BTPF ( CHAPTER 7 )

6 0 0
                                    

John Pharohe's POV

Nadatnan namin si Ashantee na nakahiga sa upuan ng Pavillion. Hindi kaya sasakit yung ulo nya nyan? Bago kami umalis sinilip ko kung anong ginagawa nya and nakita kong nakahiga lang sya at hanggang ngayon ganyan pa din yung posisyon nya. Ang takaw naman nya sa tulog.

Pipisilin sana ni Laviña yung pisngi ni Ashantee pero pinigilan sya ni Kurt. Naka upo kaming tatlo nila Laviña sa tapat ng upuan ni Ashantee. Nasa gitna namin ni Kurt si Laviña, bawat pag galaw ni Ashantee sinusuri naming tatlo, para syang bata na walang kaalam alam sa mundo.

"Alam nyo kung merong WonderWoman para sakin merong WonderBestFriend." panimula ni Laviña kaya napatingin kami ni Kurt sa kanya.

"Simula nung bata kami sya yung tiga pagtanggol ko pag inaasar ako ng mga kalaro namin na kasing lakas daw ng sirena bibig ko! Like duhh! Syempre hindi nila maasar asar si Ashantee kase almost perfect na yang kaibigan ko. And alam nyo ba nung time na pinagkumpara kami ng mga Grandparents namin nagalit si Ashantee non kasi puro nalang daw sya yung napupuri o palagi nalang daw syang may lamang sakin kase I did my best naman daw sabi nya. Bakit daw hindi nila makita yung kagandahan at yung lamang ko sa kanya. Sa totoo lang wala naman akong lamang sa kanya at kung pagkukumparahin kaming dalawa mananalo sya. Pero laging sinasabi sakin ni Ashantee na "Don't mind them! You have your own beauty and talents. Kung may pagkakaiba man tayo yun lang yung maingay ka at tahimik ako at wala ng iba!" Yan yan yung eksaktong sinabi nya sakin non." nakangiting lintaya ni Laviña habang pinagmamasadan si Ashantee.

They looked good together.

Tumayo ako saka hinubad yung jacket na suot ko saka lumapit kay Ashantee. Nilagay ko dun sa bandang baba ng palda nya yung jacket ko kase nakikitaan na sya. Masyadong maikli yung palda nila.

"Yan pa yung isa naming problema. Kala mo namang naubusan kami ng tela. Gusto ni Ashante above the knee yung palda namin pero maraming umangal kase gusto nung mga babae dito eh yung kita na yung kaluluwa nila!" asar na sabi ni Laviña.

"You know what Laviña wala akong nakikitang ka arte arte sa inyong dalawa. Yung totoo kayo ata yung pinakamagandang student dito." usal ko habang inaayos yung jacket ko na nakapatong kay Ashantee. Lumapit na sakin si Kurt at tinulungan akong mag-ayos

"Mambobola! Heeey! Mambobola!" Kanta ni Laviña at napabangon bigla si Ashantee.

"Ehe? Peace yow" nahihiyang usal ni Laviña.

"Kanina pa kayo dyan?" tanong ni Ashantee habang kinukusot yung dalawang mata nya.

Can you be my baby?

"Hindi naman medyo lang! Like duh! Malamang! and for your information Queen hindi ko nakalimutan yung promise mo sakin na lilibre mo ko" taas babang kilay na usal ni Laviña.

"Alam mo Laviña may pera ka naman sana pero ang lakas mong mang buraot" angil ni Kurt kay Laviña.

"Well for your information Kurtong Buraot is the new sexy" nang-aasar na sabi ni Laviña.

"At alam mo din ba na Sexy is the new ugly?" Singit ni Ashantee.

"HAHAHAHA" tawa naming dalawa ni Kurt pero inismiran lang kami ni Laviña"

"Alam mo Queen, pag bumanat ka sinisigurado mong magugustuhan ng madla! Like duhh" pagtataray ni Laviña.

"Lubayan mo nga ako sa pa like duh,like duhh mo na yan huh! Tara na sa cafeteria at lunch break na!" Aya samin ni Ashantee saka nya inabot sakin yung jacket ko na nakapatong sa kanya

Nasa gitna namin ni Kurt sila Ashantee at Laviña.

Habang naglalakad kami sa hallway hindi maiwasan yung mga tilian at papuri nila samin.

Behind that Poker FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon