Tahimik kaming nag-aalmusal na tatlo. Umalis na si Tita, ayaw daw nyang malate. May date ata.Nag-tinginan kami ni Kuya sabay iwas ulet. Nasamid pa ko sa pag-pipigil ng tawa.
Sinulyapan ko si Dos na naka-kunot ang noo. Siguro ay naguguluhan ito sa ikinikilos namin ni Kuya. Kung alam nya lang na sya ang dahilan, baka ihiling nya na di na sya pinanganak.
❝What the fvck is wrong with you?!❞. Di na napigilan ni Dos ang inis at mag-tanong.
Napakagat ako sa labi ko habang nilalaro ang kanin sa mesa ko.
❝Minumura mo ba ko?❞. Seryosong tanong ni Kuya kaya napalingon ako.
Seryoso nga si Kuya. Ehem! Kelangan mo ring mag-seryoso Gab. Para sa ekonomiya! Aja!
❝N-no. It's not like that. What i mean is, you're acting weird. What's wrong with you?❞. Irita na talaga ang Lolo nyo mga ka-UNO.
Tumikhim si Kuya bago mag-salita. ❝Akala mo lang yun. Kumain kana baka ma late ka pa.❞.
Nilingon ako ni Dos kaya umiwas ako ng tingin.
❝Kuya may narinig akong kalabog kagabi.❞. Wala sa sariling usal ko.
Natigilan pako saglit ng marealize ko kung ano ang sinabi ko.Dahan-dahan kong nilingon si Kuya na pinanlakihan ako ng Mata. Mabuti nalang at umalis na si Dos pag-kasabi kong yun.
❝May Picture kaba sa nangyari kagabi?❞. Biglang tanong ni Kuya.
Matagal bago ko napag-tanto kung ano ang ibig nyang sabihin. Napailing nalang ako saka ko inabot ang Phone ko.
Sa tingin ko ay Pinasa nya ang Picture na kuha ko kagabi kay Dos. Oh well, may pang blackmail nako kay Dos.
Matapos mag-almusal umalis na kami ni Kuya. Gusto pa sanang sumabay ni Dos samin ni Kuya pero pinigilan sya ni Kuya. Mga style ni Dos, naninigurado ang mokong na wala akong sasabihin kay Kuya.
❝Anong sasabihin mo?❞. Napalingon ako kay Kuya sa biglaang pagsalita nya.
Sasabihin ko ba o hindi? Nahihiya kasi ako eeh. May hiya ako kahit di halata mga ungas.
❝Aah. Kuya kasi ano....❞. Napapakamot pa ko sa batok ko.
Di naman sya makatingin sakin dahil nakakatutok sya sa pag-d'drive.
❝Tungkol ba to kay Dos?❞. Agad akog umiling sa tanong nya. ❝Ano nga? Sabihin mo na.❞
❝Kasi Kuya, ayoko ng abalahin ka sa pag-hatid sundo sakin, ayoko ring sumabay kay Dos at ayaw nya ring kasabay ako. Aware ka naman siguro sa tratuhan naming dalaw—❞
❝Diretsohin mo na ko!❞
❝Kelangan ko ng sariling masasakyan!❞. Napapikit na sagot ko.
Nataranta ako sa biglaang sigaw nya eeh!
❝Kelangan mo ng sasakyan?❞. Kunot noong tanong ni Kuya. Umiling ako.
❝Kelangan ko ng Motor—ARAYYY!❞. Biglang nag-preno si Kuya. ❝Kuya?! Gusto mo bang mamatay tayo?!❞. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Mabuti nalang at naka seatbelt ako.
Ayokong pang mamatay juice ko!
❝ANOOO?!❞. Sigaw na naman nya. Ngina!