"Raffy's POV"
Ilang araw na ang lumipas at pabalik-balik ang pag bisita ng mga magulang namin sa amin kaya na pag isipan na rin namin ng maiigi ang gagawing plano at kung kailan kami sasama sa kanya-kanyang mga magulang, kaya eto habang nag kwekwentohan ay sinabi ko na sa kanila na pumapayag na akong sumama sa kanila at alam naman nina Tito Bong at Tita Ging ang disisyon kong pagsama sa magulang ko. medyo na bigla sila sa sinabi ko kaya medyo nailang ako at kinabahan.
"Talaga anak sasama kana sa amin?!" hindi makapaniwalang sabi ng nanay ko.
"opo, pero kung pwede po pagkatapos na lang ng semester bago ako punta sa bahay nyo kasi marami pa po akong project and exams kailangan kong matapos" paliwanag ko sa kanila.
"Okey lang yun anak, kahit kailan mo gusto okey lang yun sa amin ng mommy mo"
"Salamat po!"
=== Fast Forward ===
Parang kailan lang ng sinabi ko sa mga magulang ko na sasama na ako sakanila, eto na ako ngayon nag liligpit ng mga gamit ko sa kwarto. Kakatapos lang ng semester namin noong isang araw.
"hay mamimiss ko tung kwarto ko" bulong ko sa hangin habang tinitignan ang paligid ng kwarto ko.
"Nak tapos kana sa pagligpit ng gamit mo?" narinig kong tanong galing sa likod ko kaya na palingon ako at tinignan kung kanino ng galing yun.
"Opo tapos na po, nag momoment lang ako" nahihiyang sabi ko Tita Ging.
"Ikaw talagang bata ka, tama na yan at nag hihintay na yung mga magulang mo sa baba." sabi habang pinipigalan nya yung mga luha nya.
"Ta mamimiss ko po kayo" sabay yakap ko sa kanya kaya ayun humahagulhul naman sya ng iyak.
"Mamimiss ka din namin, bumisita ka sa amin ha" hinagod ko na lang ang tikod nya at tumango bilang sagot ko.
"Hali na po kayo"
Bumaba na kami, andun na yung mga magulang ko naghihintay. Nilapitan ko muna si Tito Bong at nag pasalamat sa kanya sa lahat-lahat ng ginawa nila ni Tita Ging para sa akin. Nilapitan ko rin yung mga anak nila na umiiyak na rin.
"Babies mag iingat kayo dito ha wag kayong pasaway sa mga magulang nyo baka hindi ko kayo bibigyan ng pasalubong pag bibisita ako"
"Opo behave po kami" sagot ni Andrew habang si Andrea naman ay tumango lang.
niyakap ko sila ng mahigpit bago pakawalan at tumayo na at lumapit sa mga magulang ko.
"So let's go?" Tanong ng nanay ko "nag hihintay na rin sila sa bahay" dagdag nya.
"Ah cge po okey na po yung mga gamit ko" sagot ko habang pinupunasan yung mga luha ko at binaling yung tingin ko sa pamilyang nag alaga sa akin ng maraming taon.
"Alis na po kami, bibisita na lang po ako dito paminsan-minsan"
"Cge Raff, mag iingat kayo ha, mag iingat ka doon" pagpaalala ni Tito Bong.
"Opo! salamat po uli sa lahat!"
Pagkatapos ng madramang paalaman namin ay umalis na kami at nag tungo sa bahay ng magulang ko. habang nasa byahe kami ay katxt ko yung tattlong itlog kasi ngayong araw din daw sila susunduin ng mga magulang nila, napatigil ako ng kakatxt ng mapansin kung tumingil yung sasakyan namin sa isang malaking gate, pag bukas nito ay nakita ko nasa malayo yung bahay, mga 2 to 3 kilometers ata yung layo nito sa gate, ng papalapit kami ng papalapit sa bahay ay mas lalo ako namamangha sa laki nito para na syang kastilyo sa laki.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami nito at naka baba na yung mga magulang ko.
"Raffy lets go" pag tawag ng nanay sa akin kasi nakatayo lang ako sa at tulala sa mangha, na gising naman ako at aakmaing pupunta sa likod ng sasakya para kunin yung gamit ko ay pinigilan naman nya ako "sila na ang bahala sa gamit mo, excited na ko ipa kilala ka sakanila" hinihila naman nya ako papasok sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/17992817-288-k723510.jpg)
BINABASA MO ANG
Growing Up (on hold)
Novela JuvenilPart of growing up is discovering your self and taking risk. But what if you discover that you are part of a family who are the most riches family here in the Philippines what would you do? Let's follow the journey of a group of teenagers on discove...