Chapter 1

3 2 0
                                    



Lola! Dito nalang po kasi ako! Ayoko dun! Alam mo namang mainit ang dugo sakin ng Abnoy na Pinsan na yun eeh!.❞  Halos lumuhod nako sa pag'mamakaawa para lang di mapa-dala sa Tita ko.
Pero si Lola mukhang napuno na ata sa Ingay ko.


Dahil di ka mag-titino pag-nandito ka sa Puder ko! Mabuti na't nandun ka sa Kuya mo para mabantayan ka ng mabuti!.❞  Sigaw sakin ni Lola. Halos Tumalsik na ang Pustiso ni Lola sa Sigaw nya sakin.



Hindi ko na po uulitin! Promise mag-babago napo ako, wag nyo lang po akong ipadala dun! Lolaaa!.❞  Pinunasan ko muna yung Laway na tumalsik sa Braso ko Galing kay Lola bago ako ulit humarap sakanya. Okay na rin yun kesa yung Pustiso yung tumalsik sakin. Mas nakakadiri yun.


Ano kamo magaling kong apo? Di kana Uulit? Mag-babago kana? Yan din ang sinabi mo sakin ng nakaraan! Pero ano tong narinig ko nanaman?! Di na uulit..! Juskong bata kaa!.❞   Naupo sa sya upuan nyang parang duyan at hinilot yung Sintido nya. ❝Ayokong mamatay ng maaga dahil pagiging pasaway mo Apo, dun ka sa Kuya mo't madisiplina ka ng maayos.

Mangiyak-ngiyak akong humarap kay Lola upang mag-makaawa ulit pero huli na dahil may narinig nakong busina sa Labas ng Gate.

Tumingin ako kay Lola pero patuloy parin sya sa Pag-hilot ng Sintido nya.
Lolaa! Maawa ka naman po sakin! Lolaaaa!
Pero parang wala itong narinig.
Lola namn eeeh!


Ma'am nandito napo sila Sir Angelo.❞  Singit ng katulong ni Lola. Senenyasan naman sya ni Lola na papasukin yung Bwisita.
Kuya Angelo Chavez. Shit! Andito na syaaa! Sinusundo na ba ko ni kamatayan?!


Nag-hintay muna ako ng ilang sandali bago ako umakyat sa kwarto ko. Ayokong Sumama sakanila! Nakakatakot kaya si Kuya.
Pero bago paman akong tuluyang makapasok sa kwarto ko, narinig ko na ang pangalan ko.
Nag-dalawang isip pako kung papansinin ko ba si Kuya o Hindi, pero nanaig yung papansinin. Takot ko lang masigawan ng mala demonyo kong Pinsan.

Slow motion akong pumihit sa kinaruruonan ni Kuya. Pero ayun! Ansama na ng Tingin sakin. Sinenyasan nya kong Bumaba, tinigna ko si Lola na nag-mamakaawa pero walang epek! Peshteeeee!


Bumaba ka dito kung ayaw mong bumaba dito!.❞  Nong una naguluhan pako sa sinabi nya pero na intindihan ko naman agad. Medyo may sapak kasi sya kaya wag nyong intindihin.

Bilang ang hakbang ko pababa, kaya nung akma syang Lalapit sakin daig ko pa si Flash, sa sobrang bilis ko ayun nasa unahan nya nako.
Pero sana pala bumalik nalang ako sa taas.

Mabilis nyang hinili ang Tenga ko.
AHHH! KUYA ARAYYY! MASAKETTT!❞  Nag-titili ako sa sakit ng pag-kakapingot nya sakin. Fuwta! Parang matatanggal yung Tengaa koo!


Kelan kaba mag-titinong bata ka ha?! Aray?! Aray ba kamo?! Sige tiisin mo ng mahimasmasan yang tigas ng ulo mo!.


Kuya masakit naaa! Ahuhuhu! Bitaw na kasiii!.


Gusto mo bang mamatay si Lola sa katigasan ng Ulo mo haa?! Di ka na talaga natinong bata ka!.❞   Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Patay agad?! Pareho lng sila ni Lola, sila nga ting nag-iisip sakin pa ibubuntong!

Di nag-tagal binitawan nya na yung tenga ko. Agad akong tumakbo sa malapit na salamin para matingnan kung gaano na ka Pula ito! Fudgeee! Hindi lang sya mapula pulang-pulaaa!


I'm UnknownWhere stories live. Discover now