80(tagalog)

5 0 0
                                    

Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1292325857601685&id=350647578436189

Part 2
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1293884797445791&id=350647578436189

The Chronicles of Nadia 🦁 lll

Sup guys! Ako nanaman to si Troy 😂 pangatlong confession ko na to  namimihasa na ata ako haha. Sobrang salamat sa admins for letting me share here ✌️

Nung una kung confession madaming maaangas na readers na nag suggest kung "ano" si Nads😶 naapreciate ko po kayo guys 😊 tapos nung second confession na-inform ko na kayo na student sya. Kaya yung iba naguguluhan na kung entity ba sya o tao. Eto major drop hehe may physical body (vessel) sya. Capable sya makipag-interact sa realm natin. Mukha syang normal na 17 yr old pero hindi naman lahat ng mukhang normal e normal talaga diba?
Alam ko kung ano sya pero di ko alam anong tawag. Intindihin nyo nalang po ako ang hirap nyang eexplain. Bali alam ko yung mga bagay-bagay sa kanya pero di ko alam kung anong tawag sa kanya. Diba lagi namang it's either multo,or maligno. Di ko alam san sya dyan😂 di bale ibibigay ko naman mga info's along the way eh kayo nalang magconclude kung ano sya sa tingin nyo ok? Karamihan naman sa inyo parang maalam na sa paranormal💪

East Wing
Tour ko muna kayo tutal madaming interesado sa "school" na to. Guys rehab to. Hindi Wattpad setting. Hindi perfect love stories yung nawiwitness ng clock tower madalas rambulan minsan death.Pag tapos namin dito it's either balik normal life o diretso psych ward na.Medyo hesitant talaga ako ikwento yung East Wing, kase kahit ako hindi maniniwala pag may nabasa akong ganto 😂. Sa rooftop kami ng East Wing lagi nakain ng almusal. Isa din sa addiction ni Nadia yung panonood ng sun rise. Yep lagi nya inaabangan yung pag- angat ng sun. Kaya kaming mga "alipin" nya (may maliit na circle of friends kami haha)no choice kundi gumising ng maaga. Hindi Naman nya kami pinipilit pero masaya rin kasing kumain ng may kasama. Pabiro lang po yung "alipin"✌️ lahat kase kami nasunod sakanya. Why? Cause she's a great player. Alam nya kung pano nya macocontrol lahat. Most of the time walang choice yung mga tao dito but to obey her. Even the teachers. She knows some deep shits.One wrong move, game over. Dagdag mystery yan about her.Dun tayo kung paano makakapunta sa rooftop ng East Wing. May isang pinto lang para makapunta sa rooftop. At lagi yun nakalock. Wala naman kasing gamit yung rooftop, matagal ng inabanduna. Dati magandang tambayan talaga yung rooftop nato kase literal sya na green house. Perfect pagrelaxan considering may mental issues mga tao dito.Laging sara yung only access diba, so pano kami nakakapunta?. Eto na yung unbelievable part doon kami sa likod nadaan. Sa likod ng gitnang part ng main building may di ako maexplaine na portion ng school. Para syang graveyard kase parang may mga puntod, mga bato na cross ganun tapos mga angel na statwa. Nung unang beses ako sinama ni Nads sa Rooftop ng East Wing kami lang dalawa. Around second week yun ng April 2018. Ni-lead nya ako sa may "graveyard" tapos pumunta sya sa pinakadulo na puntod (again not sure kung puntod yun) dun sa pinaka nakadikit na sa pader. Eto na nagulat talaga ako nung bigla nyang binuksan. As in tinangal nya yung flat na bato na nakalatag sa ground.Tapos tinawag nya ako, di ko sure kung lalapit ako nun kase baka anong makita ko atsaka sobrang kinabahan ako nun sa kanya malay ko ba nun kung psycho pala sya tas hinanda nya pala yun para paglibingan sakin. Pero lumapit parin ako kahit kabado. Paglapit ko talaga handa ko ng depensahan sarili ko 😂 pero ang nakita ko sa hukay liwanag. Empty yung hukay. Pero may butas. Tagos sa pader ng school. Sya nauna sumunod ako. Tatalon sa hukay tapos lalabas ka sa kabilang side ng pader. Angas diba? di na makatotohanan. Pero totoo po yan, bahala na kayo kung maniniwala kayo. Pagtapos mong lumabas sa pader asa labas ka na ng campus tapos may access ka na sa likod ng East Wing building kung saan nakadikit yung bakal na exit ladder.Yung straight na hagdan lang to,kaylangan gagamitin mo kamay mo sa pag-akyat.Yung pang emergency. Yun na, aakyatin namin yun. Limang palapag. Syempre first time ko nun  sumusunod lang ako kay Nads. Papaakyat na sya sa may hagdan tapos bigla syang lumingon sakin, sharp. All year round nakablack lang si Nadia. wala po kaming uniform. Lagi sya naka long sleeve at sumbrero.Nung araw na yun naka sando sya yung spaghetti strap,pero naka jacket naman. Kaso nung tumalon kami sa hukay medyo nababa yung jacket nya sa kanang balikat kaya revealed yung kalahating likod nya. Kaya ako nakatingin kase may mga bagay na nakakacurios . Una may tattoo sya sa kanang braso pati sa batok parang tribal patterns, tapos meron syang sobrang laking peklat sa likod.Yung parang grabe yung nangyari it's either sunog or hiniwa. Basta sobrang obvious. Vertical na peklat.Parang kasing lapad na nung palad ko yung naging sugat. Diba nga lumingon sya sa akin bigla nasense nya ata yung pagtingin ko. Alam ko na alam nya na nakita ko yun pero casual nya lang na inangat yung jacket na parang wala lang tapos sabi nya sakin "Mauna ka na, baka mahulog ka at least masasalo kita" tuwing nagsasalita sya para nya talaga akong iniinsulto. Edi umakyat na kami.Pag akyat namin pumasok kami sa emergency exit door ng green house.Dome yung green house gawa sa bakal tapos salamin. Sira na yung pinto yung bisagra kinalawang na kaya madali makapasok pero sobrang sukal sa loob. Gumapang na yung halaman hanggang bubong ng dome. nung pumasok kami kaylangan naming tumagos sa mga sukal ng halaman. Dun ko narealize na mas gumaganda yung mga bagay na iniiwan. Parang nagkachoice yung lugar kung pano nya gusto mag grow. Hindi na "perfect" base sa standard ng mga hardinero pero maganda parin kase yung oras na yung humubog sa lugar.Dun kami pumwesto sa balcony maliit na area labas ng dome. Tanaw na tanaw yung papaangat na araw. Dito ko narin ikwenkweto ung sinabi ko about Atlantis. Ang haba na 😂✌️

REDDIT POST 2Where stories live. Discover now