BTPF ( CHAPTER 10 )

9 0 0
                                    

John Pharohe's POV

Pag-alis nila Ashantee sumakay na din ako sa kotse ko. Dadaan pa ko sa Bakery shop at dun sa tindahan ng ice cream para bumili nang pasalubong dun sa kapatid kong babae.

*TOK* *TOK*
( tunog ng binatana yan wag kang ano )

Binuksan ko yung binatana nang kotse ko at tumambad sakin si Kurt.

"Bakit?"

"John san ba may tindang wattpad books?" tanong nya sakin saka ako bahagyang natawa. " Wag mo nga akong tawanan! Kung hindi dahil kay Ashantee hindi ako magbabasa nang aklat nayon" sita nya sakin.

"Meron sa National Bookstore non! Pabili na din" sabi ko sa kanya saka pinaandar yung kotse ko.

Dumaan ako sa Bakery shop, bumili ko nang Cake at Ice cream para kay Penelope. Hindi ko maiwasang isipin lahat ng nangyari ngayon, pati yung pag-iyak ni Ashantee at yung pagbagsak namin sa sahig. Pag dating ko sa bahay sinalubong agad ako ni Penelope, she's so cute.

"Uwa, pasalubong?" nakangiting tanong nya sakin. Nginitian ko sya saka inabot yung dala kong pasalubong.

"Nasan si Mama?" tanong ko sa kanya.

"Dun,handa mernda" turo nya dun sa kitchen, bulol syang magsalita nang tagalog pero pag english mas straight pa rebonded na buhok.

Pumunta ko dun sa kitchen at nakita kong naghahanda si Mama nang sandwich. Nilapitan ko sya saka humalik sa pisngi nya.

"Oh,nandyan ka na pala. Umupo kana dyan sa lamesa at mag meryenda" utos nya sakin saka ako umupo. Nilatag ni Mama yung sandwich saka yung cake and ice cream na binili ko. Umupo naman si Penelope dun sa tabing upuan ko saka hinampas yung hita ko at tumawa nang malakas.

"Penelope? Bad yon! Wag mong hinahampas si Kuya mo" saway ni Mama.

"Eomma, bait aman uwa aya ayows lang" tumatawang sagot nya kay Mama.

"Ikaw talagang bata ka! Ang daldal daldal mo! Kumain ka na lang nang cake na dala nang kuya mo at mag-aaral ka pang magsulat!" utos sa kanya ni Mama saka sya hinainan nang cake sa harapan nya.

"Oh ikaw John bakit nakapang P.E ka? Hindi ba't lunes palang ngayon at first day of school pa?" naguguluhang tanong sakin ni Mama. Napakamot ako ng ulo saka lumihis ng tingin sa kanya.

"Eh, ano kasi Ma nabasa ako nang ulan" pagsasabi ko nang totoo.

"Panong nabasa nang ulan eh may silong naman ah! Ikaw talagang bata ka,pag ikaw nagkasakit bahala ka sa buhay mo"

"Ikaw pa Ma! Hindi mo naman ako matitiis!" nakangiting sagot ko.

"Hay nako! Bakit ka nabasa nang ulan? Hindi ba't may klase kayo?" tanong ulit nya.

"Mama kase ano...si Ashantee kasi nagpunta ng rooftop umiiyak tas sinundan ko de pareho kmaing nabasa" paliwanag ko.

"Ayy,pang kdrama ahh!" tumatawang ani nya. " Pero bakit umiiyak yung Ashantee?" tanong nya saka ako natawa.

"Mamaaaaaa!" awat ko sa kanya.

"Ikaw ahh! Sino yung Ashantee na yon? Maganda ba? Mabait ba?" tanong nya sakin habang dinudutdot kung tagiliran ko,nakigaya na din si Penelope at dinutdot din yung kabilang tagiliran ko

"Mama, pano ko magkukwento kung ginaganyan nyo ko?" tanong ko sa kanila saka sila lubayan sa pagdutdot nang tagiliran ko.

"Maganda sya, mabait din naman, kaso Ma ang tahimik nya. Hindi sya nagpapakita ng expression sa kahit na sino, yung Poker Face ba kumbaga" paliwanag ko saka tumaas yung kilay nya at natawa.

"Poker face? May kilala din akong ganyan, she's so beautiful like me. She's my bestfriend for almost 20 year's kaso nag punta sila ng state at wala na kong alam kung anong ganap sa buhay nya." ngising sagot ni Mama saka kami natawa ni Penelope.

"Not just like you Eomma! Me too" sagot ni Penelope. " How about you uwa? You're not beautiful? Aww su sad" iiling iling na tanong nya sakin.

"Im not beautiful! Im handsome okay" turo ko sa kanya.

"What's handsome uwa? I heard my classmate says handsome-ma ng face?" sagot nya saka natawa si Mama.

"Hey, that's bad okay, handsome means pogi or gwapo so you should called me handsome brother" turo ko sa kanya saka hinampas ni Mama yung kamay ko.

"Ikaw talaga tinuturuan mo nanaman ng kalokohan yung kapatid mo" saway sakin ni Mama.

"Mama, kelan pa naging kalokohan ang pagsasabi ng totoo? Alam mo naman Mama na kamukha ko si Papa kaya gwapo ako" tatawa tawang sagot ko sa kanya.

"Handsome brother can you teach how to doggie?" tanong nya sakin saka kami nabulunan ni Mama. Kumuha agad ako nang inumin saka binigay kay mama.

"San mo narinig yon Penelope?" galit na tanong sa kanya ni Mama.

"Eomma, im just scrolling my playlist then I opened a song then I heard Teach me how to doggie" paliwang nya samin ni Mama saka kami tumango. Kala ko naman kung ano sinasabi nya.

"Ahh,you want me to teach you how to dance teach me how to doggie? I can help you little sis, Im professional dancer" taas noong sabi ko sa kanya.

"Oww, I thought that you only know how to dance and I never though that your already a proffesional dancer" namumungalang sabi nya.

"Ikaw bata ka! Ang daldal daldal mo! Kala mong singkwenta ka na kung magsalita! Manang mana ka sakin" tumatawang sabi ni Mama saka kumunot yung noo ni Penelope.

"Eomma, kay Papa ako amana!" kontra ni Penelope.

Tumayo ako saka nagpaalam na aakyat muna ko sa kwarto at magpapahinga. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at inisip lahat ng nangyari ngayon. Hindi kaya sya magkakasakit? Baka sumakit yung ulo nya. Okay lang kaya sya? Baka umiiyak sya ngayon? Ayain ko kaya silang lumabas? Naibigay naman sakin ni Laviña yung No. nila Kurt at Ashantee. Aaaaaa! Do I care?

Tumayo ako sa pagkakahiga ng sumakit yung ulo ko kaya inalog alog ko. Hinubad ko yung sapatos ko saka nagpalit nang pangbahay. Kinuha ko yung eye glassess ko saka yung Diary na nakalagay sa cabinet ko.

Behind that Poker FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon