Napein Dhot POV
Andito kame ngayon ni jonel sa bar ewan ko nga eh bigla bigla nalang nagyaya yung sagi milktea. Pero okay narin yun libre naman eh. Abay sinong siraulo ang tatanggi sa libre??
Naalala ko tuloy nung highschool life ko di ako sasama sa nagpapasa sakin sa canteen hanggat wala yung magic word na "Libre kita"
"Jonel" tawag ko sakanya sabay kalabit sa braso nya.
Agad nyang hinampas ang kamay ko na nangalabit sakanya sabay tingin ng masama sakin.
"Ano nanaman ba yun maria. Nangiistorbo ka nanaman tignan mo ng may kausap ako dito eh" tukoy nya sa mga lalaking kausap nya.
"Yuck" Sabi ko na aaktong nasusuka sa pinaggagawa nya.
"Ano bayun dont tell me inistorbo mo ko para lang sabihing yuck ako chochorbahin talaga kitang haliparot ka" sabi nya sabay sulyap dun sa mga kausap nya kanina na mukha namang paa.
"Peram ako ng jacket nilalamig nako" sabi ko na ako na mismo nagtanggal sa katawan nya.
"Ano bayan! Ano bayan, ako na magtatanggal. Big yuck sa maria pangalan pero balahura naman." sabi nya na mabilis hinubad yung jacket nya. "Suot suot ng ganyan di naman pala kaya" dagdag nya pa sa sinabi nya sabay bato sakin ng jacket.
"Eh siraulo ka pala eh ikaw tong nagpasuot suot neto sakin tas magrerekla---" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na syang dumiretsyo dun sa mga lalaking kausap nya kanina.
Umirap nalang ako sa hangin akmang susuotin ko na ng biglang may humablot ng jacket sa kamay ko.
Sisigaw na dapat ako dahil lamig na lamig nako ng biglang nakita kong si kherbin yun. Hinagis nya kay jonel ang jacket. Nakita ko naman na umirap sakin ang baklang si jonel.
at nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni kherbin.
"Wag kana maghiram ng jacket" bulong nya sakin na nagpagulat sakin.
"Kung pwede naman kitang yakapin" tugtong nya sa sinabi nya na mas lalong nagpagulat sakin.
"Ano ba! Ano ba" sabi ko ng makarecover sa amoy ni kherbin na nakipaghalik 5 years ago nakalipas.
Abay wag tayong marupok ang ex ay ex alalahanin naten yung sakit na pinaramdam nya saten joke ano ba!
"Naiinis ako kay chade" bulong sakin ni kherbin at di parin inaalis pag pagkakayakap sakin.
"Mas nakakainis ako at titirisin kita pag di mo pa tinggal yang kamay mo" pinalo ko pa yung kamay nya.
Kasalanan to ni jonel eh kung di nya ko pinagsuot ng ganito di ako lalamigin.
"Magagalit sana ko kase ganyan suot mo kaya lang naisip ko bat ako matatakot kung pwede ko naman sila tanggalin sa trabaho" bulong nya ulit
Solo kase namen yung bar bale lahat ng sagi company andito ewan ko nga bat andito nanaman itong si kherbin eh di naman sya nagtratrabaho dito.
"Bitawan mo na nga ko!" sabi ko at pilit tinatanggal ang pagkakayakap nya sakin.
Akala ko ay di nya bibitawan dahil ayun ang mga nababasa ko sa wattpad nung highschool life ko pero binitawan nya ako
"Wag kasing pilitin ang ayaw"
Agad naman ako napalingod sa nagsalita sa gilid si chade na hawak ang kamay ni kherbin.
Humarap ako sakanila at nahagip ng mata ko si jonel na inirapan ako. Di ko na pinansin si jonel at tinignan nalang ang dalawang magkahawak kamay.
Inalis ni kherbin ang kamay ni chade sa kamay nya at tinignan si chade ng thats my lines dude ill punch you.
"Hello" Agaw atensyon ng lalaki sa stage kaya napatingin kaming lahat sakanya.
"Wala akong masabi kung di lang ako bayad di ko gagawin to" Sabi pa nya kaya natawa ang mga nasa gilid.
Napatingin naman ako sa dalawa at si chade nalang ang nasa tabi ko. Nginitian nya naman ako kaya ngumiti rin ako sakanya wews
"Bango hininga mo ah" pangaasar ko sakanya kaya natawa sya.
"Ladies and gentlemen the number one boss shadows curious sagi company" sabi pa ng lalaki kaya napatingin ako "Kherbin Nashagi"
"Sorry Sir ang panget ko magemcee" Sabi pa ng lalaki na kung di ako nagkakamali ay sya yung lalaking binubulungan nung interview ko.
"Its okay pano sinanay kita laging nakatago" sabi pa nya sabay titig sakin.
"Okay lang sir basta feelings mo sakanya wag mo itago hakhunghang" banat pa ng emcee ni kherbin.
"Im so proud kherbin" sabi sa speaker kaya agad kong hinanap kung sino ang nagsalita
Si Tina Maan kasama ang mama ni kherbin.
"Sya ba yung girlfriend? "
"Torpe pala si sir"
"Oo kaya nga nagtatago eh shunga"
"Sweet naman"
"Ang cute parang nurse pa yung girlfriend"
"Buti nalang pinilit mo ko sumama ang pogi ng boss naten"
Gusto kong sabihin sa nagchichismisan na pogi nga nanghahalik naman ng ibang babae.
Baka eto na yung ganti ni kherbin kase nagpanggap ako na ibang tao date.
Di ko na napakinggan ang side comments nila ng hilahin ako ni chade. Dinala ako ni chade sa simenteryo di ko alam basta namalayan ko nanaman andito nako.
"Hay lolo etong apo nyo nagback to zero nanaman ata sa ex nya" kwento nya sa puntod ni lolo.
"Sya naman po ang tusukin nyo sa mata para matauhan ang maharot nyong apo" sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Ang kulit naman kase ng apo nyo eh sabi ko ako nalang ayaw" Sabi nya sabay tawa.
Niyakap ko si chade kasalanan ko ba na second lead lang si chade edi sana sya nalang ewan tignan nyo nalang yung flow ng story malay nyo si chade talaga makatuluyan ko.
Humiwalay ako sa yakapan namen ni chade at pinunasan ko sya ng kulangot at natawa naman sya dahil dun kaya natawa kame pareho sa kalokohan ko.
"Tignan nyo na ang apo nyo ay lumaking dugyutin pero kahit ganyan yan mahal ko yan kahit nakita ko na mga kadugyutan mga kababuyan pati ata features ng kulangot nya kabisado ko na mahal ko parin ang apo nyo" kausap nya ulit kay lolo.
"Sorry chade" sabi ko sabay tapik sakanya.
"Sabi ko wag ka magsorry" Sabi nya sabay tawi ng dumi sa puntod ni lolo "basta ikaw ayos lang"
BINABASA MO ANG
Sorry! Nashagi! (Book 2)
HumorCOMPLETED Book 2 of Sorry! Napindot! "Wag kang hihiram ng jacket" "Kung pwede naman kitang yakapin" ???????!!!!!!!! LigayaInLongTerm All Rights Reserved Started: April 2 2019 Ended: May 29 2019