Chapter 9 : Crystal Land

23 2 0
                                    

Nagising ako sa nakakarelax na huni ng ibon. Kinusot kusot ko ang mata ko tsaka umunat ng nakangiti. Pano kasi ay napaniginipan kong after ten years magiging marangya na ang buhay namin eh twenty six years old palang ako that time.

Hindi ako sure kung panaginip eh. Hindi naman kasi siya yung tipong buong magdamag napaniginip. Bigla lang siyang pumasok sa utak ko nung nagigising na ang diwa ko kaya parang panaginip. Ewan ko basta masaya ako ngayon

Agad akong bumangon sa higaan, nahagip ng mata ko ang kahoy na kabinet kaya agad agad ko 'yon tinignan nag baba-kasakaling may mga damit 'don na pwedeng maisuot. At syempre napangiti ako ng meron 'don kakaunting damit. San kaya 'to nanggaling?

Agad akong nagpalit ng damit na 'yon kahit medyo may pagka luma na. Tsaka isinampay ang dress na suot ko pati nadin ang pajamang suot suot ko nung pag ka punta ko dito.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si gray– no. It's grey

"Grey?"nag lakad lakad ako palabas at nag unat unat ulit. Bumungad sakin ang masiglang araw tsaka ang mga ibon na nag sisiliparan. Sininghot singhot ko pa ang sariwang hangin grabe ang ganda ng bungad sakin nakaka pang good vibes 'to ah.

"Hey lady, good morning." nakangiting pabungad din sakin ni grey na agad ko namang sinuklian ng matamis na ngiti

"Good morning din."tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at mapanlokong itinaas ang kaliwang kilay tsaka ngumisi

"Aba, new suit tayo ngayon ah? San mo naman 'yan nakuha?" Tumawa siya tsaka itinuro ang damit na suot niya. Normal na damit lang naman 'yon parang katulad lang din sa suot niyang damit 'noong pinasok niya yung kwarto ko. Ang kaibahan nga lang ay malinis na siya. Tsaka siguro dirty green yung kulay ng damit niya kaya ganon

"This? Pft. This isn't a new cloth. I've just wash this and i take a bath, also." Ngisi din ang ipinukol niya sakin. Lumapit naman ako sakaniya kaya napaatras siya, natawa naman ako sa naging reaksyon niya pero itinuloy ko padin ang pag lakad sa direksyon niya tsaka siya inamoy amoy at laking gulat ko ng ang bango niya

"Saan ka kumuha ng shampoo at sabon?" Gulat kong tanong sakaniya. Hindi ako aware na may shampoo at sabon dito ah

"I didn't use those shampoo or sabon in fact, i didn't know those. This scent came from the falls." Sabi niya tsaka may itinuro kahit wala naman akong makitang falls malapit dito. Ano 'to lokohan?

"Dapat hinintay mo ako para sabay tayong naligo! Madaya ka, hmp." inirapan ko siya ngunit yung mukha niya ay biglang namula kaya tinaasan ko siya ng kilay

"Oh bakit?" Mataray na tanong ko. Tsaka ko lang napagtanto kung ano ang sinabi ko kaya feeling ko namula din ako. Agad akong tumawa ng peke

"Hoy ikaw wag kang green minded jan ha. A-ang ibig kong sabihin para maligo nadin ako and with cloths on! " tsaka siya tinalikuran. Akala ko ba naman inosente ang isang 'yun hindi pala. Sabagay wala nang inosente sa panahon ngayon mapa bata may alam na tsk.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tinapay at kinain 'yon pag ka ubos ko ay agad akong uminom ng tubig. Okay busog nako.

Pinuntahan ko ulit siya sa labas at kinalabit, napalingon naman siya sakin "Saan tayo sunod na pupunta?" Tanong ko sakaniya habang hinihintay ko ang magiging sagot niya

"Hmm. Let me guess, have you ever seen a unicorn?" Sumilay sa labi niya ang ngisi at ako naman ay nanlalake ang matang umiling iling

"Hindi pa! Hala gusto kong makakita tara na grey, tara na!" Agad akong bumaba sa ladder dahil sa excitement ay namali ako ng tapak tsaka ako nahulog pababa eh medyo mataas pa naman kaya napapikit ako. Pero pag dilat ko hindi ako nakabagsak sa lupa. Bumagsak ako kundi sa kaniyang bisig. agad akong sinalubong ng kulay abo niyang mata at nagkatitigan kami ng mataimtim tuloy ay parang siya lang  ang nakikita ko at wala ng iba. Para bang bumagal ang pag takbo ng paligid at parang may lumilipad na paru-paro sa tiyan ko. Bakit ko 'to nararamdaman?

Nginitian ko siya kaya ngumiti siya pabalik, hanggang sa nag tawanan na kaming dalawa na parang walang mga problema sa buhay. Nakakatuwa dahil palagi ko siyang nakakasundo, ang galing niyang makisama.

