78(tagalog)

15 0 0
                                    

Hi po matagal na po akong tambay sa page nato but only now na magcoconfess ng sarili kong experience. If this story does not qualify na mapost dito sa spookify kase hindi sya tulad ng usual stories na napopost dito it's ok 😊 pero pag napost po it would be cool.

Hi 🙂 itong ikwekwento ko ay nangyari last year. I was sent to this particular institute dahil my mga issues ako na ayaw ng problemahin ng parents ko. Hindi ko na papangalanan yung lugar pero medyo hindi sya pangkaraniwan. Ang alam ng mga nasa labas bagsakan tong lugar nato ng mga batang privileged, medyo tama naman sila, pero ang totoo.. ang lugar nato ay tapunan talaga ng mga batang pinagsawaan na ng mga magulang nila. Rehabilitation center na ang front is privileged school. At syempre naadmit ako sa lugar na to so I guess alam nyo na may problema ako sa sarili ko. Self Harm, Substance Abuse...
Madaming nangyari sakin sa school nato (ang mga students dito ay dito rin nakatira) pero itong ikwekwento ko ngayon focus ko nalang sa pinaka highlight ng experience ko sobrang dami kase ng nangyari masyadong mahaba pag nilahat ko. Pumayag akong pumasok sa school nato kase ayaw ko ng bumalik. Plano ko ng patayin ang sarili ko agad agad. Unang araw ko palang inisip ko na kung saan at pano. Since pag pasok ko ang unang tumambad agad sakin is yung clock tower na nasa gitna ng main building yun na yung napagdisisyunan ko. Yung tower  mas mataas pa sya sa kahit anong building sa buong school. Ayun na yung plano ko tatalon ako. Exactly 1 week  na since nag move in ako nung pinlano ko ng tumalon para tapos na. Gabi yun halos tulog na ang lahat, ang dali ko namanage na makapunta sa tower ng hindi ako napapansin ng mga nagroroam na guards.
Nireready ko na yung sarili ko, nakatayo na ako sa edge ng may tumulak sa akin. Damang dama ko talaga yung pagbulusok ko yung lumalaki yung ground sa paningin ko habang papalapit ako ng papalapit. Sobrang bilis. Alam ko na yun na talaga tinuldukan ko na yung boring kong buhay. Kaso lang eto na yung hindi ko maintindihan. Dapat itim na lahat dapat tapos na ako kaso lang nakatayo nanaman ako sa may bintana ng tower asa taas parin buhay. Pero sure ako na nalaglag na ako kahit yung buwan nakita yun! bumulusok na ako pababa. Tapos may nagsalita nun sa likod ko na parang gumising sa pagkakatulala ko. "How was it?" nung nilingon ko sya na nga. Nakangisi, pero blanko yung mata na nakatitig din sa kawalan. Yung babaeng since first day umagaw na sa atensyon ko  at magiging kaybigan ko sa mga susunod na buwan ko sa school nayun. She's actually the mystery  and I know she's the one behind this experience too. Hindi ko pa alam kung ano sya but I'm sure hindi sya sa side ng Kalaban natin. Sya nga yung nagintroduce sakin sa Bible eh. Pagka lingon na pag kalingon ko sakanya hinila nya yung kamay ko kaya napababa ako sa sahig. "You are meant to stand Troy.  You should stay where you belong. Kung hindi mahuhulog ka talaga, at masakit mahulog" nakatulala lang ako nun sakanya kase pinoprocess ko pa yung nangyari. "Hinanap pala kita kase ibibigay ko sayo to" binigay nya saakin yung coin na hawak nya tapos nginitian nya ako bago sya umalis pababa sa hagdan. Next thing I know umaga na asa kwarto ko na ako, ni hindi ko nga alam paano ako nakabalik. Obviously buhay pa ako at dahil yun sa kanya nagkaroon ulit ako ng gana kase kahit papano nagkaroon na ako ng kaybigan. Ngayon wala na sya.Sinulat ko yung mga  nangyari buong school year para hindi magkatotoo yung promise nya saakin na makakalimutan ko sya. Gusto ko sana ishare kaso sobrang dami kaya ito nalang muna.

- Hey Nadia, wherever you are right now I want you to know that I will never forget you.

-Troy

REDDIT POST 2Where stories live. Discover now