Shae's Pov
"Ma, ano pong nangyari kahapon" Bungad na tanong ko pagkapasok ko sa bahay.
"Wala 'yon, hayaan mo nalang" Sagot n'ya at nag iwas ng tingin
"Bakit po nila nagawa 'yon, mama?" Tanong ko ulit
''Hayaan mo na 'yon. Wala namang bago doon. " Sagot n'ya habang naghahanda ng pagkain.
''Ano po bang nangyari?"
"Kasi inaayos na namin 'yong mga requirements para ipasa sa City hall. Nasa baranggay kasi 'yong mga record kaya pumunta kami para kunin kaso ang sabi doon, may bayad daw kaya sabi namin babayaran nalang namin kahit na alam naman naming walang bayad 'yon. Tapos, maya maya sinabi saamin na hindi daw alam kung saan nakalagay. Nagkagulo na kasi may kan'ya-kan'yang reklamo 'yong iba hanggang sa nag 'Fuck you' saakin si Kagawad Edgar" Malungkot na sabi ni mama
"Ba't naman po gano'n?" Naiinis na tanong ko. Alam kong mali na mainis ako kay Kagawad Edgar dahil hindi naman ako kasali sa nangyaring 'yon pero masisisi n'yo ba ako? Sa mama ko nangyari 'yon. Kahit sino naman kasi hindi matatanggap 'yon.
"Hayaan mo na, ang dami na ngang nagsasabi na marami rin s'yang ginano'n."
"Pwede n'yo naman po ireklamo 'yon diba?" Tanong ko dahil alam kong may batas para doon.
''Oo, anak. Sa DILG" Nakatinging sagot ni mama saakin.
"Mang hingi po kaya kayo ng tulong sa DILG. Hindi naman po kasi tama na gano'n 'yong gawin nila sa mga tao. Sumosobra na po sila. Mga maimpluwensyang tao pa naman po sila" Suhestiyon ko.
"Hindi na, hayaan mo na 'yon"
"Subukan n'yo po para po hindi na maulit kung ano man po 'ying mga nangyayari. Patuloy pong mauulit 'yong gano'ng nangyayari hanggat walang naglalakas loob na lumaban sakanila." May pinaglalaban na sagot ko.
"Kaya nga anak, e. Lahat tayo may karapatan bilang tao pero inaapakan lang nila 'yon dahil mahirap tayo." Sagot naman ni mama. Totoo naman kasi na inaapak-apakan lang nila 'yong karapatan ng mga mahihirap dahil alam nilang kaya nila kami at wala kaming sapat na pera para ipaglaban ang mga karapatan namin bilang tao.
"Ano pong plano mo, mama"
"Wala naman akong plano. Mas magandang intindihin nalang natin sila"
"Sure ka po ba d'yan"
"Oo, anak" Nakangiting sagot n'ya. Niyakap ko nang mahigpit si mama para kahit papano mabawasan 'yong lungkot n'ya. Halata man sa mukha ni mama na malungkot s'ya pero ngumiti pa rin s'ya sa kabila lahat nang nangyari.
"Nasaan na ba 'yong, Ate mo?" Pag iiba n'ya sa usapan
"Pauwi na rin po siguro 'yon. Maaga po kasi kami pinauwi." Sagot ko
"Sige, magpalit ka na ng damit at maghahanda lang ako ng pagkain para kapag dating nila kakain na tayo"
"Opo. Magpapalit lang po muna ako tapos tutulungan na po kitang maghanda ng kakainin." Sabi ko at nagmadaking umakyat sa kwarto ko para magpalit. 'pag tapos kong magpalit bumaba na ako para makatulong kay mama.
"Ano ulam?" Bungad na tanong ng Bunso namin na si Shann no'ng pababa na ako ng hagdan kaya natawa kaagad ako.
"Aba, himala mas nauna mo pa itanong ngayon kung ano 'yong ulam kaysa sa kung nasaan si mama" Natatawang sabi ko habang pababa ng hagdan
"E, kasi ate. Nagugutom na ako e." Sagot n'ya habang nagtatanggal ng sapatos at medyas.
"Ikaw talagang bata ka. Sige na, bilisan mo na d'yan para makakain ka na"Sabi ko at lumapit sa kan'ya para tulungang tanggalin 'yong bag at ilagay sa sofa.
"Si mama, ate?" Tanong n'ya no'ng napansin n'ya na wala si mama sa sala
"Nasa kusina. Tara, tulungan na nating maghanda ng pagkain
"Sige ate" Sagot n'ya kaya dumeretso na kami sa Kusina para tulungan na maghanda di mama ng pagkain
"O, nand'yan ka na pala" Bungad na taning ni mama no'ng makita na pumasok kami ni Shann sa kusina
"Opo, mama. Ano ulam?" Tanong ulit ni Shann kaya natawa kami ni mama
"Halatang gutom ka na, ha." Nakangiting sabi ni mama hanga nilalapag 'ying mga baso na hawak n'ya.
"Opo, mama. Gutom na gutom po ako" Tumatawang sagot n'ya at nagmadaking umupo.
"Sinigang na hipon 'yong ulam natin ngayon" Nakangiting sagot ni mama kaya nag madali din akong umupo.
"Favourite ko 'yon, ha" Singit na sabi ni Ate. Dumatimg na pala
"Ate, kain na" Alok ni Shann
"Oo, anak. Favourite nating lahat" Sabi ni mams at umupo na.
Kumain na kami at nagkamustahan sa kung ano 'ying nagyari sa araw namin na 'yon. Maswerte kami dahil kahit na sa kabila nang lahat ng nangyari, nagiging masaya pa rin kami. Hindi man buo 'yong pamilya na meron kami at least hindi kami napapabayaan at naturuan kami ni mama ng magandang asal at disiplinado kami.
YOU ARE READING
Alteration
RandomSome of us says, they wan't changes. How can it has a changed if you don't start in yourself? We know the truth and lie behind them back. Why we're always believe them? Why we're always depend ourself on them? Aren't you tired in that set up? We ne...