Sinimangutan ko ang kaibigan ko ng titigan niya nanaman ako na parang nang aasar.
Kanina ng dumating siya ay gulat na gulat ito ng maabutang may lalaki akong kasama and worst roba lang ang suot. Of course magugulantang siya dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na may nakita siyang lalaki na di kilala sa loob ng pamamahay ko. Inexplain ko naman sakanya lahat ng pang yayari at itong loko na to parang di parin naniniwala sakin na hindi ko boyfriend si Gabriel.
"Are you sure about letting that guy stay in your house? To think na hindi mo pala kilala yon at hindi boyfriend?" He said while quoting in air the Boyfriend part.
"Landon, I've been to his shoe and you know that right? Kaya alam ko yung pakiramdam na walang masasandalan na kahit sino. Hindi ko naman pwedeng palayasin nalang ng basta si Gabriel ng ganoon" Sagot ko sakanya at bahagyang sumulyap sa common bathroom ng bahay ko at nakitang kalalabas lang ng taong kanina pa namin pinag uusapan.
Bagong ligo na siya at suot na niya ang damit na dala ni Landon. Napatayo ako at wala sa sariling agad siyang nilapitan.
"Did you use the towel?" Kahit nakaka tulala ang itsura niya ngayon nagawa ko padin siyang tanungin. Basang basa pa kasi ang buhok niya at kitang kita ang mga bakas ng tubig sa suot niyang grey vneck tshirt na medyo fit sakanya. Hindi tuloy maiwasang bumakat ng mga muscles niya sa katawan. Goodness!
"Hmm? What towel?" He even tilted his head while looking at me.
"The towel Gabriel. Yung white na tuwalya na binigay ko sayo" Ngumuso ako ng tumalsik ang tubig galing sa buhok niya ng pasadahan niya iyon ng kanyang kamay.
"You mean the rough cloth at the hook?" He asked wondering about the towel. Inirapan ko nalang siya at pumasok sa loob ng banyo para makuha ang tuwalya. Binalikan ko siya pagkakuha ko noon saka pinunasan ang ulo niya.
"Incase you don't have any idea what towel is. We use this to dry ourselves after taking a bath so we're not soaking wet just like you right now" I said with full of sarcasm. Ilang oras ko palang siyang nakakasama pero nakikita ko na agad ang kaibahan sakanya. Para siyang wala masyadong alam sa mga gamit. Tulad kanina yung pag gamit niya ng kutsara at tinidor. Kita kong pinanuod niya muna ako kung paano iyon gamitin. Seriously saang planeta ba nanggaling ang gwapong ito?
"I'll take note of that" His lips twitched while staring at me. Naramdaman ko agad ang pamumula ng pisngi ko kaya tinigil ko na ang ginagawa sakanyang buhok.
"O-okay na yan. Medyo tuyo na. Hintayin mo nalang ako sa sala. Ako naman ang maliligo. Aalis tayo" Sunod sunod kong sabi bago dumiretso sa kaibigan kong kanina pa ata kami pinapanuod. Inirapan ko si Landon ng makita nanaman ang pag ngisi niya.
"Babysitter" He muttered before getting on his feet. Agad ko siyang hinampas sa braso na ikinatawa niya naman.
"Umalis ka na nga!" Gigil kong sabi sakanya na medyo natatawa nadin.
"As you wish lady. Sinadya ko lang talaga ang mga gamit na kailangan mo. May pupuntahan pa kasi akong convention. Istorbo ka" Pang iinis niya. Tinulak tulak ko ang dibdib niya habang tumatawa.
"Damn you Landon! Lumayas kana bwisit ka!" Nakarating kami sa tapat ng pintuan na parehas tumatawa. Kinurot niya muna ang pisngi ko bago sumulyap sa likuran ko at bumulong.
"Mukhang mauudlot ang plano mong maging lalake nalang. Take care, Jel" He said maliciously. Lumabas na si Landon ng bahay bago ko pa siya masapak ng tuluyan.
"Agh! That guy is really really--" My words cut in mid air when I turned around and bumped into Gabriel's chest. Kumalabog ng husto ang puso ko.
Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong braso at tinulak ako konti palayo sa dibdib niya para matignan ako. Pumula ng husto ang pisngi ko ng masambot ang nag aalala niyang titig.
YOU ARE READING
Captivated (FALLEN ANGEL #2)
FantasyJelome Roswell is an extraordinary person. She's a tough women and fierce but there's one thing that she can't hide and that is having a soft heart. She always wanted to make the world a better place to everyone who's in help. She had no idea what's...