❝Asan na ba si Maye? Mag-sisimula na Try-out nila.❞. Kasalukuyan kami ngayong nasa Gym. Hinihintay si Maye.Kanina pa kami nag-hihintay simula nung mag-cr sya. Kinakabahan daw kasi sya. Baka daw ma bokya lahat ng tira nya.
❝Sorry guys! Nag-simula na ba?❞. Napalingon kaming dalawa sa di mapakali na Maye. ❝Pano kaya kung mag back-out nalang kaya ako? Talagang kinakabahan ako eeh.❞. Panay ang kalikot nya sa kamay nya.
Halata talaga sakanya na kinakabahan sya pinag-papawisan pa nga eeh. Nakabihis na sya ngayon.
❝Edi sana di kana lang sumali kung kinakabahan ka.❞. Katwiran ni Sha sakanya.
Bumusangot naman ang Itsura nya sa sinabi ng isa.
❝Baka kasi sa sobrang kaba ko mag-kamali ako.❞. Pinapaypay nya ang sarili nya.
❝Back out kana. Ano pang hinihintay mo, ang tawagin ka?❞. Lalong sumibangot yung mukha sa sinabi ko.
Tsss. Try-out palang to kinakabahan na sya ano pa kaya kung totoong laban na?
❝Di kana man nakakatulong eeh!❞
❝If you think your nervous will cause your failing, then use it for winning, you can try once, and it's for you to do it twice. Do this because you want to, not because you want to show everyone your failure.❞. Natigil sya sa mahabang sinabi ko. Ganun din si Sha, na tuma-tango'tango pa.
❝Let's call the first batch of try out!❞. Anunsyo ng mc dito sa gym.
Kanya-kanyang hiyaw ang mga taga suporta ng mag-lalaro. Akala mo na naman nasa totoong laban sila. Tsss.
❝Wooooh! Kaya ko to! Kaya ko to!❞. Paulit-ulit na huminga si Maye ng malalim habang shini'shake yung kamay nya.
❝Go Maye! Isipin mo yung sinabi ni Gab!❞. Diko alam kung san galing ang Pom-Pom ni Sha na hawak nya ngayon.
Nakangiti sya kay Maye habang yung isang kamay naka thumbs up, yung isa hawak ang dalawang Pom-Pom. Supportive Bestfriend ang Lola nyo mga ka-Uno.
Nag-simula na syang lumakad sa gitna ng Court. At isang malakas na hiyawan sa likuran ang narinig namin ni Sha.
❝WOOOOOOH! GO MAYEEEEEE! CLASSMATE NAMIN YANNN!❞. At dun ko nakita ang mga kaklase kong lalaki na may Cartolina pang hawak na ang pangalan 'EYAM' Binaliktad ang pangalan ni Maye, sa baba nito ang Section namin. May kanya-kanya ring Pom-Pom ang ibang mga Lalaki.
Nilingon ko si Maye, hiyang-hiya sya sa pinag-gagawa ng mga kaklase namin. Nilagay nya ang dalawa nyang kamay sa mukha nya at nag-patuloy sa pag-lalakad.
❝Hayyy. Ang cute naman ng Section nyo. Very supportive.❞. Nakatingin narin pala si Sha sakanila.
Di nako mag-tataka kung san nakuha ni Maye ang Pom-Pom nya. Sa mga kaklase ko. Kumaway si Sha sakanila kaya ganun din ang ginawa nila. Nakita rin ako ng iba kaya kumaway at ngumiti sila sakin. Tinanguan ko lang sila at binalik na ang tingin sa Harap. Ang kukulit.
❝Ang dadaya nyo! Kanina di nyo ginawa yan sakin!❞. Rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko.
❝Baket pa kami mag-e'effort eeh andun lahat ng mga Fans mo, hiyang-hiya naman kasi ang 'CLASSMATE NAMIN YAN!' Sa 'PAPA JAMES! ANG GALING MO! PAKASAL NA TAYO!❞. Tumawa ang mga timawa sa Likod dahil sa pang-gagaya ni Mark ata yun, ayun sa Boses nya.