Archizea's POV
“Az, Pano una na'ko pauwi ha? baka hanapin nako ni mama eh, Bukas nalang ulit bye" tanging ngiti lang ang naisukli ko kay jecia at tango. halos gabi na kami nakauwi kahit na gabi naman talaga kami nakakauwi dahil 7:00 ang labas namin mula sa school minsan ay nalalate pa kami dahil matagal mag palabas ang last subject namin
"sige, ingat ka. "tuluyan ng lumihis ang daan ni jecia habang ako naman ay patuloy sa paglalakad pauwi. malamig ang simoy ng hangin, napaka ganda ng kalangitan higit sa lahat maliwanag ang buwan. napangiti na lamang ako dahil sa kalmang ibinibigay nito sa'kin.
pagkauwi ko sa bahay ay agad kong binati si mama. sa public lang ako nag aaral dahil hindi namin abot ang pribadong paaralan, pero kahit na ganon ay ayos lang sakin ang importante ay makapag tapos ako at maka raos sa hirap ng buhay
minsan ay naisip ko nalang takbuhan ang problemang kumakaharap sa pamilya ko. pati nadin sakin, stress sa school pati nadin sa bahay hindi alam kung saan kukuha ng pang kain kinabukasan at pang baon ng nakababata kong kapatid. ang pinaka ayaw ko pa naman ay makikita si mama na namromroblema dahil samin, napakasakit makita.
"ma, nandito napo ako. " agad kong tinanggal ang sapatos ko at medyas ginawaran ko ng halik si mama sa pisngi
"Oh anak nandito kana pala, halina't kumain kana."sabi naman ni mama palagi niyang sinusuot ang matamis niyang ngiti although alam kong pinepeke niya lang yun kase ayaw niyang makita namin na napapagod na siya dala nadin ng patanda niya kaya sinisikap kong makapag tapos ng pag aaral para ialis sila sa ganitong kabuhayan.pag nakapag tapos ako ng pag aaral ako na mag papaaral sa kapatid kong si chen at lily ipaparanas ko sakanila ang kaginhawaan ng buhay pangako yan.
"Anak wag mo naman akong titgan ng ganyan,may dumi ba ang mukha ko?" Tatawa tawang tanong ni mama. umiling ako tsaka ngumiti ng kaunti at inumpisahan ko ng kumain ng itlog at ng tuyo.
"Wala po ma, nga pala si chen at lily po ba kumain na?" Tanong ko kay mama tsaka sumubo ng sinangag. si chen ang pangalawa sakin at si lily naman ang bunso namin. kahit na half sister ko lang sila.
"Oo nak sabay kaming kumain na tatlo,pasensya na at hindi ka namin nasabayahan ha? " ngumiti ako at tumango tsaka nag patuloy kumain. pag tapos kong kumaim ay gagawa na agad ako ng thesis hindi pwedeng hindi dahil graduating nako this year. ng grade 12 may project din pala kami---
"Nga pala anak,pinapasabe ng kapatid mong si chen na mag papatulong daw siya sayo sa math dahil nalilito siya sa formula nayon,kung wala kang gagawin,meron ba?"napatigil ako sa pag kain. kakaisip ko lang na pag tapos kong kumain ay gagawa na agad ako--nevermind.
"Ah,wala naman po akong gagawin,sige po pag katapos kong mag half bath puntahan ko nalang sila sa kwarto nila"sambit ko sabay ngumiti. sa pamilya kong ito kahit mahirap ang buhay kailangan may tulungan. anong silbi ng salitang family kung walang team work hindi ba?
"Sige na,aakyat nako sa taas para makapag pahinga,ikaw na ang bahala dito archizea ha?" Napabusangot ako ng marinig kong binaggit ni mama ang buo kong pangalan. i prefer to be called 'arch'
"Ma naman,huwag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko." Napanguso nalang ako na parang bata. tawa lang ang iginawad sakin ni mama tsaka siya umakyat sa taas
Gaya ng sinabi ni mama ay nag hugas muna ako bago umakyat sa taas sobrang pagod ngayon. nag half bath ako at nag suot na ng pang tulog 9:30 na pala hindi ko namalayan.
Binuksan ko ang terice ko. ako lang kase mag isa sa kwarto ko at nakagawian ko ng bubuksan ang terice kada gabi para pumasok ang lamig. pumasok ako sa terice at humawak sa riles habang dinadama ang malakas na hangin. tumingin ako sa langit na punong puno ng mga bituwin bigla na lamang akong napatingin sa buwan. bakit kaya narerelax ako pag tumitingin sa buwan?
Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang sariwang hangin tsaka napangiti.
"Kailangan ko pa palang turuan si chen."sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng kwarto. kaharap lang naman ng kwarto ko ang kwarto ng dalawa kong nakababatang kapatid kaya ayos lang.
Papasok na sana ako sa loob ng may narinig ako "oh,babe buti naman at tumawag ka..i miss you too hehehe--ano?! Kakapaload ko palang sayo ah? Paload nanaman?..ah ganon po ba? Hihihi,sige bye bukas hingi nalang ulit ako kay mama o kay ate ng 200 ha? Oh sige na,i love you too--" pinatay na niya ang cellphone niya ako naman ay sumugod sakaniya tsaka siya sinampal. i'm disappointed parang nawarak ako bigla sa mga narinig ko
Tuloy tuloy lang amg agos ng luha ko siya naman ay gulat lang na nakatingin sakin. itong si chen hindi kami masyadong close dahil maldita yan. pero tinuring kong tunay na kapatid,minahal ko siya na parang puro kaming mag kapatid. ang sakit lang hindi niya ba nakikita ang pagod at hirap ni mama chaka hirap ko?
"Ano chen? Mag bubulakbol ka dahil sa lalakeng 'yon ha?! Mag bubulakbol ka?! Sabihin mo lang papalayasin kita."sigaw ko sakaniya dala ng galit at pighati tinaasan niya ako ng kilay at nag crosshand
"Bakit sino kaba?" Mas nadagdagan pa ang galit ko sakaniya kaya pasugod ko siya tinulak tulak
"Sino ako ha?! Sino ako?! Sino ba ako sa tingin mo chen?" Nag tutulakan na kami at imaawat na kami ni lily na umiiyak nadin
"Oo! Sino ka nga ba para pag bawalan ako sa gusto ko ha?! Eh kahit anong gawin mo isa kalang namang sampid dito diba?!"
"Ate chen! Ate arch! tama na, mama! Sila ate nag aaway." Umiiyak na sabi ni lily. patuloy lang amg pag agos ng luha ko
"Bakit ipanapadala mo sa boyfriend mo yung mga ibinibigay namin sayo na perav ni mama ha?! Hindi mo na nakikita nahirap na hirap kami?! Working student ako while si mama patanda na pero nag tratrabaho padim! Chen,matalino ka naman pero bakit ang tanga tanga mo?! ANG TANGA MO!"sigaw ko kay chen. hindi ko inakalang hahantong kami sa ganito hirap na hirap nako,tapos ito lang malalaman ko?
"Tangina ka."mahinang sambit sakin ni chen habang umiiyak nang walang tunog pero masama tingin sakin. dumating si mama na may dalang kutsilyo
"Ano ang nangyayare dito? Arch?! Ikaw ang nakakatanda pero ikaw amg pasimuno? Oh heto kutsilyo! Mag patayan na kayo! Parang hindi kayo magkakapatid ha?!"galit na galit si mama samin kaya napayuko ako at patuloy ang daloy ng luha
"S-si chen kase ma,may boyfriend .nahihirapan kana at ako concern lang naman ako,mamaya mabuntis yan ng maaga hindi makapag tapos,kase ano? Maagang lumande--"napatulala nalang akocng may palad ng dumampi sa mukha ko. bakit ako yung sinampal ni mama?
"M-ma.."
"Mag hunos dili ka sa nilalabas ng bunganga mo arch,dahil baka hindi lang yan ang matikman mo."
"B-bakit parang ako pa yung may mali?"mas napaiyak nalang ako,ayoko na. palagi nalang ako yung may mali,mababaliw na ako.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nag lock ng pinto. tinawag pako ni mama pero hindi nako sumunod. kumuha ako ng unan at dun umiyak ng umiyak,pagod na ako. problema sa school,problema sa bahay,financial problem at sa kung ano ano pa. pagod na pagod na ako
Kahit ngayon lang sana,maging maayos ang lahat. gusto kong pumunta sa mundo kung saan walang problema, please kahit ngayon lang,ayoko na.
BINABASA MO ANG
World's Apart [COMPLETED]
FantasiaThere was a time when i was alone, No where to go and no place to call home, My only friend was the man in the moon, And even sometimes he would go away to. Then one night as i close my eyes,i saw a shadow flying high, He came to me with a sweetest...