BTPF ( CHAPTER 5 )

5 0 0
                                    

John Pharohe's POV

Nasa unahan namin sila Laviña at Ashantee, mukhang nabwisit si Ashantee dun sa newbie.

"Pare" tawag sakin ni Kurt saka ako nilapitan.

Kelan pa kita naging pare?

"Oh?"

"Salamat nga pala!" ngiting usal nya.

"Para saan?" naguguluhang tanong ko

"Sa pagtulong mo samin. Alam mo ba kung gano kalaking tulong yung ginawa mo?, mapaparusahan kasi si Ashantee pag hindi na guide tong mga newbie"

"Ganto ba talaga dito? Isang maling kilos pananagutan ng President? Kase hindi ganito yung alam ko. Naging President din ako sa ibang school. Masaya, nagtutulungan at hindi President ang napapagalitan sa kung anong kabulastugan o pag may nabankanteng pwesto, basta alam nung Dean na responsable ka sa tungkulin mo! Sapat na sa Dein namin yon, ok lang sa kanya kung mag ka mali ka ng ilang beses kase sa bawat pagkakamali daw na yon mas matututo ka pang bumangon"

"De bumalik ka don"

"Bakit pa ko babalik don kung nandito na yung inspirasyon ko" ngiting usal ko saka tumingin kay Ashantee.

Tiningnan ako ng masama ni Kurt. Alam ko naman na may gusto sya kay Ashantee.

"Well, yung Dean dito gusto nya lahat Perpekto, maling kilos nung apo nya may parusang nakaabang na. Naalala ko dati pinaglinis nang Canteen non si Ashantee kahit may sakit sya. Gusto kong magreklamo pero pinigilan ako ni Laviña kase pagnagreklamo ako mas madadagdagan pa yung parusa nya." Usal nya habang tinitingnan sila Ashantee na nasa harapan namin.

"May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko na ikinagulat nya

"Huh? Yung totoo meron kaso ang torpe ko pag dating sa kanya. Natatakot akong ma reject kase sya yung kaunaunahang babaeng minahal ko kung pwede nga lang hanggang dulo kaso hindi ko hawak si kupido" malungkot na usal nya

"Pano mo nasabing may gusto ko na sa kanya?" Tanong ko

"Haha! Hindi pa ba halata!?" Natatawang tanong nya.

"Halata naman kaso hindi pagmamahal yung nakikita ko sayo! Awa! Awa ang nakikita ko" titig kong usal sa kanya.

Tiningnan nya ko ng masama saka bumuntong hininga

"Naawa ako sa kanya kase mahal ko sya, naawa ako sa kanya kase ayokong nahihirapan sya." Usal nya

"Panong walang gusto eh kung ilayo ka kay John kanina akala mo namang may kayo, saka yung yung mga mata nya kumikislap kapag nakatingin sya sayo!" sigaw ni Laviña

Napalingon kami ni Kurt sa kanila. Pinanlakihan ng mata ni Ashantee si Laviña, ang kyut nya

"Pre ano sa tingin mo yung pinag-uusapan nila?" tanong sakin ni Kurt

"Sabi ni Ashantee bakit daw ang gwapo ko, sabi naman ni Laviña ang pangit mo" pang-aasar ko sa kanya. Sinuntok nya ng mahina yung balikat ko.

"Ang kwela mo! Ano friends na tayo?" tanong nya sakin.

Ngumiti ako saka sya inakbayan. "Bakit hindi basta kaibigan din natin yung dalawa" turo ko kay Ashantee at Laviña

"Wag na kaya si Laviña?HAHA!" suhestiyon nya.

"Loko! Ayos naman  si Laviña ah!"

"Maingay yan, hindi mabubuo araw nyan hanggat hindi nya naikukwento buong talambuhay ng mga ninuno nya!Haha!"

"Pano naman si Ashantee? Tahimik, de boring kasama? Diba mas maayos pag silang dalawa!" pilit ko.

"Tara na nga! Makikipagkaibigan pa tayo sa kanila!" aya nya sakin kila Ashantee.

Nasa Pavillion sila Ashantee habang hinihintay yung mga newbie. Yung iba nakabalik na yung iba naman nasa loob pa ng canteen, sinusulit ata yung libre!

