CHAPTER 1:

413 6 1
                                    

Kylie Monique Collin's POV.

Nandito ako sa bandang pool nakaearphone habang kumakain.Masyado pang mainit para umalis ng bahay kaya nandito muna ako.

"MONIQUUEEE!!!" naririnig kong sigaw ni nanay Cindy.Pero di ko lang pinansin.

"Moniiiiqueeee!!!" Sigaw pa ulit nito.

Pero pinagpatuloy ko lang ang pagkain at kumakanta kanta pa.Bahala sila dyan basta relax lang ako.

"Monique bat mo pinakawalan yung mga aso!!!" Rinig ko paring sigaw ni nanay Cindy.Aba matindi nasa kitchen na rinig padin dito sa Likod.

"Nanay i cant hear you!" Sigaw ko at kumanta na ulit.

"Monique malalagutan ka talaga sakin!!!" Sabi niya pa.Pero di ko na ulit pinansin.Ang ingay.

Napatayo ako ng may biglang nanbatok sakin.

"Ano ba nanay?!" Inis kong singhal at tinanggal ang earphone.

"Bat mo pinakawalan yung mga aso?!Tingnan mo hinahabol ngayon ni Mang kardeng ikaw talaga!" Sabi ni nanay at hinila ang tenga ko.

"Arat ko masakit nanay?!" Sabi ko at binawi ang tenga ko.

"Bat mo ba pinakawalan?!" Inis na singhal ni nanay at akmang ihahampas ang feather dust sakin pero umilag ako.

"Nanay naman wala akong magawa!" Sabi ko at naupo ulit.

"Edi dapat ikaw na humabol sa mga aso!" Sabi niya at hinila nanaman ang tenga ko.

"Nanay nakakarami ka na!!" Inis at nakanguso kong sabi.

"Aba aba aba...nung nakaraan pinagugupit mo yung kurtena sa guest room nung may dumating na bisita tas ung isda sa aquarium binuhusan mo ng kape abay napakagaling!" Nanlalaking matang singhal niya.

"Nanay naman eh kararating ko lang ganyan ka na agad" nakanguso kong sabi.

Kakarating ko lang galing States at masasabi kong namiss ko ang pilipinas.

"Aba...tara na dito't kumain ka na!!" Aya ni nanay at sumunod na ako.

"Kapag kuay nandito ka sa bahay umiingay ba ere!" Sabi pa ni nanay at pinaghanda ako ng plato.

"Nay sila Mommy?" Tanong ko.

"Abay di ko naman alam ere't kumain ka na diyan pasaway ka!" Sabi ni nanay at yun nga kumain na ako.

Namiss ko ang pilipinas ah.Dito na pala ako magaaral sabi ko kay dad pumayag naman siya pero babalik daw ako ng States pag may nagawa nanaman akong katarantaduhan.

Pinadala lang naman ako sa States dahil sa sobrang pagkawarfreak makulit at laging napapasok sa gulo.Natatandaan ko pa dati pag ayaw kong aalis sila dad ay bubutasin ko ang gulong ng sasakyan nila minsan na din akong napapagalitan dahil nilolock ko sila sa sarili nilang kwarto pag ayaw nilang lumabas.

Pati mga kasambahay at kapitbahay ay naiinis din sakin dahil lakas ng trip ko lagi.

"Baby?!" Nagulat ako ng may tumawag sa likod.

"Mommmyy!!Daddyyy!" Nakangiti kong sabi at patakbong pumunta sakanila.Niyakap naman nila ako kaya yakap pabalik din.

"Anak naayos na namin ang mga gagawin sa school mo sa bago mong lilipatan at di ba nasabi sayo ni nanay Cindy na nasa closet mo na yung mga uniforms mo?" Nakangiting sabi ni mom.

"And btw yung napagusapan natin?" Sabi naman ni dad.

"Hehe opo mommy daddy" sabi ko kahit di ko na matandaan.

"Verygood sweetie aakyat na muna kame ng dad mo" sabi ni mom.

"Di pa kayo kakain?" Sabi ko.

"Hindi na anak tapos na kame ng dad mo" nakangiti pading sabi ni mom.

"Ahhh okie kain na ako..sleepwell" sabi ko at bumalik na sa lamesa.

Ayun na nga may kasunduan kame ni dad na wag na daw ako dapat mapapasama sa gulo kaya ayun na nga dapat ay magpakabait ako.

Ano kayang mangyayari bukas?

Magiging masaya kaya sa school?

****

Book 1:THE BADASS BITCH(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon