Shae's Pov
"Shaeeeeee, bumangon ka na, baka malate ka sa unang klase mo" Sigaw ni mama habang kumakatok sa kwarto ko.
Lima kaming magkakapatid at si mama nalang 'yong kasama namin sa bahay simula nung namatay si papa. Nakakalungkot lang na 'di naabutan ni papa ang paglaki naming lahat dahil bata at maliit pa kami no'ng namatay sya. Yeah, we accept the fact that he's already gone but you can't blame us when we longing for his presence and touch.
Minsan nga napapa-isip ako kung anong feeling ng complete 'yong family, Nakaka-inggit lang tignan yung iba. Nakakaasar lang din 'yong mga taong 'di nakikita 'yong halaga ng parents nila. They didn't see the sacrifice of their parents. Gusto nila puro saya lang, ayaw nilang maghirap. Nakakalungkot lang isispin.
"Shaaaaae, the food is ready" Katok nanaman ni mama kaya napabalik ako sa ulirat. Siguro kakatapos n'ya lang katukin 'yong kwarto ng mga kapatid ko.
"Opo, susunod na po ako" Sigaw ko habang inaayos 'yong pinaghigaan ko bago ko gawin 'yong morning ritual ko sa Cr.
"Good morning" Bati ko no'ng makababa na ako.
"Morning din" Inaantok pa na bati sakin ni Shann. Bunso namin.
"Kumain na tayo at malapit ng magsimula ang klase nyo" Sabi ni mama at nagsandok ng pagkain namin.
"Opo ma" Sagot ni Ate Shai. Pangatlo sa magkakapatid
"Kailan pala bakasyon n'yo?" Tanong ni mama at tumingin sakin.
"Next week ma, pasahan nalang ng requirements namin ngayon hanggang next week" Paliwanag ko at sumubo ng kanin.
"Oo nga pala, malapit na mag-eleksyon, Sino iboboto mo? "Tanong ni mama kay ate Shai.18 na kasi s'ya and naka-register na sya bilang botante.
"'Di ko pa po alam e, kailan ba 'yong campaign, ma?" Tanong ni ate Shai kaya napahinto ako sa pagkain at nakinig muna sa pinag-uusapan nila.
"Next week na.Basta piliin mo yung deserve na manalo, 'yong alam mo kung saan uunlad 'yong ating lugar para mawakasan na 'yong paghihirap na nararanasan ng karamihan" Seryosong sabi ni mama
"Opo ma"
"'Wag tayong magpapasilaw sa perang ibabayad nila para lang bilin 'yong boto natin katulad no'ng mga nangyari sa iba nong nakaraan. Alam kong aware kayo kung anong nangyayari ngayon. Maraming nagsisi sa nangyaring pagkakamali ng iba" Malungkot na sabi ni mama
"Kaya nga po, ma. Nabubulag kasi 'yong mga tao ngayon sa kasinungalingan. Nagpapasilaw din kasi sila sa pera. Kailan kaya magigising sa katotohanan 'yong mga tao?" Tanong ni ate Shai
"Sana nga ngayon magising na sila sa katotohanan para magkaroon na ng pagbabago sa ating lugar"
"Tiwala lang ma, magkakaroon na ng pagbabago ngayon" Sabi ni Ate at ngumiti.
"Sige na, kumain na kayo, baka malate kayo sa klase nyo" Sabi ni mama kaya nagsimula na kaming kumain
"Alis na po kami, ma" Paalam ni Shann bago kami lumabas.
"Ingat kayo sa pagpasok"Sabi ni mama at ngumiti
"Ingat din po kayo dito, ma"Sabay sabay na sabi namin at umalis
"Whooooa Shae, Kilala mo ba yung tumatakbo ngayong mayor?" Bungad na tanong ni Blythe, Bestfriend ko.
"Sino do'n?" Tanong ko dahil 'di ko naman alam kung sino at anong partido 'yong tinatakbuhan
"Yung kabila, 'yong poging mayor na tumatakbo ngayon"
"Parehas namang pogi 'yon e" Sagot ko habang nakakunot noo.
YOU ARE READING
Alteration
RandomSome of us says, they wan't changes. How can it has a changed if you don't start in yourself? We know the truth and lie behind them back. Why we're always believe them? Why we're always depend ourself on them? Aren't you tired in that set up? We ne...