at umalis na.

"Teka lang, eto o, ulam. Pagsaluhan nyo ng kuya mo." Sabi ni mang Tako. At saka niya ibinigay sa akin ang isang mangkok ng sinigang na tilos. Mukhang masarap 'to ah.

A Love That Never Fades ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon