Jang 14: Magnet part2

68 3 0
                                    

Yeah, speaking of Kesh. Nakilala ko siya sa Science class namin. Naalala ko tuloy kung paano kami naging close.

Tumatakbo 'ko sa hallway dahil late na late na ako. 15 MINUTES NA AKONG LATE. Habang tumatakbo ko at humahampas yung mabigat kong bag sa likod ko, hingal na hingal na ako. Nang biglang...

*BOOGSH*

"Na-nasa langit na ba ko?" Habang unti-unti kong dinidilat ang mga mata ko. "Oo nasa langit ka na." Pabungisngis na bigkas ng mala-anghel na boses. Luminaw na ang paningin ko at nakita ko ang isang babae. Nakaupo rin sa sahig at tawa ng tawa. "Ugh, anong tinatawa-tawa mo diyan?" Nakakainis, nakakahiya. "Hahaha, ang cute mo kasi. Hahahaha. Nakita mo ba yung itsura mo kanina?" Sabi niya, tapos ginaya niya pa yung sinabi kong "Nasa langit na ba ako?" Sabay tawa pa ng malakas. "Ha-ha, tawa lang." Tawa lang talaga siya ng tawa na kala mo di nasaktan. "Haha sorry. Di ko mapigilan yung sarili ko e. Ako nga pala si Kesh." Sabay abot ng kamay niya. Nakaupo pa rin kami nun. "Lucas, Lucas Fuerte." Pakilala ko. "Bat ka nga pala tumatakbo?" Tanong nitong makulit na kasama ko habang tumatayo na kaming dalawa. "Eh ikaw bakit ka tumatakbo?" Binalik ko sa kanya yung tanong niya. "Late na kasi ako sa Science Class." Tignan mo nga naman. Watta coincidence! "Room 207?" Tanong ko naman. "Oo! Dun ka rin ba?" "Oo dun din ako. Tara late na tayo."

Hindi ko na tinanong kung bakit habang tumatakbo ako papunta sa room namin, sa kabilang direksyon siya patakbo kaya kami nagkabungguan. Natatawa kasi ako. Pagkasabi ko rin kasi nang "Tara na, late na tayo." Eh sa kabila ulit siya papunta. Pinigilan ko nalang tawa 'ko.

Ako: Mauna ka nang pumasok.

Kesh: Ayoko nga, baka kainin ako ng buhay niyan ni Mrs. Alvarez no.

Ako: Dali na. Ladies' first.

Kesh: Pinaggahawak ng gentleman ng pinto ang mga babae. Kaya ikaw magbukas at unang magpakita.

Ako: Osige ganito, sabay tayo.

Kesh: Game!

Pinatong namin yung kamay namin sa pinto nang sabay.

3

2

1

*Eeeiiiinnngggg

Ako lang tumulak! Badtrip talaga tong babaeng to. Habang nakatingin si Mrs. Alvarez at lahat ng estudyante sakin, ayun siya, humahagalpak sa tawa sa likod ko.

Mrs. Alvarez: Oh, Mr. Fuerte. Everybody, let us welcome our SUPER SPECIAL GUEST, Mr. Lucas Fuerte!

Hiyang hiya ako. Nagtatawanan silang lahat. Dahan dahan akong pumasok at nag-greet nang mapansin kong wala na sa likod ko si Kesh.

Dahan-dahan akong pumasok at naupo sa trono ko. Hindi ko nalang pinansin yung mga pag-aamok ni Mrs. Alvarez. Nakaupo na ko nang napansin kong may sumisitsit. "Psst!" Hindi ko pinansin, malay mo hindi ako yung tinatawag diba? "Psst! Pssst!" Hindi ko lang pinapansin hanggang sa may bumato sakin ng nilukot na papel. "Psst! Lucas!" Nakita ko si Kesh kumakaway. "P-pano ka nakapasok?" Pagtataka ko. "Simple lang, habang busy sila sa pagtitig sa gwapo mong mukha, at busy si Mrs. Alvarez sa paghohomily sa'yo, dumaan ako sa likod." Sabay dila. Badtrip talaga. Napabuntong-hininga nalang ako.

Pagtapos ng mahabang pagpapaantok ni Mrs. Alvarez samin, natapos din ang laban, este klase.

Kinukulit pa rin ako nitong cute pero nakakaasar na babaeng 'to. Napakakulit. Napakadaldal.

Kaya naman pala ako lang kinukulit nito saka nagkandaligaw-ligaw kanina e bago lang pala siya sa building na 'to. Wala siyang mapuntahan kaya sumama nalang siya sakin.

Pinagtitinginan kami. Nakakainis yung ganito. Ang iniisip nanaman nila, iba nanaman babae ko. Ang sweet pa naman namin tingnan. Nagtatawanan, biruan, harutan.

Break time namin, syempre sa pantry kami dumiretso. Umupo kami kung nasaan sila Mike at Jed.

Mike at Jed: Oh! Bago mo nanamang chix!?

Mike: Napakachickboy talagaaa.

Ako: Mga sira. Bago lang siya dito. Si Kesh. Kesh, si Mike, eto si Jed. (Sabay turo sa kanila)

Kesh: Kesh Miller. *ngiti sabay abot ng kamay*

Ako: Okay, okay, kain na tayo. Kesh, ako na magorder sayo. Anong gusto mo? Save mo nalang seats natin.

Kesh: Kung anong sa'yo ganun nalang din.

Jed: Bat siya pinagbibilhan mo kami hindi?

Mike: Katampo ka talaga. *sabay pout

Ako: Babae naman yun e. Saka sinong mag babantay sa upuan natin? Mga siraulo talaga kayo...

Diary: Haaay. Sige na, ako na malandi, ako na chickboy. Ganyan naman yung mga tao pag parating kasama ng gwapo, babae e chickboy na agad. Pero pag pangit, friendly lang? Ganon? Pero oy diary. Ano yung mga nakasulat sa harap mo? Hindi ako nagsulat nun diba? Ano yun?

~♥~♠~♣~♦~

Woo. Sorry sobrang tagal di nakapagupdate. May sakit kasi si author. Amveresore.

Keep reading po! Stay devoted. :)

#TAisheart

Happy 800! <3

To AubreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon