BTPF ( CHAPTER 12 )

2 0 0
                                    

"Ano Boss saktan na ba namin?" tanong nung lalaking malaki yung katawan.

"Nangangati na yung kamay ko Boss" sabi nung isang pangit na kasama nya.

Bakit hindi mo subukang kamutin?

"Well, napikon ako ng reyna ko eh. Alam mo Ashantee hindi ka naman masasaktan kung sasagutin mo ko, kaya kung ako sayo um-oo ka nalang para wala ng away" suhestiyon ni Matt saka sya dinuran ni Queen sa mukha.

HAHA! ang saya saya.

"Damn It!" sigaw ni Matt saka mas hinigpitan yung sabunot sa buhok ni Queen.

Anong gagawin ko? Tatawag na ba ko ng pulis, bumbero, sundalo, life guard o baka naman si spiderman, wonder woman, batman, bahala na bugbugan na lang.

"Bakit ko naman sasagutin yung taong hindi ko naman mahal?" mataray na sabi ni Queen pero mababakas mo sa mga mata nya yung takot!.

"Kase sabi ko! Saka ano ba yang nasa ulo mo, hindi bat pang lalaki yan?" galit na tanong ni Matt saka tumingin sakin. Niaano kita? " Tomboy ba kayong dalawa?" tumatawang sabi ni Matt habang tinitingnan kaming dalawa.

"Kung sasabihin kong oo titigilan mo na ba ko?" tanong ni Queen.

"Hindi pa din, pwede naman kitang  diretsohin" ngising sagot ni Matt.

"Mandiri ka nga!" sigaw ni Queen. "  Bitawan mo na nga ako! May pupuntahan pa ko" pilit kawalang sabi ni Queen.

"Hoy Matt na mukhang engkanto sino tomboy huh! Saka pwede ba! Bitiwan mo na si Queen, akala ko ba mahal mo yan eh bakit sabusabunot mo?" tanong ko sa kanya saka nya unti unting binitawan yung buhok ni Queen.

"Oh boss may kasama pala yang Queen mo? Ano to alalay?" tumatawang insulto sakin nung pangit na Lalaki.

"Tarages ka! Kina gwapo mo yon? Kung ako mukhang alalay ano ka pulubi? Saka hindi ka ba nag-iisip, yang si Matt susundin nyo? Like duh!" mataray na sabi ko dun sa pangit.

"Manahimik ka dyan kung hindi susupalpal ko sayo tong kahoy na hawak ko" galit na sabi nung pangit sakin.

"Umalis na kayo" mahinahong utos ni Queen.

Nakatingin sya sakin na para bang may inuutos o sinasabi. Tangna Queen alam mo namang mahina ako sa mga ganyan bakit hindi mo subukang ilakas!.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama" sigaw sa kanya ni Matt kaya napayuko si Queen.

Puta, nasan na ba yung guard nila? Pala gala din yung guard na yon ahh! Laviña mag-isip ka, sino ba pwedeng hingan nang tulong. Putaaa.

"Kahit patayin mo ko hindi ako sasama sa isang engkantong tulad mo" sigaw sa kanya ni Queen na nagpatawa dun sa dalawang pangit na kasama ni Matt.

"Manahimik kayo dyan" galit na suway sa kanila ni Matt. "At ikaw naman Ashantee, baka hindi mo alam na maraming nagkakagusto sakin. Saka etong mukhang to, mukhang engkanto? Saan banda?" tumatawang tanong ni Matt.

"May itsura ka naman, saka ano yung sinasabi mong madaming nagkakagustong babae sayo eh hindi ba't puro kaladkarin yung tinitira mo?" ngising sigaw ni Queen.

Boom buking!

Namula yung mukha ni Matt sa galit, tarages pag yan nag transform into barakuda bahala ka Queen iiwan kita.
Sinabunutan ulit ni Matt si Queen at sinuntok nya ng malakas yung pader na nasa gilid ni Queen.

"Ahhhh" sigaw ko.

"Wag ka ngang maingay" saway sakin ni Queen. Sinong hindi mag-iingay ehh baka banatan ka na nyan.

"Wag mo nga akong pag bawalan" sita ko sa kanya.

"Manahimik ka dyan baka madagukan kita" pananakot sakin ni Queen.

"Bakit ako yung inaaway mo eh hindi naman ako yung nanabunot sayo, bakit hindi mo awayin yang engkantong yan kase yan yung nanabunot sayo" sita ko sa kanya saka tinuro si Matt.

"Manahimik ka nga dyan" sita sakin ni Matt at akmang lalapitan ako nang tuhurin ni Queen yung balls nya! HAHA!.

Namilipit sya sa sakit at napaupo sa sahig. Nilapitan nung dalawang pangit si Queen at hinawakan sa magkabilang kamay. Hindi naman pumalag si Queen kase mukhang may laban naman sya. Wag kang ano dyan! Tinuruan kami ng Lolo nyang mag martial arts!

Tumayo si Matt saka sinampal ng malakas si Queen at bumagsak sya sa sahig. Nag kandaugaga naman ako't nag hahanap ng solusyon kung pano kami makakalis dito ni Queen. May nakapa akong matigas dun sa bulsa ko, kinuha ko ito at... ang tanga mo talaga Laviña! Bakit hindi mo naiisip na tawagan si Knight and shining armor ni Wonder Bestfriend mo.

Nanginginig kong hinanap sa contacts yung No. ni Kurt puta ano ba dito yon? Ito bang 090576 o yung 091994? Bahala na nga! Nakapikit kong pinindot yung No. na 091994. Ito sana yung No. ni Kurt. Tatlong beses na nag ring yung cellphone bago sagutin.

"Ahm, hello Kurt" mahinang sabi ko.

"Laviña? Si John to, napatawag ka?" tanong nya sakin.

"John tulong,kailangan namin ng tulong, tulungan mo si Queen. Sinugod kami nila Matt dito sa Mansion nila..." hindi ko naituloy yung sasabihin ko nang hitakin sakin nung pangit yung cellphone ko at pinatay yung tawag.

"Aba, talagang matapang ka noh! Boss ano ba pwedeng gawin dito sa bungangerang to?" tanong ni pangit saka binato sa malayo yung phone ko.

"Fvck you! Alam mo bang mas mahal pa sa buhay mo yon? Alam mo bang nandon yung picture ni Kookie? Susumbong kita sa Daddy ko." pananakot ko sa kanya saka sya natawa.

"Samahan pa kita?" nakadilang sabi nung pangit. Mukha kang manyak ulul.

"Tara" aya ko sa kanya saka sya hinitak. Wag ako huh!.

"Nababaliw ka ba?" galit na sita sakin nung pangit.

"Oh, akala ko ba sasamahan mo ko tapos ngayon pag sasabihan mo pa kong baliw! Like duh" sita ko sa kanya.

Behind that Poker FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon