Nakarating ako sa School na hindi pawis. Kung baket? Si Kuya lang naman ang Humatid sakin. Maaga akong nagising para makasabay ko si Kuya at mahatid nya ko. Pag-alis ko nandun pa ang sasakyan ni Dos.❝Aga natin aah.❞. Bungad sakin ni Maye pagkaupo na pagkaupo ko sa Tabi ni nya. Katabi ko sya Remember??
Di ko sya pinansin at humarap nalang sa Bintana at tinatanaw ang mga studyanteng kumakalat sa Field. Unti palang ang studyanteng nag-dadatingan, kaya dito ko gustong umupo dahil makikita ko ang sa Baba.
❝May tanong ako Gab.❞. Tumango lang ako at di sya tinignan. ❝Ganyan ka ba talaga?❞. Napalingon ako sa tanong nya. ❝Kasi kahapon ang sigla mo. Pwera lang nung una nating pag-kikita taz ng Uwian. Nung sa Caff. kasi tayo ang ingay mo pa.❞. Mahabang paliwanag nya.
Nag-kibit balikat ako. ❝Hmm. Depende sa Mood.❞ Walang ganang sagot ko.
Napanganga nalang sya sa sagot ko at parang sinasabing 'srly? Ang haba ng sinabi ko yun lang sagot mo?' Tinanguan ko lang sya.
Talaga namang ganun ako. Depende yun kung gutom ako o Hindi. Dahil kung busog ako, alams na. Pero depende talaga yun sa Mood ko.
Mag-sasalita pa sana sya nang dumating ang teacher na mag-tuturo samin.
❝Good morning Class. We don't have our classes for the whole week.❞. Bungad nya agad samin, Nag-hiyawan ang mga kaklase ko sa Huling sinabi nya. ❝Shhh. Since 1 month na simula ng mag-umpisa ang klase, ngayong araw ang pag-pili nyo ng Club and Registration.❞. Muling nag-hiyawan ang mga kaklase ko. Ka ingay ayy! ❝Have a good day. And to remind you, sasali kayo sa Club na naaayon sa skills nyo. Hindi kung nasan ang mga crush nyo dun din kayo. You have 1 week to choose your Club, so.... Goodluck❞. Pag-kasabi nyang yun ay lumabas na sya at ganun din ang ginawa ng mga kaklase ko pero di nawala ang Hiyawan.
Pag-bukas ng Pintuan may nag-hihiyawan ding mga studyante na pawang sayang-saya sa araw nato. Sa pag-tingin ko sa pinto, isang ulo ang Lumitaw. Si Atasha. Kumaway sya sakin kaya tinanguan ko lang sya.
❝Tara na Gab. Sabay tayo pumili ng Club.❞. Pag-aaya sakin ni Maye kaya Lumabas na kami.
Sabay kami tatlong Bumaba ng building habang nag-uusap.
❝Anong Club ka Sha?❞. Tanong ni Maye.
❝Ganun parin. PJC❞.
❝PJC?❞. Sabat ko sa usapan nila.
❝Hmm. Photography and Journalist Club. Ang hirap na kasing lumipat ng Club ngayon.❞. Napatango nalang ako. Yun pala meaning nun? Samin kasi Walang ganun. ❝Ikaw ba anong Club sasalihan mo?❞. Tanong nya sakin.
❝Ano-ano ba ang Club dito?❞. Umupo kami sa Bench malayo sa mga studyanteng pakalat-kalat at halos maka ihi na sa excitement sa pag-pili ng Club.
❝Madami.❞. Sagot ni Maye at Nag-umpisa na syang sabihin lahat ng Club na pede salihan. ❝Katulad ng Sports Club, lahat ng Sports nandun na, kada sports may Limitation. Pipili sila ng Gagawing Varsity ng School.❞. Marami pa syang Club na sinabi, Katulad ng Dance Club na Gusto ko sanang salihan kaso di pala pwedeng dalawang Club ang salihan mo, pwede ka namang Mag Audition muna sa dalawang Club at pag-pareho kang pasok dun kelangan mong i'give up ang isa. Pero isa lang gusto kong salihan. ❝Last ay ang Music Club, sa Music Club nandun ang Choir. May bagong pinasok sa Music Club yun ay ang Banda. Sa banda naman Depende sayo kung ano ang pag-A'audition'an mo, it's either Instruments or Singing.❞. Mahabang paliwanag nya.