I woke up with a heavy feeling. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako at ayokong mangyari yon. Maaga akong bumangon at nag ready para sa pag pasok.
Pagtapos kong maligo ay nag desisyon akong mag half day nalang sa trabaho dahil mas lalo atang sumama ang pakiramdam ko nang maligo.
"Jelome.." Napasinghap ako at napakislot dahil sa gulat ng marinig ang boses ni Gabriel sa labas ng kwarto ko. Marahan kong nilapag ang hawak na hair blower sa side table ko at pinag buksan siya ng pinto.
Bahagya pa akong nabigla dahil sa ayos niya. He looks so very handsome and hot and damn sexy on his white longsleeves polo. The three buttons of it are not yet fix exposing his hard rock chest. The light black ink is slightly peeking. Oh boy..
"What's with the get up?" I asked before biting my lower lip. Seriously mukha siyang CEO ng malaking kumpanya!
"I hmm.." Natigil ako sa pag pasada ng tingin sakanyang katawan ng marinig ang pagiging uneasy ng kanyang boses. Umangat ang titig ko sakanyang mukha at nakita ko siyang namumula habang bahagyang hinihimas ang kanyang panga.
"Aalis ka?" Tanong ko bago tumalikod at naglakad palapit sa salamin at naupo. Sumunod naman siya. Tinuloy ko ang pag bblower ng buhok ko. Nakita ko siyang nakatitig sakin mula sa reflection namin sa salamin. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nasasambot ang malalim niyang titig.
"Baka maisipan mong kumain sa labas mamaya pagka out mo sa trabaho" Mahina niyang sambit pero naruon parin ang pagiging matikas ng kanyang boses.
"Are you asking me out?" I turned off the blower then stood up. I faced him while I'm leaning on the table. I know my cheeks are already red and it's driving me nuts! Hindi pa naman niya kinukumpira pero pulang pula na agad ang pisngi ko! Mas lalong kumalabog ang puso kong marupok.
"Yes. I'm asking you to date me" He said using his sexy baritone voice. He is smiling like there's something amusing in my face.
Tumikhim ako at mariing nakagat ang ibabang labi. Damn it parang gusto kong tumalon at magpagulong gulong sa kama ko..
"Hmm s-sige.. Mag hahalfday ako" Sagot ko na agad kong pinagsisihan dahil mas lalong lumaki ang ngiti niya. Kitang kita ko ang pagkakamangha niya lalo sa sinabi ko at tuluyan na siyang mahinang tumawa.
"My baby is excited to our date" He teased while fixing and tucking some hairstrands behind my ear.
Tinampal ko ang kamay niya saka ngumuso at natatarantang tumalikod. Init na init ang buo kong mukha. Bwisit na anghel to! Masyado!
"E-edi wag! Kala mo diyan" Sigaw ko. Inayos ko ang bag ko at palihim siyang sinulyapan. I saw him biting his lower lip while trying to hide his smile. Pinanlakihan ko siya ng mata saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nakasunod ang loko habang humahalakhak. Ugh!
Sinulyapan ko siya ulit "Gabriel!" Nakasimangot kong saway sakanya habang patuloy sa pag lalakad papuntang kusina. Hindi ko nakita ang dalawa pang anghel marahil ay umuwi na ang dalawang iyon.
"Oh. You're so cute, Jelome" He chuckled at my back. Nilapag ko ang aking bag sa upuan saka siya hinarap at tinuro.
"Tigilan mo ako huh! Kainis to" Ngunguso nguso kong sabi pero di narin napigilan na mapangiti dahil ang sarap lang pakinggan ng kanyang tawa. Nakakagaan sa pakiramdam. Parang nawala lahat ng iniisip kong problema. Ugh! Love sick fool!
"Hello people!" Napalingon ako sa lalakeng kakapasok lang ng kusina. Ngiting ngiti siya habang pinag mamasdan kaming dalawa ni Gabriel. Agad akong napatakbo palapit sakanya at niyakap ang kanyang bewang.
YOU ARE READING
Captivated (FALLEN ANGEL #2)
FantasíaJelome Roswell is an extraordinary person. She's a tough women and fierce but there's one thing that she can't hide and that is having a soft heart. She always wanted to make the world a better place to everyone who's in help. She had no idea what's...