The Chronicles of Nadia 😂
Hi☺️ it's Troy again thank you po Admin if ever po na you allow me to share my experience for the second time.
Tutal madami naman po ang nagrespond sa first confession ko naisipan ko na baka may magkainteres pa if ever mag part II ako. Sorry po Kung Hindi ako makap-isip ng magandang title.Thank you po sa mga nagbasa nung una.
The Coin
Kung naaalala nyo sa una ko pong confession may binigay sakin si Nadia (not her real name btw but people call her Nadia) "Coin" po yun. The morning after my "attempt" nasabi ko po na nasa kwarto ko na ako. Yung coin po na binigay nya sakin that night is hawak ko and that's enough proof for me na hindi ako nanaginip. That coin is from Italy ( silver coin na may nakalagay na "L.100" 1979 Repubblica Italiana) why am I sharing this? Ok I'm 17, mentally unstable, and one reason why is because I can't do what I want. I've always wanted to be a Violinist and since I was a kid I've been dreaming of going to Italy specifically Cremona (Both my parents are business people they're the type that don't believe in arts and music). And the coin she gave me that night... It's just weird for me pero malay ko ba baka coincidence lang na may obsession ako sa Italy at meron syang coin from Italy na bigla nya nalang binigay sakin. 1 week palang ako sa school diba so wala dapat syang alam tungkol sakin. Within that first week isang beses ko palang sya naencounter nung first day lang.Inisip ko nalang baka narinig nya ako nung orientation (nung 2nd day) tinanong kase isaisa kung ano mga dreams namin nun at yun nanga sabi ko gusto ko tumira sa Italy at maging pro Violinist. Pero kahit na ganun Ang weird parin na bigla nalang syang susulpot tapos bibigyan nya ako ng bagay galing sa lugar na pinapangarap ko. Asakin parin yung coin till now. I was actually thinking of sending the picture of the coin kaso naisip ko wala namang nakakatakot barya lang naman to ang bagay na mga pictures dito sa spookify na mai-feature eh yung nakakatakot.
Dun naman sa pagkalaglag ko actually di ko parin sure kung ano ang nangyari eh basta ang Alam ko lang di yun panaginip.Bible Studies
Nabangit ko rin yung Bible sa first confession ko. Yung Bible po yung pinaka unang book na binasa ko (maliban sa mga school books)Di ko naeenjoy magbasa I spend all my free time on YouTube (btw subscribe to PewDiePie 💪).
Balik sa kwento, si Nadia yung nang-impluwensya sakin magbasa ng Bible. Lagi kaming kumakain ng meals namin sa ibang lugar imbis na sa mess hall. Since naging close kami around 3rd week since pumunta ako sa school nato lagi na kaming sabay kumain. Nag aalmusal kami sa Rooftop ng East wing.Pag tanghalian sa may chapel kami natambay dun sa may second floor na parang inside balcony ( pwesto ng choir) pag gabi naman sa may tower. Every meal nagbabasa sya ng Bible kaya nakiusyoso narin ako. Nung una na confused talaga ako kase todo basa sya ng Bible (kinikiss nya panga bago nya basahin) pero ang sama sama ng tingin nya sa mga santo. Pag nasa chapel kami orally sya nagbabasa parang nagmimisa ganun. Pero pag sa may tower tahimik na sya magbasa kase gabi na baka mahuli at mapababa kami.One time around "May" lumapit sya sa may crusifix tapos nagsalita sya ng di ko maintindihan alam ko lang galit sya kase yung mata nya nanlilisik tapos para syang nangmomock.
At eto around September may ginawa sya na nakapagpahamak samin. Tatlo kami nun kasama yung isa naming school mate si Danté ( sent here for being gay, parents nya homophobic sobrang lugmok rin to sa depression) Gabi yun, mga around 11 pm tulog na lahat pati yung mga guards na dapat nagroroam natulog nun. Pumunta kami ng chapel nagpasama si Nadia eh. Tanghali palang kinontrata nya na kaming dalawa. Pinakuha nya samin yung mama Mary. Kahit parang ayaw namin ni Danté na gawin yung utos nya kase di naman namin alam yung gagawin ni Nadia dun sa Santo sumunod parin kami, this is September limang buwan na kami magkakasama by this time alam na namin na walang madudulot na maganda ang pagsuway kay Nads. Yung mama Mary nayun Sabi nila naiyak daw yun ng dugo. Pinabuhat nya yun samin ni Danté. Sunod lang kami ng sunod sakanya nun, tapos sa Music room nya kami dinala. Yung music room yung ingay doon di naririnig sa labas parang sound proof ganon. Tapos eto na, hindi namin expected ni Danté ang ginawa nya. Kinuha nya samin Yung 3 ft tall na Santo tapos binalibag nya.Basag. Sabi nila dekada na daw ang tanda nun mas matanda pa saamin. Tapos nagsalita nanaman ng di ko maintindihan si Nads. Nakatulala lang kami ni D nun. Tapos nung sumenyas na si Nadia, lumabas na kami. Habang pabalik kami ng mga kwarto namin nakasalubong namin yung guest na Madre ng school. Si Sister ---- Nung una magsasalita sana sya pero tinitigan sya ni Nadia tapos parang di nya na kami nakita dumeretso lang sya.The next day asa counsellors office kaming tatlo kase nakita kami sa CCTV. Hindi ko alam kung ano tong school eh, sabi dati parang Catholic, tapos naging hindi, tapos ngayon since Catholic yung head parang unti unti ulit nag allow ng Catholic events. Pero Hindi Naman pinipilit lahat mag participate, maraming from ibat-ibang religious background dito. At since naging head nga yung ngayon unti-unti ng napupuno ng Santo yung chapel na dati simpleng maliit na building lang. Dati lahat ng Bata pwede mag pray at magmedetate dun, ngayon medyo ilang na wala na nga natambay dun kami nalang kase nga yung iba hindi talaga fan ng mga Rebulto.