Hanggang sa makalabas kami ay nanatili kaming tahimik. Pinapakiramdaman namin si Jacob.Nasa unahan namin sya, parang kanina ang sigla-sigla nya pero ngayon madadala ka sa Kalungkutan nya. Hindi ko pa nararanasang mawalan ng mahal sa Buhay. Di pa naman patay ang nanay ko kaya di ko yun Ramdam.
'-_-VDi na nag-try out ang mga kasama namin sa sports na sinalihan nila ngayon. Gusto nilang damayan si Jacob.
Nang makalabas kami kanina sa Caff. Ay tumambay muna kami saglit sa isang Bench na malayo sa mga studyanteng dumadaan.
Hanggang sa makalabas kami ng Gate. Hapon na, siguro ay 5:00pm na, di namin namalayan ang Oras dahil sa Lungkot ni Jacob.
Nakarating kami sa Parking Lot na walang umiimik hanggang sa isa-isa na silang sumakay sa kanya-kanya nilang sasakyan at nag-paalam.
Kaming tatlo na lamang ang natitira dito sa Parking Lot. Alam kong iniisip rin nila ang kasakiman ng Grupo ni Dos.
❝Nakakalungkot ang nangyari sa Kapatid ni Jacob. Parang gusto ko syang yakapin sa mga Oras na yun.❞. Napalingon kami ni Sha sa biglaang pag-sasalita ni Maye.
❝Uyyy, Maye iba na yan. Di nayan awa, Pag-mamahal na yan.❞. Napatawa ako sa hirit ni Sha.
Biglang bumusangot si Maye. ❝Epal ka! Kawawa na nga ang isa eeh!❞. Padabog syang lumapit sa Kotse nyang kararating lang.
Halos mag-kasunod lang ang sasakyan nila ni Sha. Nag-paalam na si Sha at nauna ng Umalis.
❝Ano Gab? Dyan kana lang?❞. Tumango ako sa sinabi nya. Kaya nag-taka sya.
❝Salamat. Di nalang ako sasabay sayo, na txt ko na ang susundo sakin.❞. Tumango naman sya sa sinabi ko.
❝Hmm. Sige, mauna na ko. Ingat ka.❞. Kumaway sya sakin at umalis na.
Hinintay kong makaalis ng tuluyan ang sasakyan nya hanggang sa di ko na ito makita.
Tinignan ko ang paligid kung may tao pero wala. Hinanap ko ang sasakyan ni Dos, hindi naman ako nag-tagal sa kakahanap dahil tatlong sasakyan lang agwat mula sa tinayuan ko kanina.
Kinuha ko ang Hair pin sa bag ko at binuksan ang Pintuan ng Kotse nya. Hihintayin ko na sya dito.
Thursday na bukas, at bukas na ang Audition para sa Banda, di naman ako kinakabahan dahil alam ko namang makakaya ko yun.
Napatingin ako sa side mirror dahil may nakita akong Tatlong lalaking nag-lalakad papalapit sa kotse ni Dos na may hawak na Baseball bat.
Nalintikan na!
Dali-dali akong Lumabas na agad na ikinatigil nila sa akmang Pag-hampas nito sa Bintana.
Nagulat sila ng Lumabas ako dahil nanlaki pa ang mga mata nila.
❝Ano sa akala nyo ang ginagawa nyong tatlo?❞. Mahinahong tanong ko na agad nilang ikinagitla at mabilisang ibinaba ang hawak na baseball bat.
❝Sino ka?! Bakit ka na sa sasakyan ni Dos?!❞. Galit pero kinakabahang sabi ng nasa gitna. Dos rin pala tawag nila kay Dos.
Ramdam sa Mukha nya ang takot. Inaano ko ba to?
❝Sya yung Babaeng nakaharap kanina ni Christof.❞. Rinig kong bulong ng katabi nya sa kanan.
Biglang namula ang tatlo, bakas sa mukha nila na hindi nila akong gustong makita.