16 - Truth

1.2K 107 11
                                    

JAY MARCO NATIVIDAD.

Minahal ko si Haiah. Halos ibigay ko sa kanya lahat noon. I was the happiest when she answered me yes that time.

Ang hindi ko maintindihan, kahit anong bigay ko ng pagmamahal ko, ng pag-aalaga ko, pag-aalala ko sa kanya, kaya pa rin pala niya akong lokohin.

Akala ko mali ako. Akala ko totoo 'yung sinabi niya sa akin dati. Pero hindi. Matagal na pala niya akong niloloko. At ang isa pang hindi ko maintindihan, bakit patuloy niya pa ring ginagawa sa akin 'to? Kung hindi niya ako gusto bakit hindi na lang niya ako pakawalan? Bakit nasa akin pa rin siya? Bakit kailangan niya pa akong lokohin?

Bakit? Ano pang point? Masakit na nga 'yung idea na niloloko niya ako pero 'yung ginagawa niya? Torture.

I loved her because she's worth it. She's worth to be loved. Unang unang pagkikita namin, malungkot siya. She had shared me her pains, her doubts, her sadness and anxiety. Kaya ko nga siya nagustuhan dahil sa katatagan niya. Kailangan niya ng karamay at ng pagmamahal.

And I cannot believe it. I can't believe na nagawa niya sa akin 'to. Sa matagal na panahon.

"Marco?" Tawag sa akin ni Haiah.

Nandito ako ngayon sa terrace. And she followed me as I ordered.

Nilapitan niya ako at ngumiti siya. "So, what's it that you want to tell me? Importante ba talaga?" Tanong niya.

"Oo, Haiah. Sobrang importante." sabi ko, saglit akong tumigil, "kaya wag ka nang magpaka-inosente. Pakiusap." Sabi ko pa.

Alam kong nabigla siya sa sinabi ko. Para saan pa kung paiikutin ko pa? It's better to get straight to the point.

"H-haiah, pakiusap. Sabihin mo na sa akin ang totoo. Hahayaan kitang ikaw ang unang magsabi sa akin. Please, Haiah. Tell me everything."

"A-ano bang sinasabi mo, Marco? Anong totoo?" She said.

I smiled bitterly. Lalo lang siyang nang-iinis sa ginagawa niya. Akala ko ba, ito ang ipinunta niya rito? Bakit pa niya ako pinaiikot? Damn, I hate this.

"Haiah, sabihin mo na lang. Sabihin mo na ang totoong dahilan ng pagpunta mo dito." I asked her calmly.

"M-marco," napapikit siya saglit, "a-ayoko muna ngayon. Wag muna ngayon Marco." Sabi nya.

"Grabe ka. Grabe ka talaga, Haiah. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa sa akin 'to pero gusto ko pa ring itanong. Minahal mo ba ako? Mahal mo pa rin ba ako hanggang ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Marco..."

"Malamang sa malamang, hindi. Kaya ka nga pumunta rito para hiwalayan ako. Para makipag-break up sa akin, hindi ba? Alam mo, tingin ko mas mabuti sana na una palang na pumunta ka rito, o kahit noong nasa Maynila ka pa -- sinabi mo na kaagad sa akin ang totoong dahilan ng pagpunta mo rito. Hindi 'yung paiikutin mo pa ako. Sasabihin mo sa aking miss mo na ako. Na mahal mo ako. Ang totoo, sisirain mo lang ako. Grabe naman, Haiah. Totoong minahal kita pero ginago mo ako. Ang sakit, sobra." Sabi ko pa.

Napansin kong nagsimula nang tumulo ang luha niya. Noon, ayokong ayoko na nakikita siyang umiiyak. Pero ngayon -- parang gusto ko pa na magsisi siya sa ginawa niya.

"Gawin mo na ngayon. Go on, Haiah. Break up with me. Para pagbalik mo doon sa Maynila, hindi mo na ako iisipin. Hindi ka na makokonsensya. Magagawa mo na ng malaya ang gusto mo kasama ang lalaki mo." I told her.

"Marco, sorry."

"Sige na. Tinatanggap ko ang sorry mo. Ngayon, nakikipaghiwalay ka na 'diba? Gusto mo na maghiwalay na tayong dalawa? Kaya ka pumunta rito." Sabi ko.

A Love That Never Fades ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon