Jang 7: Duta

92 3 0
                                    

Mike: Pre, magkano ka?

Vince: 60 ako.

Ako: 50 lang ako. Libre nyo ko oras ah.

Mike: Oo, tange sure win to. Sila Botbot lang kalaban.

Ako: Sige sige, toss mo na.

Mike: Peram barya.

Vince: Tagal nyo naman, pasok na.

-------------------------

Ganito kami halos araw-araw. Kabuhayan na namin yang dota na yan. Halos yan na rin nagpapakain sakin. Kaso kapag talo, wala, nga-ngabels. Masakit din sa bulsa. Mas masakit kesa maheart-broken ka. lol.

Trashtalkan, ang ingay. Nakikigulo na rin ako. "@#%$&*!! Bobobo nyoo HAHAHA!! @#$%&*!!"

Nandyan si iyaken na pikon, si alaskador, si silent-type, si inosenteng parang walang alam sa nangyayare na kala mo kakapanganak lang kahapon, si malakas na humble, si swerteng trashtalker, at maraming marami pang iba. Iba-iba kasi ugali ng mga player e. Boset lang yung mga nagmamarunong. Parang sa buhay ng tao lang din.

-----------

Kalagitnaan na ng laro. Ayos naman, lamang kami.

Ako: Pre stun.

Vince: WALA KONG MANA.

Ako: Eh bat ka sumugod!?

Vince: Akala ko andyan si Mike e.

Ako: Ayun, nagfafarm. Matatalo na tayo farm pa rin. Sige magfarm ka nalang. Wag ka na sasama samin ha?

---------

Ayun, sunod-sunod yung pagkakamali namin. Hanggang sa, *w3nk*, talo.

Ako: Akala ko ba sure win ha?

Vince: Eh ito si Mike e, benta.

Mike: Ah, ako pa sinisi mo ah, ikaw nga tong papasok-pasok, walang mana.

Vince: Atleast nasa clash, e ikaw? Wala, binabanatan na kami papera ka pa. Hays.

*batok sa dalawa

Ako: Parehas lang kayo, nagsisihan pa. Bahala kayo sa oras ko. Sabi nyo babayaran nyo yan ah.

*sabay takbo

-----------

Pag sinabing dota player parang ang baba no? Ang pangit pakinggan. Mabisyo, basagulero. Ganun yung tingin natin. Kala mo naman holdaper.

Pag naglalaro kasi kami, parang tumitigil yung oras na parang nakita mo si crush at nagslow-mo yung paligid. Makakalimutan mo lahat pati pangalan mo. Lalo na yung mga problema mo.

Parang pagsusulat o pagdradrawing. Nakakatakas ka saglit sa realidad ng mundo pero alam naman natin na lahat ng tumatakas, nahuhuli.

{ sa weekend na ulit ako magpupublish, mga dalawang chapters agad. ang senti ni author ngayon e. haha. pag may di kayo maintindihan sa mga dialouge nila, tanong nyo nalang. :b }

#TAisheart

To AubreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon