BTPF ( CHAPTER 8 )

7 0 0
                                    

"Oh ikaw John galaw galaw din baka anayin! Charot! Ang cute mo pala noh!" titig na usal sa akin ni Laviña.

"Anong cute dyan? Mas cute pa ko dyan eh!" sita ni Kurt samin.

"Nakoo! Ikaw cute? Saang banda? Sa pwet?" namumungalang sita sa kanya ni Laviña.

Si Ashantee naman busy sa pagkain ng cake nya.

"Ang ingay nyo!" sita ni Ashantee.

"Mas mainam nang maingay kesa naman parang namatayan! Alam mo Queen sakin ka laging didikit ah para mag-improve yang kaingayan mo kesa naman sa isa dyan maingay na nga kung ano ano pang kabulastugan ang ginagawa!" pagpaparinig ni Laviña kay  Kurt.

"Mas mainam na samin sya laging didikit ni John para hindi mahawa sa kaartehan mo!" nakadilang asar ni Kurt.

"Nasan ang kaartehan don ha! Alam mo ikaw ang epal mo! Hindi porket gwapo ka eh hindi na kita sasagut sagutin!" nakataas na kilay na sita ni Laviña sa kanya.

"Punyemas naman nayan!" sita ni Ashantee saka tumayo at tiningnan sila ng masama. Natahimik naman si Kurt at Laviña sa pag-aaway.

"Ang ingay ingay nyo, nakakarindi kayo! Para kayong aso't pusang nagpapagalingan!" asik ni Ashantee sa kanila.

"Eto kase!" sabay na turo ni Laviña at Kurt sa isa't isa. Napakamot nalang nang ulo si Ashantee saka umupo ulit.

"Nakakaasar" bulong ni Ashantee saka ako tiningnan.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Yup, ayos lang ako. Nakakarindi lang yang dalawa" kalmadong sagot nya.

"Do you want tea or me?" pang-aasar ko sa kanya saka sya pailalim na tumingin sakin at bahagyang ngumiti.

"Alam mo! isa ka pa! saka anong connect non sa tanong mo na ayos lang ba ko?" naasar na tanong nya sakin.

"Do you want tea or me?" pabulong na usal ni Laviña.

Sinipa naman ni Kurt yung paa ko sa ilalim ng lamesa. Tiningnan ko sya ng nakakunot ang noo pero tiningnan nya lang ako ng masama. HAHA!

( Selos ka Kurtong? )

"Ikaw Kurt do you want mega sapak or me?" nang-aasar na baling ni Laviña kay Kurt. Tiningnan naman ni Kurt yung reaksyon ni Ashantee pero nakatingin lang to sa kanila.

"Tapos na ba kayo sa paglalandian nyo?" tanong ni Ashantee.

"Anoooo? Asan ang paglalandian don? Ang sabihin mo nagseselos ka lang!" tumatawang asar ni Laviña.

"Bakit naman sya magseselos? Unless may gusto sya sakin!" asar ni Kurt.

"Hep,tama na yan! Baka makasapak na yan" awat ko sa kanila.

"Nako John sinabi mo pa! Nung 2nd year high school kami may lumapit na manliligaw sa kanya aba alam mo kung anong ginawa! sinapak nyang babaeng yan, kaya napatawag sya ng lolo nya sa office"

"Sino naman yung nanliligaw sa kanya?" tanong ko.

"Edi yung Matt Jacob Villa Vid, alam mo John ang taas ng standards nyan sa lalaki gusto nya mala fictional character eh hindi naman nag e-exist dito sa mundo natin yon. Minsan naabutan ko yan umiiyak kase namatay yung bida dun sa kwentong binabasa nya! Like duh!" asar na baling ni Laviña kay Ashantee.

"Well, Imagination is better than reality. If you love someone who only exist in your imagination you'll never get hurt, siguro masasaktan ka kase hindi sila totoo pero hindi naman ibig sabihin non sa kanila na umiikot yung mundo mo. Yung totoo mas nakaka attract pa yung mga karakter sa libro kesa sa mga lalaki dito, kung bakit ako nahulog sa kanila isa lang ibig sabihin non kase gusto kong maramdaman yung pagmamahal na ibinibigay nila sa ka partner nila. If you leave him, he will never get tired of waiting you because he knows that your worth it to fight for" mahabang lintaya nya.

"Alam mo Queen, ang hirap ng sitwasyon mo kase yung taong mahal mo nasa libro." tatango tangong sabi ni Laviña.

"Saka...meron din naman sigurong ganon dito sa mundo natin. If you love someone you don't need to find his best try to find the worst of him and think if you still loved him." sabi ko.

"Oh, ano Kurtong walang ma say? Wala ka kasing alam dyan!" asik ni Laviña.

"Ano ba! Ashantee tapos na yung lunch break baka hinahanap na tayo don" pag-iiba ni Kurt sa usapan.

"Tara na nga Queen at nauumay na si Kurtong"

"Tara na"

Naunang lumabas ng Cafeteria sila Ashantee at Laviña. Nasa gilid ko naman si Kurt.

"Pre, turuan mo nga ako sa love love love na yan!" nakakunot na noong sabi ni Kurt.

"Hahaha! So wala ka ngang alam sa love?" tanong ko sa kanya saka sya tumango.

"Magbasa ka ng wattpad at don mo malalaman kung ano yung love na sinasabi namin" sagot ko sa kanya.

"Pre, wattpad reader ka din?" tanong nya sakin.

"Not just reader, Im writer too" sagot ko saka sya iniwan at tumabi kay Ashantee sa paglalakad.

Naging tahimik yung paglalakad namin hanggang makarating kami sa Room. Naabutan naming tahimik yung mga kaklase namin at mukhang balisa sila.

"May problema ba?" tanong ko sa kanila pero ni isa sa kanila walang nag-abalang sumagot.

"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Ashantee.

"Nakipag-away sa Matt Jacob dun sa newbie and hinahanap ka nang Dean kase ikaw yung responsable umayos sa gulong yon pero yung Dean pa yung mismong umawat sa kanila" sagot sa kanya nung kaklase namin ng biglang

*BOoOOoM"

Behind that Poker FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon