3

6 2 0
                                    

Shae's Pov

Papasok na sana ako sa School nang napahinto ako dahil nakita kong maraming tao sa harap ng baranggay. Masyado pa namang maaga para sa unag klase ko kaya sumagap muna ako ng konting information hindi para makichismiss ako kung hindi ay dahil para masagot 'yong katanungan ko bago ako pumasok.

"Ano pong meron" Tanong ko sa babae na nakaabang sa dumadaan ng jeep

"Pinagbabayad nila ng sampung piso  'yong mga taong dumadaan" Sagot ni ate sa tanong ko

"Para saan daw po?" Curious na tanong ko

"Wala namang sinabi kung para saan. Basta magbigay lang daw ng sampu" Nakasimangot na sagit ni ate dahil siguro sa inis

"Gano'n po ba?" Sabi ko habang nakatingin sa mga takng nagkakagulo sa harap ng baranggay.

"Oo, be. Nakakainis na nga 'yang mga 'yan e. Ako nga rin hinigian e. Ipambibili ko sana 'yong sampung piso ko ng pandesal para sana makakain ako kahit konti dahil nagugutom na ako at kailangan ko pang magbayad sa mga photo copy namin sa School" Halata sa mukha ni ate na naiinis s'ya dahil nakabusangot 'ying mukha n'ya.

"Sige po ate, salamat po sa sagot" Nakangiting sabi ko habang nagkakalkal sa bag ko para kunin 'yong dalawang biscuit na baon ko para ibigay sa kan'ya.

"Sige, be" Ngiti ring sagot n'ya

''Eto po ate, kunin n'yo na po 'to" Nakangiting sabi ko habang inaabot 'Yong biscuit na dalawa.

"Hindi na. Baunin mo na 'yon. Ok lang naman ako. Sapamat" Tumatangging sabi n'ya

"Kunin n'yo na po 'to--" Putol na sabi ko nang narining kong tumunog 'yong t'yan n'ya kaya parehas kaming natawa.

"Sige na po, kunin n'yo na para hindi na po kayo magutom" Sabi ko at nilagay sa kamay n'ya 'yong pagkain

"Sige be. Tanggapin ko na 'to, ha. Nagugutom na talaga ako e, hahaha"

"Sige po" Ngiting sagot ko dahil ang sarap lang sa feeling na nakatulong ako kagit sa maliit na paraan

"Salamat, ha" Halatang masaya na sabi n'ya

"Welcome po. Una na po ako. Ingat po kayo. Salamat din po" Pag puputol ko sa usapan namin dahil konting minuto nalang, male-late na ako

"Salamat. Ingat ka din. Dito na rin ako" Paalam n'ya at pumara sa Jeep na sasakyan n'ya. Nginitian muna namin ang isat-isa bago maghiwalay ng daan paasok

"Shae" Rinig kong tawag ni Blythe kaya huminto na ako at humarap sa kan'ya.

"'kala ko nasa room ka na." Tanong n'ya at inabutan ako ng paper bag.

"'Kala ko nga rin nasa room ka na e. Hahahahaha" Sabi ko at tumawa

"Haynako, tara sabay na tayo" Aya n'ya saba y hila sa akin paakyat sa room.

"Ano pala 'to?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ah, hopia 'yan galing 'yan kay Tita Dae kaya bimigyan kita."

"Ano ka ba, nag-abala ka pa. Nakakahiya tuloy"

"Haynako, nahiya pa. Wala 'yon. Sila tita rin naman nagpadala n'yan, e, nakalimutan ko pa nga kanina tapos hinabol pa ako ni tita no'ng nasa gate na ako, naiwan ko daw kasi" Paliwanag n'ya

"Paki-sabi kay Tita Dae, salamat."

"Makakarating. Tsaka alam mo naman na laging may sobra kung mag-dala sila ng food para ikaw rin meron." Dagdag na sabi n'ya. Yes, totoo 'yon. Para na akong anak kung ituring ng mommy ni Blythe tsaka ng mga tita n'ya.

"Thank you talaga, ha. Anyway, nakita mo 'yong nasa labas?" Pagtutukoy ko sa naabutan ko sa harap ng baranggay.

"Ah, oo. Para saan ba 'yon?" Kunot noong Tanong n'ya.

"Naniningil sila ng 10 pesos without any reason kung para saan." Paliwanag ko at umupo na kami sa perspective chair namin dahil nasa room na kami.

"Gano'n? Grabe naman sila. E, mga kurakot lang naman mga ginagawa nila."

"Kaya nga e. Lagi nalang silang gano'n. Kanina nga may nakita nag-tanong ako sa babae na naabutan ko sa sakayan ng jeep tapos pati rin pala s'ya nag-bigay tapos 'yong pera n'ya pala na 'yon  para sa babayaran nalang sa School at pang-bili n'ya ng breakfast n'ya kaso nabigay n'ya na doon kaya binigyan ko nalang ng naon ko na biscuit dahil may pera naman ako tapos nag-breakfast pa ako." Paliwanag ko sa nangyari

"Mabuti naman kung gano'n. Sayang, hindi ko kayo naabutan" Malungkot na sabi n'ya. For sure kung maabutan man n'ya kami is willing talaga s'yqng mag-bigay. Isa pa hobby na namin 'ying mag-bigay lalo na sa mga batang nasa lansangan pati na rin sa mga matanda.

"Kaya nga e. Hanggang kaipan kaya tayong gan'to?" Tanong ko

"Everything's will be fine just don't lose hope. Hindi habang buhay gan'to 'yong scenario because it will end soon." Naka-ngiting sagot n'ya para hindi ako mabahala kahit papaano.

"I wish this is the end. I pity all those people who don't have enough knowledge to defend theirself and how to fight their rights."

"Sana nga 'yong mga tatakbo ngayon is may busilak na loob. 'Yong tao na kayang i-handle 'yong situation na nangyayari and 'yong kqyang panindigan kung ano 'yong tama.''

"Sinabi mo pa. Pero sana hindi lang sila puro salita they need to do their part because verb is an action word that is need to be done."

"Exactly. Base on my conclusion, natututo na 'yong mga tao. Malay mo naman, sa botohan may sarili na silang paninindigan at hindi na sila masisislaw sa pera." Sabi n'ya na parang sure na s'ya na ganoon 'yong mangyayari.

"Haynako, basta mag-tiwala lang tayo."

"Kaya nga. Matatapos rin 'to" Sabi n'ya at napa-tingin s'ya sa labas dahilan para mapatingin rin ako at nakita kong papasok na si Maam kaya tinapos na namin 'yong pag-uusap namin. Mabilis natapos 'yong klase at sabay na kaming umuwi.

AlterationWhere stories live. Discover now