3rd Person's POVNagising si arch at sinalubong siya ng puting ilaw, napapikit siya dahil nasilaw siya, napahawak siya sa ulo niya dahil bahagya itong sumakit
"A-aray.."
"Ate!" kanyang kapatid na si chen agad siya nitong nilapitan tsaka niyakap
"Ate namiss ka namin, akala namin hindi kana magigising, ate sorry sa lahat lahat ng ginawa kong kasalanan" umiiyak na panghihingi ng tawad ni chen, bumukas ang pinto at inilabas nito si lily at ang kanyang ina, napatulala ang mama ni arch dahil sa nakikita niya
"Ma, gising napo si ate!"
"A-anak, totoo bato?" Hindi makapaniwalang tanong ng magulang ni arch, agad namang ngumiti tsaka tumango si arch bilang tugon
Napatakip sa bibig ang mama ni arch tsaka tuloy tuloy ang pag daloy ng luha sa kanyang mata, agad niya itong nilapitan tsaka niyakap ng mahigpit si arch "lily, tumawag ka ng doctor." Sabi ng mama ni arch, agad namang tumango ang bunso tsaka lumabas
"Ma, anong nangyari bakit ako nasa hospital?" Tanong ni arch sakanya
"Bigla ka nalang hindi nagising anak, sa totoo lang tatlong araw kang hindi nagising, kaya akala namin hindi kana magigising." Natawa naman si arch sa sinabi ng ina
"Ano kaba ma, matatag yata to."
Nag patuloy sila sa pag uusap ng masaya, dahil nagising na si archizea habang ang lalaking kanyang minamahal ay mananatili sa neverland
Nakita niya ang kalagayan ni arch, napangiti nalang siya ng mapait dahil sa kirot na naramdaman niya sa kanyang puso, nag tatanong kung bakit bawal niya itong makasama, hinanakit sa kanyang naiisip na magkaiba ang mundong ginagalawan nila, lungkot para sa panandaliang saya na naidulot ng dalaga.
At saya dahil kapiling na nito ang kanyang pamilya, gusto niyang ipag laban si arch kaso nga lang ay walang mangyayari, mamamatay ang dalaga kung ipipilit pa niya itong gusto niya, mas mabuti pang masaktan ang dalaga kesa mawala ito habang buhay.
---
Ilang araw na ang nakalipas simula ng magising si arch, mismong sa hospital ay naramdaman niya ang lungkot dahil sa kanyang panaginip
Ang akala ni arch ay isang panaginip lang 'yon, hindi niya alam na totoo ang lahat ng nangyari sakaniya.
"Bakit parang gusto ko makita yung lalake sa panaginip ko?" Malungkot na sambit nito habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, napahawak siya sa kanyang dibdib na kumirot nanaman ito, tanda niya ang lahat pero parang nag dududa siya kung totoo ba ito
Bumuntong hininga ito tsaka tumayo, sa gilid niya may lamesa, sa lamesang 'yon may libro, at nasanggi niya ang libro nayon, may nakita siyang naka ipit na kwintas dito, agad siyang natigilan sa nakita.
Dahan dahan niyang kinuha ang kwintas tsaka tinitigan ng taimtim, naalala niya lahay, binigay sakanya yon ni grey sa panaginip at yun ang prowebang nag mahal siya ng lalakeng nasa iba ang mundo , napaiyak nanaman siya sa napagtanto
"Miss na kita grey, sobra. " iyak lang ito ng iyak habang natatakpan ng palad ang kanyang mukha oras ng tulog nadin 'yon nananatili pading nakabukas ang bintana niya, nag rereflect ulit ang liwanag ng buwan sa loob ng kanyang kwarto
Iyak lamang ito ng iyak, naramdaman niyang may malamig na yumakap sakanya
Biglang lumakas ang hangin tsaka may bulong siyang narinig at ang sabi
'I love you..'
alam niyang si grey yon kaya mas naiyak ito, nakatulog nalang siya dahil sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
World's Apart [COMPLETED]
FantasyThere was a time when i was alone, No where to go and no place to call home, My only friend was the man in the moon, And even sometimes he would go away to. Then one night as i close my eyes,i saw a shadow flying high, He came to me with a sweetest...