Nashagi 20

124 14 6
                                    


Napein Dhot POV

Ngayon na ang araw ng field trip namen sa engchanted kingdom gusto sana sumama ni marienelie pero hindi pwede dahil hindi naman sya nagtratrabaho sa Sagi Milktea.

Pero may isa akong kinaiinisan nagtanong ako sa isang staff ng Sagi Milktea bawal raw sumama ang outsider pero ang ex ko ay pwede wews mas malabura pa saken ang staff nila.

Mamaya ko na din makikita ang sulat ni papi kibby gulaman sa Gemmy world kahapon kase sila pumunta ng engchanted kingdom.

Muntik na nga raw syang mahulog sa ferris wheel pero nahulog daw sya sakin. Dahil dun ay kinilig ako ng bongga pero mas kinilig si Jonel ng ikwento ko sakanya ito.

"Bakla palit tayo hindi ako sanay sa masyadong malamig sinisipon ako" arti ni baklang jonel

"Edi galawin mo yung aircon" sabi ko sakanya.

Andito kase kami ngayon sa bus lahat ng sagi milktea ay andito kahit kaming dalawa lang ni jonel ang nalabas sa characters wews.

"Bruha ka talaga eh ayaw nga magalaw ng airc--" di na naituloy ni jonel ang kanya sinabi ng may biglang umepal na nakikipaghalikan sa babae 5 years ago na nakakalipas whaaAat my english skills.

"Palit nalang tayo ng upuan" sabi ng ex kong si kherbin na parang nagtatanong pa kung anong pangalan ni jonel

"Ah jonel papi" pacute na sabi ni jonel

"Sino ba kaybigan mo?" pabulong na sabi ko kay jonel pero ang jonel ay nasilaw sa kagwapuhan ng aking ex na nakikipaghalikan 5 years ago na nakakalipas wews.

Ago tas nakalipas¿?

Kinurot ko si jonel pero di sya tumingin sakin at tumayo lang sya at mabilis na nakipagpalit sa pwesto ni kherbin na nakita kong nakikipaghalikan 5 years ago nakakalipas.

Naramdaman ko naman na umupo si kherbin sa tabi ko hindi ko sya pinansin at tumingin lang sa bintana katulad ng pagtingin ko sakanya 5 years ago na nakalipas.

Makalipas ang ilang oras ay napagtanto kong wala ang aking boss na sa tingin ko nga ay mabaho ang hininga. kaya nga ko sumama dito para makita ang boss ko pero ang nakita ko ay ang ex kong nakita ko na nakikipaghalikan 5 years ago na nakalipas.

"Sino hinahanap mo?" malambing na sabi ni kherbin wews sino nagsabing malambing?

"Pake mo" sabi ko sakanya at nilabas ang aking cellphone na may finger print sa paa ko.

Binuksan ko ang aking cellphone at chinat si kibby shagi ng otw nako sa engchanted kingdom katabi ko ex ko.

Pagkasend ko nun ay bigla naman tumunog ang cellphone ni kherbin na nakita kong nakikipaghalikan 5 years ago nakalipas.

Na sa tingin ko ay si Tina Maan nanaman ang nagtext. Kawawang Tina Maam bat hindi sya kasama sa sagi milktea hindi rin ba sya pinayagan katulad ng kay marienelie na outsider or no pets allowed  kaya di sya pwede. 

Dami dami ko na iniisip dumagdag pa sya.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nagtatype si kherbin sa kanyang tina maan no pets allowed siguro ang sinabi nya.

Nagvibrated naman ang aking cellphone yun pala ay nagchat na si kibby Gulaman na pafall.

"Magseselos na ba ko?" chat ni kibby gulaman sakin kaya napairap ako sa aking cellphone.

"Oo gwapo ang ex ko eh kaya kung gusto mo maging ex ko dapat gwapo ka" reply ko sakanya.

"Kahit hindi ako ex mo gwapo ako" reply nya. Nakita ko naman na busy na busy si kherbin sa kanyang telepono na parang wala syang katabing dyosa na ex nya na iniwan nya.

"Pero ayoko na ng gwapo ang lalakas nyong manloko ng babae palibasa gwapo kayo madali nyong mapapasagot ang mga marurupok na babae" Bato ko kay kibby.

Tumunog nanaman ang cellphone ni kherbin wews bakit ba ayaw nya isilent yun di nya ba napapansin na nakakaistorbo sya ng katabi nyang iniwan nya.

"Nakakainis ang ex ko ayaw isilent ang cellphone" Reply ko pa kay kibby at kasabay nun ang pagtunog nanaman ng cellphone ni kherbin kaya napatingin na ko sakanya.

At napatingin rin sya sakin kaya umiwas ako syempre baka mafall ako ulit pogi pa naman si kherbin joke aanhin mo ang pogi kung tawa nya naman sa chat ay haha.

"Ah baliktad yung cellphone mo" sabat ni kherbin sabay turo sa cellphone ko na nakabaliktad nga

"Pake mo" sabi ko nanaman sakanya pakeelam nya kung baliktad cellphone ko.

Ako ba nangeelam nung may kahalikan syang babae 5 years ago na ang nakakalipas?

"hmm about bulanglang" sumeryoso naman ako ng binggit nya ang pusa kong di ko nakikita 5 years ago na ang nakakalipas.

"Dadalin ko nalang sya sa Sagi Milktea pag nasa kundisyon na si bulanglang minsan kase ay tinotopak sya ayaw nya magpakarga gusto nya lang palagi sa kisame magpirme kase madami daw daga" mahabang sabi nya pero ang hininga nya lang ang naintindihan ko.

Tumungo tungo lang ako para hindi nya ko mahalata.

"Ipagpapaalam ko muna sa boss ko kung pwede ang Pusa sa Shop" sabi ko pero bigla ring napaisip na baka pwede ang pets dahil si tina maan ay nakapasok dun ng wala humaharang.

"Pwede naman siguro" sabi nya

"Be a man wag kang baka siguro sa mga salitang siguro dahil kahit promise ngayon ay nabrebreak" biglang sabi ko kahit wala naman talaga connect yun sa sinabi nya.

"Im man now" kunot noong sabi nya kaya nanggigil ako. Kapal

"To the man who broke womens heart is not a man because a real man cherish his girl or maybe his promise" Sabi ko sabay baba ng engchanted kingdom buti nalang at sakto ang pagdradrama ko kung hindi ay lagot ako dahil wala naman connect ang pinagsasabi ko kay kherbin kay bulanglang.

Sorry! Nashagi! (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon