Nakaupo lang ako sa may ilalim ng cherry blossoms at ilang minuto nakong nag hihintay kung lalabas paba sila ng unicorn na'yun. Ang tagal tagal mga pa VIP tsk. Only if i know babae din yung unicorn tsaka baka may gusto siya dun kay grey, halata naman eh ang bilis siyang mapasunod ni grey.
Napairap nalang ako sa naiisip ko at natatawa. Pati ba naman yung unicorn maiisipan ko ng ganon? Ibang klase ka arch.
Ilang minuto pa ay nakita kong lumabas si grey kasama ang unicorn kaya umakto ako na parang hindi ko sila nakikita "hey. come here, lady."
Tawag sakin ni gray kaya inosente akong lumingon sakaniya tsaka dahan dahang tumayo at nag lakad papunta sakanila"She said sorry for what happened lately." ngumiti nalang ako at tumango. Bigla sakin lumapit yung unicorn tsaka yumuko kaya ako naman ay hinaplos haplos ko ang ulo niya. Tinignan ko yung isang sungay sa ulo niya. Ang galing talaga, A unicorn like her exist? Who would have thought?
"I'm sorry if i ruined your beauty sleep. " syempre nag english ako kasi baka hindi niya maintindihan diba? Nakita ko siyang kaunting tumango tapos nag lakad lakad siya na parang may gustong iparating
Sabay namin siyang pinagmasdan ni grey habang sinusuri kung ano ang gusto nitong iparating. "She said she wanted us to ride her and she'll going to tour us around."
"Oh. What are we waiting for? Tara na at sumakay!" Agad akong lumapit sa unicorn tsaka bumwelo para sumakay ngunit mali yata ang pag kakabwelo ko dahil bigla akong napa tumbling kaya lagatak ang katawan ko sa lupa. Hinawakan ko ang baywang ko dahil sa sakit ng pag kakabagsak ko
"Lady! Are you okay? " tumakbo sa direksyon ko si grey tsaka ako tinulungan tumayo. Juicemilo arch napaka lampa mo.
"Oo. Okay lang iwan mo muna ako." Tsaka ako nag unat ng buto iniwan niya naman ako tsaka pumunta na ulit sa kaninang pwesto niya. Lokong yun iniwan talaga ako tsk.
Pumunta ulit ako sa direksyon niya at sinimulan ulit sumakay. Pero this time, he helped me to get in the unicorn. So i did, lucky me.
Pag katapos niya akong isakay ay agad din siyang sumakay kaya ngayon ay nasa likuran ko siya at naamoy ko ang mabangong bumalot sakaniya. Hindi ko alam kung naiilang o kinakabahan ako kasi sobrang lapit namin sa isa't isa. Halos maamoy ko na ang mabango niyang hininga
Agad na umalis ang unicorn tsaka dinala kami kung saan. Hindi ko alam kung saan talaga pero alam ko namang hindi ako mabibigo sa paghanga dahil halos lahat ng pinupuntahan namin ay palaging hindi maialis sa mukha ko yung amazed. Para akong batang sumama sa field trip, pft.
Pag dating namin sa dapat naming puntahan ay agad kaming ibinaba ng unicorn na nag ngangalang treaine. Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Napapalibutan ito ng mga iba't ibang kulay ng puno. Madami ding nag liliparan na mga butterfly na mas nag paganda pa ng paligid. May space naman na pwedeng pag piknik-an kasi medyo malawak ang lugar nato.
"Do you like what you see?" Agad akong napalingon sakaniya
"Kailan ko ba hindi nagustuhan ang mga nakikita ko sa paligid?" seryosong pag balik tanong ko sakaniya
He shrugged.
"Silly. Let's go their." Maingat niyang hinawakan ang kamay ko tsaka dahan dahang hinila patungo sa lilim ng puno. Agad na kumakalob ng malakas ang puso ko sa aking nakita. Ayokong mag assume pero kasi—
"Anong okasyon ang meron?"nag tatakhang tanong ko sakaniya ngunit tanging ngiti lang ang isinukli
"Nothing, i just want to stay here for awhile. Come and sit" umupo kami sa may banig na inilatag pang piknik. Nakakatuwang makita ang mga ibon na may dala dalang isang basket ng mga prutas. Ngayon lang ako naka saksi sa ganitong bagay
Sumandal ako sa puno
"Hindi mo sinabing gusto mo pala ng piknik ha?" ngising sambit ko sakaniya habang nakatanaw sa dalawang rabbit na nag hahabulan hindi kalayuan samin.
