BEN CARIAGA."Babi, babi babi babi, papunta sila rito! Anong gagawin natin?" Sabi ni Kristal habang hindi siya mapakali.
Tumingin ako sa kanya, "E-ewan ko, magtatago ba tayo? Dito kaya sa ilalim ng papag?" I asked her.
Napaisip siya saglit, then suddenly, she sigh. "Wag na kaya tayong magtago? I mean, pwede namang magpakita na lang tayo sa kanila, 'diba? Para malaman nila na hindi tayo multo." Sabi nya.
I pout, "Eeeh, ayoko muna magpakita sa kanila! Feeling ko ang awkward! Tago muna tayo, please?" Sabi ko naman sa kanya.
Eh kasi naman, parang ang haggard haggard ko ngayon! Tsaka nakakahiya kay kuyang pogi no. Isipin niya ang creepy ko kasi nakatitig ako sa kanina. Hay nako.
Agad kaming bumaba ni Kristal ng papag at tahimik kaming nagtago sa ilalim nito. Oo, para kaming baliw na dalawa rito dahil may patago-tago pa kaming nalalaman. Pano kasi.
"'Wag tayong maingay. Para isipin nila na walang tao rito." Sabi ni Kristal.
"Wait, paano kung magtaka sila at ma-curious sa nakita nila rito? Tapos sirain nila tong bahay namin?" I gasped, "Naku Kristal, hindi pwedeng mangyari 'yun!"
"Gagi, wag ka ngang OA! Hindi naman siguro darating sa point na 'yon, 'diba?" Sabi nya.
I just smiled creepily.
Maya-maya ay bigla kaming nakarinig ng katok mula sa pinto. Patay tayo dyan mga pards. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Kristal, bakit feeling ko zombie yung mga kumakatok? Para tayong nasa zombie apocalypse nito, nagtatago tayo dito eh, pwede bang magpakita na lang tayo at i-welcome natin sila?" Sabi ko.
She gave me frowning eyes, "Alam mo babi, siraulo ka. Ikaw 'tong nag-insist na magtago tayo kanina. Tapos ngayon binabawi mo na? Ano ba talagang gusto mong mangyari? Hay naku. Hayaan na lang natin sila. Aalis din yang mga yan mamaya." Sabi nya.
"Ewan ko ba, nandun kasi yung pogi eh. Parang nakakahiyang magpakita ng face!" Sabi ko.
"Para namang hindi nakita kanina eh, no?" Sabi naman nya.
Natigilan ako. Oo nga pala, nakita na nya kanina ang pangit kong pagmumukha.
Bigla ulit may kumatok sa pinto at this time, mas malakas na. Kaya kinabahan ako bigla.
"Kristal, bakit parang kinakabahan ako?"
"Wag kang oa babi." Sabi nya.
Maya-maya ay may sumigaw mulacsa labas.
"HOOOY! BUKSAN NYO TONG PINTO!"
Nagulat ako nang marinig ko ang gwapong boses ni kuya Japs sa may pintuan. Wait, si kuya Japs?
Bahagya kaming nagkatinginan ni Kristal at ako na ang naglakas-loob na tumayo para buksan ang pinto sa baba.
I saw kuya Japs' confused face.
"Bakit ka nag-lock ng pinto?" Tanong niya, at saka siya pumasok.
BINABASA MO ANG
A Love That Never Fades ☑️
Narrativa generale[BXB] 🟢 Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag. Masigla. Punung-puno ng kulay. Ito lang naman ang gusto ko. Ang muling makita ang ganda ng...