Maaga akong nagising para di nakakahiya sakanila ni Kuya pero nag- mukhang Late nako nagising dahil nasa Dining table na silang tatlo, ayyyt! Siguro mas agahan ko pa bukas.❝Goodmorning po Tita, Kuya.❞ Bati ko sakanila.
❝Kumain kana para maka handa kana sa School.❞ Sabi ni Tita matapos nya kong halikan sa Pisnge sweet ni Tita nu? Si Kuya? Wala di ko nilapitan eeh. Si Dos? Wala di ko pinansin. Bala sya dyan. Mukhang di maganda gising, dyosa nasa tapat nya eeh.
Kasalukuyan na kong ngumunguya ng mag-salita si Kuya.
❝Kay Dos ka sasabay Gab.❞ Agad akong nabilaukan sa sinabi ni Kuya halos sabay kami ng reaksyon ni Dos. Agad kong inabot yung tubig sa harap ko at agad ding Humarap kay Kuya.
Narinig ko pang tumawa si Tita sa reaksyon namin. Grabeee syaaa.❝What?! No way!❞ Sabat ni Dos.
❝Wag mokong ma No way No way Dos. Sa ayaw at sa Gusto mo isasabay mo si Gab.❞
❝Ayokong isabay yang babaeng yan! Edi mag- commute sya!.❞
❝Parang gusto kitang kasabay aah?!❞ Sabat ko sa sinabi ni Dos pero sinamaan nya lang ako ng tingin. ❝Kuya sayo nalang ako sasabay.❞ Pag mamakaawa ko kay Kuya pero parang wala syang narinig.
❝Isasabay mo sya Dos o kukunin ko yung sasakyan mo?❞ Banta ni Kuya. Napanganga nalang ako sa sinabi nya. Di ba nya alam kung ano ang posibleng mangyayari samin pag pinag sama kaming dalawa?! Delobyo!
Lalong sumama ang tingin sakin ni Dos na tinaasan ko lang naman ng kilay. ❝Mamili ka Dos.❞❝Do i have a choice?! Bakit di mo nalang sya sayo isabay!?.❞ Ang arte nito!
❝Marami pakong dadaanan.❞ Simpleng sagot ni Kuya at pinag patuloy ang pag- kain nya.
Pareho kaming parang pinag-bagsakan ng Langit ni Dos sa Mukha namin.Nanlulumo akong nag- bihis naka Civilian lang ako ngayon dahil wala pa yung Uniform ko. Naka Black ripped jeans ako with white t-shirt na inipit ku sa sinturon ko yung medyu gilid sa harap taz long sleeve checkered then Sneaker. Naks! Lakas maka k-pop.
Pag'bukas ko ng pintuan ay pag-bukas din ng Pintuan ni Dos. Mas Busangot pa yung mukha nya sakin.
Nag-patuloy lang ako sa pag-lakad pababa at di Sya pinansin.❝Aba't ang ganda mo talaga Gabriel anak.❞ Puri sakin ni Tita. Enebe tita wag ngayon.
❝Hehe, nasa dugong Feulas Tita nasa mukha rin syempre.❞ Tinawanan lang ako ni Tita. Ayyyt?
❝Sige na baka mahuli ka sa klase mo. Ingat ka.❞ Kiniss muna ako ni tita bago sya bumalik sa ginagawa nya.
❝Dali'an mo dyan! Wag mokong pinag-hihintay baka di kita ma isabay!❞ Rinig kong sigaw ni Dos sa Labas, pwes mag-hintay ka! Joke lang ayokong mag-commute di ko pa kabisado yung Lugar dito tsaka di ko alam kung san yung School ko.
❝Tita! Kuya! Alis napo akoo!❞ Sigaw ko, pero tanging si Tita lang yung narinig kong sumagot. Asan kaya yun? Parang di ko sya nakita pag-kababa ko kanina, baka nasa trabaho na.
❝Sige ingat ka, Dos!❞
❝Ay palaka! Kuya naman!❞ Nagulat ako ng biglang may nag-salita sa Gilid ko. Si Kuya pala. Tumango lang sya sakin tsaka binigyan nya ng makahulugang tingin si Dos na ngayon ay Nakabusangot na parang di naman na alis ang pag-kabusangot nya. Nag-usap ata sila gamit ang tingin. Nays!