"This is my first time to have picnic with someone. And it felt so good" nakita kong sumilay sa labi niya ang ngiti at parang virus ito dahil kusa akong nahawa sa ngiti niya. Hindi ko alam na nakakahawa pala ang pag ngiti ng isang tao
Humarap ako sakaniya at kumuha ng apple "Ganito. Mag kwento ka sakin about sa buhay mo dito, promise maniniwala ako sayo."
"Okay."
"I don't know my age. But i know that i'm living here in neverland for a hundred years. I don't know how to feel hate,like or love someone. Because all this time, i'm alone. I'm living alone" seryoso nitong sambit sakin. So kung hundred years na siyang buhay edi sana matanda na siya ngayon?
"Pero mukha ka namang bata ah? Bakit mo nasabing hundred years kanang namumuhay sa neverland?"
Takhang tanong ko tsaka kumagat sa apple habang hindi inaalis ang kunot noo kong tingin sakaniya"Because i'll never become an old man. I will stay young forever." Sa bawat salitang binibitawan nito ay para bang mabibigat tsaka sobrang lungkot. Bakit ba siya malungkot? Maganda nga yun eh. Hindi na siya tumatanda edi hindi niya na kailangan pang mamatay. Kung ako siguro siya, mas gugustuhin ko nalang maging dalaga habang buhay, katulad niya.
Hindi niya alam kung gaano siya kaswerte sa buhay na meron siya. Dito sa neverland halos wala kang problema. Maganda ang tanawin o kahit saan ka pumunta. Mabubuhay ka kahit hindi ka kumikita ng pera. Ang daming pwedeng puntahan pag stress ka, pwede ka pumunta sa emerald forest o kaya naman sa crystal land diba?
"Alam mo, ang swerte mo nga kasi hindi kana tumatanda eh. Kami hiram lang ang buhay namin, kahit anong oras pwedeng bawiin ni Lord yung buhay namin. Kaya wag kang mag salita na parang lugi ka pa." Tatawa tawa kong sabi, lumingon naman siya sakin ng may seryosong ekspresyon
"What's lucky on being alive forever? Tell me what's lucky on being alone. What's lucky on being the only one here in neverland, no one to talk to, no one to laugh together. Now tell me, am i still lucky?" Natigilan ako sa mga sinabi nito sakin. Sino nga ba naman ang sasayang mabuhay ng walang kausap? Kahit siguro ako ay mamamatay kapag walang kausap eh.
"Sorry." Ayan nalang yung na sabi ko sakaniya. Ako nga siguro yung swerte kasi nakakapag aral ako at alam kong may pamilya akong uuwian, eh itong si grey?
Napaawang ang bibig ko sa naisip. Sobrang nakakalungkot pala ng buhay niya, mas malungkot pa yung sakaniya kesa sa buhay ko.
"Hindi ko alam na malungkot pala ang buhay mo. Nasanay kasi akong nakikita kang ngumiti eh, ayun pala may mabigat kang problema na kahit kailan ay hindi mo malulutasan." malungkot kong sambit sakaniya. Ngumiti naman siya ng malungkot sakin, nakikita ko 'yon sa kaniyang mata.
"Hmm. So no matter how terrible your life is. Keep going because sooner or later you will gain the success and it'll be so worth it." Tumango tango ako sakaniya. Lagi kong aalahanin ang sasabihin niya at isasa puso ko 'yon.
"Change topic na. Ang drama na natin eh, pft." sabay kaming natawang dalawa. Kaya gumaan nanaman ang athomsphere ng paligid . Sa araw araw kong kasama ang lalaking kaharap ko, biglang bumibilis ang tibok ng puso ko whenever his around. Parang may mga paru-paro sa tiyan ko when he say something sweet. At higit sa lahat bumabagal ang paligid pag tinititigan ko siya.
Sa sandaling oras kong kasama siya pero magdamag, he never fails to amaze me, to make me laugh and make me happy, he never let me feel that i'm alone. Nasanay na tuloy akong kasama siya kasi pag nakikita ko yung mukha niya, o nararamdaman ko ang presensya niya. Palagi kong nafefeel na safe ako, na hindi niya ako papabayaan. At dahil doon..
I... I think i like him
BINABASA MO ANG
World's Apart [COMPLETED]
FantasyThere was a time when i was alone, No where to go and no place to call home, My only friend was the man in the moon, And even sometimes he would go away to. Then one night as i close my eyes,i saw a shadow flying high, He came to me with a sweetest...