"Ashantee, Meet my new friend, John Pharohe Montemayor." pakilala sakin ni Kurt kay Ashantee.

"Hii, friend of kurt! Nice to meet you again" bati ni Ashantee sakin.

"Ayos! Magkaibigan na kayo, sali nyo naman kami dyan!, alam mo ba John sabi nila the more the merrier daw kaya kailangan friends mo din kami ni Ashantee!" pangungulit sakin ni Laviña habang niyuyugyog yung mga braso ko.

"Kaya nga kami nagpunta dito kase gusto din namin kayong maging kaibigan, mukhang ayos naman kay Laviña eh, sayo ba Ashantee?" Tanong ni Kurt

"Ahm, ayoko........"

"Ano? Ashantee naman ehh! Diba yun yung gusto mo! Magkaron ng boybestfriend kase sila yung magtatanggol satin! Huhuhuhu" pigil ni Laviña sa sasabihin ni Ashantee.

"Putarages ka! Tapos na ba ko ha, pinangunahan mo naman ako!" asar na sabi ni Ashantee.

Ang cool nyang magalit!

"Pumapayag ka?" namamanghang tanong ni laviña

"Ayokong sabihing hindi kaso sa isang kondisyon!" taas babang kilay na sabi nya samin ni Kurt.

"Ano naman yon?" sabay na tanong namin

"Magdadala kayo ng breakfast every morning" ngiting usal nya.

"Ako man ah! Dapat pagdalhan nyo! Hindi porkte mas maganda sya, sya lang pagdadalan nyo! Unfair ha!" Nakangusong sita samin ni Laviña. Ang ingay talaga nya

"Oo basta magkakaibigan na tayong apat ah" sabi ko sa kanila.

"Ow yeah, ow yeah!" kanta ni Laviña

"Fine, whatever" pokerface na sang-ayon nya.

"Hi prenny" bakla baklaan ni Kurt na nagpangiti kay Ashantee.

Sana napapangiti din kita,katulad nung ginagawa nya

"Ahm, alam mo Kurt bagay sayo! Wait..." kuha ni Laviña sa headband ni Ashantee saka sa headband nya "Eto oh suotin nyong dalawa! Wag kayong ano dyan ahh, regalo samin yan nung mommy ni Ashantee" pagpapasuot nya samin.

"Oh, bat nadamay ako dyan?"

"Bestfriend nga diba?" anang ni Ashantee.

"Akala nyo kayo lang ahh! Eto oh!" sabi ni Kurt saka nilabas yung dalawang cotton na Nike na headband, panglalaki yung headband nayan. "Suotin nyo din yan ahh! Ibibigay ko sana kay John yan kaso suotin nyo muna, Haha!" ganti ni Kurt.

"Okay" agaw ni Ashnatee dun sa Nike na hawak ni Kurt saka nya sinuot.

Ang ganda nya! Aaaaaaaaa!

"Ang ganda mo Queen"

"Salamat,oh eto daw yung sayo!" turo nya dun sa headband saka nya sinuot kay Laviña.

"Ang sweet naman ng Bestfriend ko" maluha luhang sabi ni Laviña.

*Ehem*

"Bestfriend mo lang? Ha! Ikaw lang bestfriend ha!" angil ni Kurt.

"Ako kaya yung Bestfriend nya! Kayo Friend palang!" belat sa kanya ni Laviña.

"Hep, hep, hep tama nayan! sa room nyo na pag-usapan yan. Laviña ikaw nalang mag guide sa kanila, dito lang ako sa likod mo" utos ni Ashantee

"Hooray! Ang galing mo Queen ako nanaman papahirapan mo" mapaklang sang-ayon ni Laviña.

Nakakatuwa silang dalawa

"Diba BESTFRIEND ka kaya gawin mo kung anong gusto nya" belat ni Kurt.

"Sabi ko BESTFRIEND hindi Maid. Saka alam kong pagod na yan noh! Kaya ako nalang mag ga guide at sasamahan nyo kong dalawa!" suhestiyon nya, na nagpakunot ng noo namin ni Kurt

"Anooooo? Bakit kasama kami!?" tanong ko sa kanya.

"Diba Friend ka?" pagtataray sakin ni Laviña.

"Fine"

"Whatever"
sabay na sabi namin ni Kurt.

Behind that Poker FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon