Natapos ang klase naming wala naman gaanong nangyari, syempre ako bilang bago pakilala here, pakilala there. Di nako mag-tataka kung mapapaos ako bukas. Di rin naka iwas sakin ang pag-sagot'sagot sa mga tanong. Mabuti nalang talaga at nakapag-basa ako kagabi ayoko pa namang mapahiya sa unang pasok ko kung hindi ako makakasagot baka mag-mukhang Boplaks ako kahit medyu lang naman.Nandito ako ngayon sa gate ng school hinihintay ko si Dos, nauna na ang dalawa kong kaibigan. Yes, Friends ko na sila yun ang sabi nila, sakanila nalang daw ako sasama tsaka pati si Sha kahit nasa kabilang Section sya. Kanina ko lang napag-laman na Section B pala sya. Okay naman sakin na kaibigan sila mabait naman sila tsaka comportable ako.
❝Hindi ka pa ba uuwi ija? Kanina kapa riyan. Gabi na rin.❞ Napalingon ako kay manong Guard Tsaka sa Field, Halos wala ng mga studyante dito tanging ako nalang at ang naka duty'ng si Manong guard.
Tinignan ko ang Oras, 7:50 na. Tengenee! Kaya pala wala ng mga studyante. Ang tagal ko na palang nag-hihintay dito. Busettt na Dos.
❝Aah. Uuwe na rin po Manong, baka nakauwe na yung hinihintay ko eeh.❞ Nag-paalam nako kay Manong guard at Lumabas na ng Gate.
San ba ko dapat mag-umpisa mag-hanap ng dadaanan? Napalingon ako sa bahaging Parking Lot dito ba kami kanina ni Sha dumaan? Ahbahala na! Basta makauwe ako, malalagot ako kay Kuya nito.
Nag simula nakong mag-lakad wala naring mga sasakyan rito sa Parking. Nalampasan ko na ang Parking ng School at mukhang nadadaanan ko na ang dinaanan namin kanina ni Sha.
Kinuha ko ang Cellphone ko, madaming missed calls at messages pero di ko pinansin. Hinanap ko ang Camera, ng mahanap ko agad ko itong pinicturan. Anong gagawin ko dito? Gagawin kong mapa, wala paman din akong sense of direction. Binalik ko na sa bag ang Cellphone ko at nag-patuloy sa pag-lalakad, may nadaanan nakong iskenita. Ngayon ko lang na alala na malayo pa pala ako.
Wala na ring nga sasakyan pero kaninang umaga meron naman, siguro shortcut to. Pag-labas ko kasi kanina sa Gate di kalayuan ay High Way na, hindi naman ako maka diretso duon dahil di ko nga alam kung anong Lugar nila Kuya. Kaya pinili kong dumaan sa dinaan ko kaninang umaga, Hindi rin naman madilim dito, may street lights naman kaso ang lalayo ng agwat. Di naman ako takot sa dilim takot ako kay Kuya Angelo.Nag-patuloy lang ako sa pag-lalakad hanggang sa may nakita akong kumpulan ng mga lalaki at parang may pinapalibutan. Bakit parang ang Iskenitang ito ang lagi kong naabutan na may away? Medyo malayo pako di ko pa naaaninag ang mga lalaki madilim rin sa bahagi nila, yung ilaw nag-papatay'patay sindi pa, ang ilaw naman na maayos nalampasan ko na, kaya tanging patay sinding ilaw nalang ang nag-bibigay liwanag sa kanila.
Mas lumapit pako at sa pag-sindi ng ilaw nakita ko ang mukha ni Dos. Niceeee! Sya lang naman kasi ang pinapalibutan ng hmmm? Pfft! Limang lalaki. Makapanood nga.
Umupo ako malapit sa makikita ako sa ilaw sana bumili ako ng pop corn.
❝Di kapa tatakbo? Bibigyan kapa namin ng Chance.❞ Sabi ng lalaki sa unahan nya. Nginisihan lang sya ni Dos, sige lang Dos di kita isusumbong kay Kuya pramis.
❝Do you think i'm afraid of you? To all of you? If you want to run, go. I won't stop you.❞ Pa cool na sagot ni Dos, Gusto kong pumalakpak sa narinig ko. Nag-yabang pa sya eeh mukhang nabangasan na nga putok na ang Labi eeh.
Humalakhak ang mga nakapalibot sakanya. Parang demunyu ang mga to. Kipapanget tumawa.
❝Ano pang tinatanga nyo dyan?! BANATAN NAAA!❞ Sigaw ng isa tsaka sabay silang susugod sana kaso natigil sila ng may marinig silang tumunog na Cellphone. ❝Putangina! Kaninong Cellphone yan?!❞ Galit na sigaw ng isa. Lahat sila nag-si kapa sa mga bulsa nila pati si Dos ganun din ang ginawa kaya di ako nag-pahuli. Kinuha ko ang Cellphone ko sa bag, Tengeneee! Cellphone ko pala. Si Kuya Tumatawag.