Jang 12: College

78 6 0
                                    

Now Playing: Hello Cold World- Paramore

Pumasok ako sa university gaya ng parati kong ginagawa. Bangon, ayos sarili, kain, sakay jeep, lakad, pasok. Kung hindi ako nangungulit, natutulog lang ako. Ganun lang parati pati pag-uwi. Kuha bag, labas, sakay jeep, daan comp. shop, uwi.

Pero sa araw-araw ng paulit-ulit na proseso ng buhay ko, may unti-unting pagbabago rin naman. Marami rin akong nakikilala. Sa totoo nga, hindi ko na alam kung kanino ako gugrupo sa kanila.

Sa isang klase ko may mga close ako. Sa ibang klase meron din. Yung iba nagtatampo kasi 'di ko na sila nakakasama, snob na daw. Mga ganong tipo. E sa andami niyo e? Magkasundo nalang kasi kayo. Parang fans club ni Lucas Fuerte mga ganon. Para naman isang batch ng barkada nalang kami. Odiba bongga?

Hindi naman mahirap ang college. Kailangan mo lang naman maging independent, matalino, maabilidad, masipag, matino, palakaibigan, mag-aral ng maayos, pumasok ng maaga, piliting wag gumawa ng kabulastugan, gumawa ng project, gumawa ng thesis, gumawa ng journal, gumawa ng himala. Well, mahirap nga.

Nung bago palang ako sa kolehiyo, sobrang nakakapanibago (wow rhyme). Alam mo 'yun? Ambilis mag shift ng phase. Kung nung high-school hinahatid ka pa sa school, ngayon bahala ka na kung malunod ka sa sandamukal na baha. Okay lang dati na malate ka? Humanda ka sa dean mo 'pag tinry mo sa kanya. Pwede ka magpasa dati ng project after deadline? Ngayon goodbye grades ka na.

Heto nanaman si Jed. Breaktime namin e.

Jed: Pre :(

Ako: Oh? Sinira mo nanaman tab nyo?

Jed: Di pre. :(

Ako: Eh ano nanaman inaamok-amok mo diyan ha?

Jed: Nakakainis kasi talaga e. :(

Ako: Bakit nga kasi?

Jed: Akala ko talaga tama 'yun. Sino ba kasing magkakamali sa ganun? Hindi ko yun kasalanan! :(

Ako: @#*-$&! Yan ka nanaman eh.

Jed: De kasi pinagtimpla 'ko ng kape ng nanay ko. Kampanteng-kampante ako sa timpla ko. Bartending ata kinukuhang kurso ko no?

Ako: Oh ano ngang problema? 'Di nalang kasi deretsuhin e no? Boljakin kita dyan e.

Jed: Eto na. Excitement ka rin e no? Kasi ng diba pinagtimpla ko ng kape? Edi naglagay ako ng decaf? Nilagyan ko pa ng creamer at whip cream tapos chocolate powder sa may cream.

Ako: Oh? Tapos? Punyatero to bitin ng bitin e.

Jed: Oo, oo eto na. Mahilig sa matamis si mama. So ano pa bang gagawin ko?

Ako: Ihampas mo ulo mo sa semento.

Jed: Panira ka ng momentum. Ayon, syempre nilagyan ko ng asukal. Nagpanggap na asukal... Kasi yung nilagay ko, ASIN PALA. Sangkatutak na batok natanggap ko. 'Di ko naman kasalanan yun diba? Pero sulit naman. Kung makita mo lang mukha niya pag-inom. HAHAHAHA NGIWE.

Ako: HAHAHAHA bwisit ka talaga. HAHAHAHA. Kung nanay mo ko palayasin na kitang hinayupak ka. HAHAHAHA.

Diary: Kung totoo yung The Purge? Uunahin ko 'to si Jed sa mga papatayin ko e. Jk.

@-@-@-@-@-@-@-@-@-@

Oh yeah.

PaTake-Note po: Paplay 'yung mga songs na nakadisplay para mas bonggaciousness. ^^

Happy Reading! Keep devoted!~

#TAisheart <3

To AubreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon