Jang 11: Childhood

78 3 0
                                    

"Takbo, haha habulin mo ko Luke!" Sabay takbo sa makikinang na buhangin. "Teka Aubrey, pagod na 'ko e. Kain na muna tayo samin." Pangiting pag-aya ko. Tumango siya bilang napakagandang tugon niya. Nilakad namin ang daan tungo sa bahay na parang walang hanggan kapag kasama siya.

Lucas: 'Pag laki natin, gusto ko magkasama pa rin tayo. Sabay tayong papasok sa eskwela, uuwi, maglalaro, at kakain ng hopia.

Aubrey: Oo naman. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Tayo na nga lang magkaibigan mag-iiwanan pa ba tayo?

Lucas: Promise mo yan ah? Peksman? Duraan mo nga kamay mo tapos magkamay tayo.

*dura sa kamay sabay shakehands na para bang sanduguan*

At nagpromise na nga kami sa isa't isa na hindi na maghihiwalay kailanman. Kailanman?

-----------

Birds singing

Innocence losing

Bells ringing

Can't quit whining.

Nang magelementary ako, maaga akong nagmature. Well, hindi yung kilos pero kung paano 'ko mag-isip. Maaga ring natanggal sakin ang pagiging inosente. Yung tipong dati lang akala ko pag nagkiss ang opposite sex mabubuntis agad si girl pero hindi pala. Dati akala ko nagbakasyon lang si Aubrey, iniwan na niya pala 'ko. Walang kibit, walang paalam, walang pagkayaya.

April 4, 1997

     Dear diary, nawalan ako ng matalik na kaibigan. Babalik pa kaya siya? Siya na may pinakamaganda't mapungay na mga mata. Hindi ko alam kung paano, kailan, at bakit. Parang ang lahat ay isang panaginip lamang. Ang tanawin at malambot na buhangin na dati nating pinagsasaluhan ay wala nang kasiyahang dulot nang mawala ka. Hindi ko na kilala ang sarili ko simula ng paglisan mo. Isinusulat ko sa mga papel na 'to lahat ng 'di mo na maririnig dahil sa pag-alis mo. Kahit na para kang hangin na panandaliang nagbigay sakin ng panandaliang paghinga, mananatili pa rin ang mga bagay na ikaw lang ang nagpamalas sakin. 'Di tulad ng presensya mo, hinding-hindi tatangayin ng hangin ang imahe ng mukha mo sa isip ko. Kung paano ka ngumiti, tumawa, lahat ng iyon. Nakatatak sa isip ko ang mukha at pangalan mo magpakailanman tulad ng pangako mong 'di mo ko iiwan.

-------------

Present time - 1999

Ibinalik ko kay Vince yung badtrip na 'A Walk to Remember' na yun. At dahil lalo lang lumala ang tama ko kay Jamie, ginawa ko ang parati kong ginagawa kapag nalulungkot ako. Binasa ko ulit yung mga dating nasulat ko na sa diary ko.

Hindi madalas pero binasa ko ang diary ko mula sa umpisa. Simula pa noong ang interes ko palang sa pagsusulat ay parang interes ko sa buhay ng mga langgam. Gabutil ng munggo.

Ano 'to? Ang alam ko binili ko 'tong diary as gift para sa sarili ko. Sino si Aubrey? Sinong nagsulat nito? Ugh, ano ito?

Anong nangyari ngayon lang? Ano 'tong binabasa ko? Sinulat ko ba 'to? Kinikilabutan ako. Mukha namang sulat ko... Pero sila Vince lang ang mga kaibigan ko magmulat-sapul. Si Jamie lang ang naging super close kong babae at sa ngayong college ko lang siya nakilala. Sinara ko yung diary. Naguguluhan pa rin ako.

Lumabas ako saglit. Nagpunta ko kela Vince, wala raw siya. Kapag ganito, sa computer shop ako dumederetso. Wala naman akong mapupuntahan iba eh. "Te Vanness, pa-rent!" Sigaw ko sabay bukas ng pc 8. Nag-internet muna ako, binuksan ko yung friendster ko. "Uy may nag-add." *Lexi added you as a friend.

*Accept.

Woah, cute nito ah. Makapost nga sa profile niya. *Hi po. Thanks for the add. :)*

*Hello, no worries ;)* Uy! Bilis magreply ah!

*Hihi, ang cute mo po. :)*

*Woah, thanks. Ikaw din. ;D* Woah. Cute rin daw ako. Hahaha yeah baby.

*Woah, salamat. I'm zo flattered nama-* Binatukan ako ni Vince.

Vince: Oy pre ano yan. Chicks mo?

Ako: Lul. Inadd lang ako.

Vince: Pakilala mo nga ko. Haha papakasalan ko yan.

Ako: Tarantado ka talaga hahaha. Dota na tayo nakaupo na dila Butoy oh. Lesdo. Haha.

Vince: Sige ba, panalo ko basketball kanina e. 180 bucks. Hahaha.

Ako: Edi kayo na. Hahaha.

Nilaro ko nalang yung problema ko. Si Jamie tapos yung wirdong diary ko. At yeah, ang swerte ko ngayon. 3-0 samin sila Butoy. May pera nanaman ako. Hihi.

-*-*-*-*-*-*-*-*-

Hi guys! Sino ba talaga si Aubrey? Ano kayang meron sa diary? Anong meron kay Lucas? Abangan. ;)

Keep devoted!~

#TAisheart <3

To AubreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon