Jang 10: Dear Diary

78 1 2
                                    

Jan. 29, 1993

   Dear diary, maraming salamat sa nagregalo nitong diary. Sabi niya pa isulat ko raw dito lahat ng mga bagay na worth it maalala. So isusulat ko rin ba siya? Ang saya nitong 12th birthday ko. Nagkaron din ako ng gameboy. Nainggit sila Vince sakin. Ang dami kong nakain na ispageti, ang sakit ng tiyan ko. Ganito ba magdiary? Eto yung picture natin o *picture*, ang cute natin Aubrey.

Naalala ko yung una kong entry sa diary ko. Birthday ko pa nun nung 12 years old ako, grade 6. Napakaliit at napakabasic pa ng mundo nun. Walang stress, walang pressure, tuhod pa lang ang nasusugatan, hindi puso.

Malaki ang nagawa ng diary na to sa buhay ko. Dahil dito mataas mga journal entry ko. Jk. Napakamemorable nitong diary na to tulad ng mga nakasulat dito. Para nang novela ng buhay ko to. Hindi ba ang galing? Nakalagay sa maliit na bungkos ng mga papel kung kelan ako unang umiyak, napahiya, nagulat, nadapa, bumangon, sumakay ng tren, nagjeep mag-isa, sumayaw sa klase, natae sa school, nagcutting, napagalitan, natapilok, nahulog, nabigo, nasigawan, gumawa ng eroplano, tumalon sa building, lumipad sa kalawakan.

Sana pwede ring magwish dito at magrant. Parang deathnote pero positive.

I love telling tales, pero sa sarili ko lang. Maybe because I don't like people that much. Mas masarap pang makipagusap sa bata kesa sa ibang tao ngayon or none at all. Kaya naman mas mahal ko pa 'tong diary ko kesa sa mga nilalang na panay puri sa sarili at pala-sita sa lahat ng pwedeng ihusga sa kapwa nila.

Makaarti ako kala mo hindi rin ganon e no? Ewan ko ba, ganito talaga yung nature ng tao e.

Kapag binabasa ko ulit to, nababaliw ako. Oo, nababaliw ako. Masaya dahil sa mga alaalang bumabalik sakin kaso malungkot din na malamang alaala nalang lahat nang 'yon. Mabilis, napakurap lang ako, hindi na ako bata.

Nasan na kaya si Aubrey? Never seen her since forever. Siya yung nagpaalala sakin na, Luke, makulay ang buhay, kahit na mga bata pa kami nun.

I've sent her letter years ago. Still, no marks of a footprint. Siya yung bumuo ng kabataan ko at never na 'kong tatanda. Ayokong tumanda. Tumanda nang hindi manlang siya ulit nakikita.

+-+-+-+-+-+-+-+-

Namiss niyo ba 'ko? Sorry napatagal. Tadaaaa, ayan na, Jang 10 <3

Keep devoted! Happy reading. ;)

#TAisheart

To AubreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon