Shae's Pov
"Grabe, ang gwapo pala ng tatakbong mayor, ma." Tanong ni Ate habang nanonood kami ng Tv since Saturday ngayon kaya bonding tima na rin namin kahit na may kanya-kanya kaming cell phone na hawak.
"Patingin ng itsura" Excited na sabi ko
"Tignan mo, pwede na 'yo sa 'kin." Biro na sabi ni Ate kaya natawa kaming lahat
"Haynako, hindi por que gwapo doon na kayo. Piliin n'yo 'yong taong kaya kayong panindigan." Singit ni mama
"Kaya nga po. Pero ma, sa tingin mo sino mananalo sa mga tumatakbo ngayon?" Curious na tanong ni Ate
"Hindi naman natin na masasabi na mananalo sila dahil kahit na siguradong sila na 'yong mananalo kung maraming bumabaligtad at uhaw sa pera; wala, talo sila. Sa laban kasi kahit na sabihin mong kakampi mo sila kung 'yong kapakanan lang nila 'yong iniisip nila, lugi ka." Sagot ni mama
"Bakit naman kasi may mga taong taksil sa mundo?" Naka-busangot na tanong ni Ate na para bang hanggang ngayon hindi n'ya tanggap kung paano kumilos at mag-isip 'yong mga tao.
"Gano'n talaga ang buhay. Hindi lahat sasang-ayon sa 'yo. Tandaan n'yo hindi lahat kaparehas n'yo mag-isip. May kanya-kanya tayong perception sa buhay at hindi natin pwedeng pilitin 'yong mga tao sa bagay na gusto natin. May mga isip din sila at 'yong iba ayaw nila ng pinapangunahan sila kasi may sarili na silang desisyon at 'yong iba naman ma-pride." Dagdag na sagot ni mama. Tama naman lahat dahil hindi naman na dapat namin pakielaman 'yong buhay ng iba. Hindi na namin problema kung ano man 'yong gusto nila. Ang mahalaga, hindi na kami dapat tumulad sa iba at matuto na rin kami sa pagkaka-mali ng iba.
"Pero bakit hanggang ngayon hindi parin natututo 'yong mga tao sa pagkaka-mali ng iba?" This time ako naman 'yong nag-tanong na patukoy sa mga tumatakbo
"Kaya nga, bakit gano'n 'yong iba, ma?" Tanong rin ni Ate
"Kasi hindi lahat ng tumatakbo ay totoo. Hind lahat ng tumatakbo kayang panindigan 'yong sinasabi at pinangako nila sa bayan. Kilala sila bilang official na mga may position sa bayan pero hindi ibig sabihin no'n na kilala na sila talaga. Oo, kilala sila pero bilang sa posisyon na meron sila pero mas makikilala sila ng mga tao kahit na sabihin mong tapos na 'yong term nila dahil napanindigan nila kung ano man 'yong role nila para sa bayan." Malamin pero naiintindihan ko naman 'ying point ni mama.
"Mama, kahapon pala umiyak classmate ko" Singit ni Shann sa usapan namin
"Bakit umiyak?" Ako na nagtanong dahil curious ako
"Kasi kahapon may naningingil daw ng 10 pesos sa Baranggay. E, 'yong pera ng classmate ko 10 nalang dahil pang-bayad n'ya nga raw 'yon sa test namin tsaka 'yong sa contribution para sa pangbili ng props namin para sa sayaw tapos no'ng pinaki-usapan n'ya raw 'yong Lalaki na naniningil sa kan'ya pero sinabi daw na papalayasin daw sila sa bahay nila kapag hindi nag-bigay. " Paliwanag n'ya sa 'min.
"E, anong ginawa ng classmate mo?" Tanong ni mama
"Binigay n'ya nalang 'yong pera n'ya. Na-iiyak nga s'ya no'n kasi na-late pa s'ya tapos muntik na s'ya pagalitan ng teacher namin. Buti nalang Maraming na-late na classmate namin dahil nga pina-pila daw sila isa-isa."
"Grabe naman talaga 'yong mga tauhan sa baranggay." Reklamo ni Ate
"Tapos ako nalang nag-bayad sa exam namin tapos 'yong isa kong classmate 'yong sumagot sa contrubution n'ya. Nag-share nalang din kami ng food namin para maka-kain rin s'ya no'ng break time namin" Paliwanag n'ya pa sa nangyari.
"Sana talaga at mapalitan na lahat ng mga taong sakim. Hindi sila karapat-dapat umupo at mamahala sa bayan kug gan'yan sila." Malungkot na sabi ni mama
"Kaya nga e. Dapat paupuin ng taong bayan 'yong deserve talaga na manalo at willing tayong lahat na mag-tulungan para sa isang isang direksyon dahil ang lavan nila ay laban natin." Sabi ko dahil kahit ako mismo aware kung ano 'yong nangyayari sa bayan at lalo na sa bansa. Lahat tayo gusto ng pag-babago pero bakit hanggang ngayon wala paring nangyayari?
"Sana talaga mamulat na 'yong mga tao. Imibis na lumago tayo; lalo pa tayong nag-hihirap. Imbis na mag-tulungan ngayon lalo pang nagiging maka-sarili 'yong mga tao." Dagdag na sabi ni Ate.
"Kaya kayo rin hanggat bata pa kayo dapat maalam kayo sa mga bagay lalo na sa mga karapatan. Hindi dapat kayo gumagaya sa iba na nabibili 'yong desisyon at inaapakan 'yong karapatan. Dapat may sarili tayong paninindigan." Payo ni mama dahil ayaw n'ya na matulad rin kami sa iba.
"
YOU ARE READING
Alteration
RandomSome of us says, they wan't changes. How can it has a changed if you don't start in yourself? We know the truth and lie behind them back. Why we're always believe them? Why we're always depend ourself on them? Aren't you tired in that set up? We ne...