"Let's go?" Pigil ang ngiti akong tumango. Umawang ang bibig ko ng bigla niya akong buhatin na pang kasal tsaka kami lumutang sa ere. Ni hindi padin namin tinatanggal ang aming titig sa isa't isa. Parang may humihila sa tingin niya na dapat hindi ako bumitaw sa aming titigan

"Gusto kong lumipad katulad mo, pwede ba?" Pag papaalam ko sakaniya. Tumango naman ito at binudbudan ako ng pixie dust para makalipad din

"Just follow me, okay?" Bago niya bitawan ang kamay ko ay hinalikan niya muna ang palad ko. For the second time

Nauna siyang lumipad tsaka lamang ako sumunod. Nililipad ang buhok ko ng hangin at humahampas nadin sakin ang malakas na hangin dito sa himpapawid

Meron ding mga ibon na sumasabay sakin sa pag lipad at lumingon sakin ang isang ibon tsaka ako nginitian na ikinagulat ko. Nginitian ako ng ibon?

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa crystal land. Madami ditong mga flowers, kakaibang uri ng flowers tsaka may nakikita din akong fox tsaka deer. Payapa lang silang nag lalakad, at heto nanaman ako. Hindi maiwasang mamangha

Namilog ang mata ko ng makakita ako ng rainbow sa part nayun ay dun talaga nag mula yung rainbow ang galing! Nakaka amaze. Pwede pa itong gawing piknik-an kase super ganda

"Alam mo grey, kahit saang lupalop pa yata tayo pumunta ng neverland eh maganda padin." bigla kong salita habang inililibot ang mata sa buong paligid. Ang lambot pa ng inaapakan naming grass

"There's a dark part of neverland, and i'm sure you don't wanna see it." Tsaka siya bumuntong hininga. Hindi ko yun pinansin at nag libot libot lang ng tingin

"So, asan na ang unicorn na sinasabi mo hmm?" dahan dahan akong nag lakad papunta sakaniya at tinaas baba ang kilay ko

Napapailing nalang siyang tumawa at nag lakad kaya agad ko siyang sinundan tsaka naman niya binuksan ang mahahabang galamay ng dahon at dun ko nakita ang nakakasilaw na unicorn na natutulog

"OMG." titili sana ako ng takpan niya ang bibig ko kaya nag salita ako pero hindi padin niya inaalis ang malambot niyang kamay sa bibig ko

"Shh. Keep quiet, we might wake her." tumango ako tsaka naman niya dahan dahang tinanggal ang nakatakip niyang palad sa bibig ko. Dahan dahan akong lumapit dun sa unicorn ng walang ginagawang ingay. Tinatawag nanga ako ni grey para bumalik sakaniya eh pero hindi ako nakikinig, bahala siya jan. Once in a life time lang 'to mangyari lubos lubosin na. Pft.

"You young lady! Pst. Hey comeback here you hard headed girl." Sigaw ngunit pabulong nitong sabi tumingin lang ako sakaniya at dumila para asarin pa siya, pft. Bahala ka jan

Napatigil nalang ako sa paglalakad papalapit sa unicorn ng may maapakan akong dahon na lata kaya matunong itong nadurog, nakita kong napatampal sa noo nalang si grey kaya huminga ako ng malalim. arch bakit ba kasi ang pasaway mo?

Kinabahan ako ng makita kong dumilat yung unicorn tsaka unti unting tumayo na tila ba nag tatakha kung sino ako. Sa oras na'to ay wala akong maisip na excuses o dapat na gawin

Napasigaw ako ng bigla akong sugudin ni unicorn kaya napapikit ako. Next time talaga hindi na ako magiging pasaway promise "treaine stop!  She's my friend. " umakto ang kamay ni grey na pinapahinto si unicorn. Ano yung name? Trayn?

"Easy there, easy."

"Yeah that's good." Kinakausap a ni grey yung unicorn at pinapakalma, napanguso nalang ako ng harapin niya ako ng may seryosong tingin

"I told you to stop. You almost got hit by her horn, lady." Mahinahon niya lang sinabi yun pero napayuko ako at mas ngumuso, yan kasi ang pasaway mo arch. Bata ka? Bata ka ha?

"Did she hurt you?" lumapit siya sakin at tinignan ang magkaliwaan kong braso. Nagulat naman ako sa inakto nito. Ang akala ko ay papagalitan niya ako pero hindi naman pala.

Hindi ako sumagot at nanatiling naka pout. Narinig ko ang mahina niyang tawa "c'mon lady, stop pouting. I might kiss you." Iiling iling niyang babala sakin kaya napatingin ako sakaniya ng masama

"Kiss mo mukha mo!"tsaka nag walk out. Mokong nayun! Hahalikan daw ako? In his dream!

World's Apart  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon