Prologue

16 3 0
                                    

Prologue

"Magkaisa"

"Magtulungan"

"Kapit-bisig"

"Abutin"

"Magtiwala"

"Mananalo"

"Para sa ikakaunlad"

"Isang team"

"Isang Direksyon"

Kanya-kanya nilang sigaw habang sumusuntok sa hangin. I-isang reaksyon ang makikita sa kanilang mukha kung 'di ang galak at puno ng saya ang kanilang mga mata.

Ilang Taong paghihirap ang kanilang nararanasan. Tag-gutom, tag-hirap na kulang na lang ay mawalan na sila ng pag-asang mabuhay dahil sa mga natatamasa nila sa buhay.

Ngunit ngayon, Isang malaking dahilan kung bakit sila nagkaroon ng pag-asa para lumaban. Sa dinami-rami na nilang pagsubok na napagdaanan, ngayon lang sila naging sigurado na totoo na ang sinasabi ng karamihan. Mga pangakong pinanghahawakan, mga pinaglalaban ng karamihan at ngayo'y iisang direksyon na ang kanilang patutunguhan.

Ito na nga ba ang simula ng pagbabago o dahil dito, lalong magkakagulo ang mga tao?

AlterationWhere stories live. Discover now