Jang 4: Jamie Ly part1

109 4 0
                                    

Buti pa ang public defendant handa kang panigan kahit talikuran ka na ng lahat.

Hugot na hugot no? Naalala ko kasi si Jamie.

Nagkakilala kami sa isang burger stand sa tapat ng school namin. Highschool pa kami noon. Section A siya, ako Section B.

Naalala ko pa nung siya yung kumuha nung sukli ko kasi hindi ko nakuha. Ang tanga ko kasi sa math. 13pesos yung Burger tapos 15pesos binigay ko akala ko wala nang sukli.

Halong tuwa at hiya 'yung naramdaman ko nun. Pero yung pagngiti at pagtawa niya. 'Di maipaliwanag. Parang commercial ng gamot sa singaw.

To AubreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon