Hinintay ko si Gabriel sa tapat ng sasakyan ko. Agad ko siyang nakita ng lumabas siya sa restaurant na iyon.
Pinagmasdan ko siyang maigi habang papalapit sakin. Hindi ko lubos maisip na sa nag daang mga araw totoo pala ang mga sinasabi niya tungkol sa isa siyang anghel. I mean it's impossible! Pero galing narin sakanya. Everything is possible.
"Let's go" Seryoso niyang sabi bago ako pag buksan ng kotse. Tahimik akong pumasok ganoon rin siya bago pinaandar ang sasakyan.
Nakarating kami sa Advertisement Company ng tahimik at di nag iimikan. I'm still in shock. Sa bahay nalang kami mag usap mamaya dahil baka pag nalaman ko ang lahat ngayon mismo ay mag breakdown na ako ng tuluyan.
Mabilis ang naging proseso. Pumayag agad agad ang gay founder ng kumpanya. Pinagawa lang ng ilang poses si Gabriel ay tuwang tuwa na ang founder kasama ang mga colleagues nito.
"Jelome napaka galing mong maghanap ng model! This guy is really perfect! Oh my. Will you just look at his body! And the face! Oh my gosh!" Sambit ni Dom na halos mag hugis puso na ang mata habang seryosong naka pamulsa sa gilid si Gabriel. Tapos na siyang kuhanan at hinihintay nalang ako. Halatang malalim ang iniisip dahil sa medyo kunot noo ito habang pinapanuod kami.
"Salamat, Dom. Mauna narin kami dahil may trabaho pa akong naiwan. See you next week?" Tipid kong ngiti. Tumango tango siya at bahagya pang bumulong sakin.
"Single paba yan?" Tanong niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi saka bumaling kay Gabriel na lalong nangunot ang noo.
"Oo? Well sige na. Aalis na kami. Next week nalang ulit" Tugon ko at nagmamadali ng umalis roon.
Nakabalik agad kami sa C.A.R ng hindi padin nag uusap. Nagpa order nalang ako ng lunch namin kay Roslyn dahil naalala kong di pa kami nananghalian. Ala una imedya na at ngayon ko lang napansing gutom na ako. Hindi kami nakakain sa restaurant dahil sa nangyari. Wala sa sariling sinulyapan ko si Gabriel. Tahimik siyang nakaupo sa sofa ng office ko. Nakatingin sa malayo. Nag iwas ako ng tingin.
"Ma'am ito na po yung pagkain niyo" Tumayo ako at hinila ang maliit na lamesa palapit sa sofa na kinauupuan ni Gabriel.
"Salamat Lyn. Kumain kana ba?" Nakangiti kong tanong kay Roslyn ng kunin ko ang paperbags na dala niya.
"Opo ma'am tapos na po" Sagot niya at panay ang sulyap sa lalakeng nakaupo sa sofa na tahimil lang.
Inayos ko ang pagkain sa lamesa pagkalabas ni Roslyn. Huminga ako ng malalim saka umupo sa tabi ni Gabriel.
"Let's eat" Mahina kong tugon saka nilagay ang isang box ng pagkain sa tapat niya.
Kahit ata mabango ang pagkain na nasa harapan ko ngayon ay di ko magawang kumain ng madami dahil nawalan na ako ng gana. Siguro ay nalipasan narin ako ng gutom.
Hindi ko akalain na matatapos ang isang araw ko ng mabilis. Nakauwi kami ng bahay ng wala talagang imikan. Para bang nagpapakiramdaman kaming dalawa. Maiintindihan ko naman iyon kung ayaw pang ipaalam sakin ni Gabriel ang lahat dahil kahit ako parang hindi pa talaga handa para malaman ang mga iyon pero alam ko sa sarili ko na kailangan malaman ko na agad dahil kaligtasan ko ang usapan rito.
"Sa kwarto lang muna ako" Tugon ko at mabilis na naglakad palayo sakanya. Rinig na rinig ko ang malalalim niyang paghinga saka ko naramdaman ang kanyang kamay na pumigil sa aking siko. Tumigil ako sa paglalakad at di siya hinarap. Kumalabog ng husto ang puso ko dahil sa kaba sa maaaring marinig galing sakanya.
"Wala talaga sa plano ko na sabihin ito sayo agad after observing you for a couple of days" He sighed and turns my body to face him. I looked at him and saw how troubled he was.
YOU ARE READING
Captivated (FALLEN ANGEL #2)
FantasyJelome Roswell is an extraordinary person. She's a tough women and fierce but there's one thing that she can't hide and that is having a soft heart. She always wanted to make the world a better place to everyone who's in help. She had no idea what's...