Chapter 11 : Crying Heart

25 2 0
                                    

Matagal din ang oras ng pag kwekwentuhan namin ni grey. Sobrang saya niya kausap kasi hindi siya nauubusan ng mga ikwekwento. Ito namang puso ko parang sasabog na dahil sa sobrang kilig at saya

Bakit kaya ganon? Ilang sandali pa lang kami nag kakasama ni grey pero nagustuhan ko agad siya? Siguro kasi hindi pa ako nag kakagusto sa mundo namin. NBSB yata 'to, palagi ko kasing iniisip na sila mama muna ang ip-prioritize bago ang iba. Kasi madami namang lalaki jan sa tabi tabi eh.

Siguro kaya ko agad nagustuhan si grey kasi sobrang bait, gentleman at gwapo din. Hindi man siya bad boy katulad ng mga nababasa kong storya sa libro, unique naman siya.

"Hey! Why are you staring at me?" rinig kong tanong ni gray sakin. Ngayon ko lang napansin na nakatitig lang pala ako sakaniya which is super nakakahiya. Umiwas ako ng tingin at para bang namula

"Wala naman. May iniisip lang ako" tumingin ulit ako sakaniya at hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Bumibilis nanaman ang puso ko ayos yan arch~

Tumango tango naman siya sakin "ganito nalang. Laro tayo ng 'have you ever' mag tatanong ka ng kahit ano gamit ang salitang 'have you ever' keri?"

"Game." Umayos kami ng upo at humrap sa isa't isa. Kumuha ako ng isang ubas tsaka ko ito kinain

"Una kana." Sambit ko habang nginunguya ang ubas, ngisi at tango lang ang binigay niya tsaka pumangalumbaba na parang may iniisip

"Hmm. Have you ever got attracted to a gentleman?" Muntik na akong mabulunan sa itinanong nito sakin. Like gosh hindi ko ineexpect na itatanong niya yon. Nakaka ilang tuloy kasi crush ko siya chaka gentleman din siya. Ano ba arch hindi ka naman aamin chaka oo o hindi lang ang isasagot mo duh.

"Yes."

"Really?"

"Oo nga."

"Who?"

"Secret."

"When did you discover that you're attracted to him?"

"Lately."

Pareho kaming napatigil sa pagtatanong at pag sasagot ko dahil sa sinabi ko. What the fudge did i just say? Sabihin niyo biro lang 'yang sinabi ko.

Bigla tuloy akong nailang sa titigan namin kaya agad akong lumihis ng tingin at nilunok yung ubas na kinuha ko na ikina bulunan ko naman. Agad lumapit si grey sakin upang tulungan akong iluwa yung ubas. Nice arch galing mo.

"C'mon puke it" minamasahe niya ang likod ko kaya ako naman todo duwal. Halos maluha luha kong inilabas sa bibig ko yung isang buong grapes.

Kumuha siya ng tubig at iniabot sakin. Agad ko naman itong kinuha tsaka nilagok. Taas baba ang dibdib kong sumandal sa puno tsaka pumikit

"You feeling well now?" Nakangiwi akong tumango sakaniya

Ilang minuto kaming nanahimik at maayos naman na ako. Pareho lang kami nakasandal sa puno at hindi nag iimikan kaya naman inaya ko siyang ipagpatuloy ang larong hindi namin natapos

Lumingon ako sakaniya " tuloy natin yung laro?"

Tumango siya sakin. This time hindi na kami nakaharap sa isa't isa, nanatiling nakasandal kami sa puno. Mas better nang ganito ang posisyon namin kesa naman mag kaharap kami. Naalala ko lang yung sinabi ko kanina. Muntik nakong madulas na crush ko siya

"My turn no? "Tanong ko ulit. Muling tango nanaman ang isinagot nito sakin kaya nag isip nako ng pwedeng ipukol na tanong sakaniya

"Have you ever think on how to fell in love? " Nilakasan ko talaga ang loob ko para lang maitanong sakaniya yan. Wala ng atrasan to "yeah." sagot niya.

World's Apart  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon