BTPF ( CHAPTER 11 )

8 0 0
                                    

LAVIÑA'S POV

Kumatok ako dun sa kwarto ni Tita. I just want to explain everything to her. Kung ano nangyari at para hindi mapagalitan si Queen. Bumukas yung pinto at tumambad sakin si Tita na ngiting ngiti.

"Oh, do you need something Laviña?" tanong nya sakin saka nya kinuha yung mga accessories dun sa maliit na cabinet sa tabi ng kama nila.

"Ahm, Tita can I talk to you?" tanong ko sa kanya. Mahihirapan nanaman ako sa kaka English nito!

"Ow darling your alreading talking with me" pilosopong sagot nya sakin nakagat ko nalang yung ibabang labi ko sa inis!.

"Fine Tita! I just want to explain everything to you, Yung nangyari po kanina wala pong kasalanan si Ashantee don kase hindi naman po sya yung nakipagsapakan" paliwanag ko saka nya ko tiningnan sa mata.

"But she's the one who's responsible to fix that thing and wala man lang syang nagawa. And worst si Daddy pa nag-ayos." sabi nya habang inaayos yung maleta.

Nakooo, malapit na kong mawalan ng respeto sa magaganda!

"But...Tita it's lunch time and hindi naman kami ininform nung Matt Jacob nayon na makikipagsapakan pala sya ede sana nakapunta agad kami" pilosopo kong sagot. Ngayon alam ko na kung san nagmana si Ashantee.

"Think Laviña! And what's the reason kung bakit nakipagsapakan yung Matt nayon?" Tanong nya sakin saka kinuha yung lotion. Pag naman sinabi kong si Ashantee masesermonan nanaman sya ni Tita aaaaa! Ano bang klaseng mga magulang to walang pakielam sa anak nila. Pag nag sinungaling naman ako magagalit sakin si Ashantee. Mas makakaya ko yung sermon ni Tita kesa sa sermon ni Ashantee pero...Putangnang yan!

"Dahil kay Ashantee Tita, gumawa ba naman kasi kayo ng anak na sobrang ganda kaya ayan pinagkakaguluhan ng madla" sabi ko sa kanya habang inaayos yung buhok dun sa harap ng salamin.

"See, pano sya magtatanda kung hindi mabibigayan ng leksyon"

"Nakoo Tita wala na kayong oras para manermon kase 4:50 na ohh ma late pa kayo sa flight nyo" palusot ko.

"Don't worry dear, Pwede pa kaming humabol" sagot nya sakin. Nga naman mayaman nga pala sila.

"Pero Tita..."

"No but's Laviña, sumunod ka sakin sa kwarto ni Ashantee" sagot sya saka naunang lumabas ng kwarto. Napaupo nalang ako sa sahig saka nagpapadyak!

"Laviña baka masira mo yung sahig ko dyan. Bumaba ka na dine at ipagtanggol mo yung kaibigan mo" sigaw nya sa baba habang tumatawa.

"AAAAAA, ang gaganda nyo nga ang lakas naman ng tama nyong lahat" sigaw ko saka tumayo at mabigat na lumabas sa kwarto ni Tita at pumunta dun sa kwarto ni Ashantee.

Nakabukas ng bahagya yung pinto at natutulog si Ashantee. Si Tita naman nililibot yung buong kwarto ni Ashantee saka tinitingnan yung mga damit. Oh diba! Tatlo lang makikita mong dress dyan! Ibang iba kase yang anak mo!

"Ashantee wake up" sigaw ni Tita saka niyugyog si Ashantee. Nakooo, baka masapak ka nyan Tita.

Napabalikwas nang tayo si Ashantee at mukhang inaasahan na nyang sesermonan sya ni Tita. Tumayo si Ashantee saka lumapit dun sa cabinet nya at sinuot yung salamin. Ayy bet ko yan! Ang cute mo dyan Queen.

"Need something Mommy?" taas kilay na tanong ni Ashantee saka nagmumog dun sa C.R nya.

"Ano nanamang kapalpakan yung ginawa mo kanina?" tanong ni Tita, mamaya na ko eeksena pag masyadong mabigat na yung mga binibitawang salita nila.

"Yon may nakipagsapakan dahil daw sakin tas hindi ko naawat kase kumakain ako, saka hindi naman ako magulang non kaya wala akong respobsibilidad sa kanya. At kung meron man ay yung dalhin lang sya sa guidance at wala nang iba." walang emosyong sabi nya.

Behind that Poker FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon