Nashagi 29

145 12 11
                                    


Napein Dhot POV

Makalipas ang isang buwan ay andito pa rin ako sa sagi milktea may pinapirmahan pala sakin contrata ang magaling kong boss na ex.

At natry ko na rin na wag pumasok at ang ginawa ng ex kong boss ay pumunta lang naman sa bahay at sinabi na kung di ako papasok ay tatanggalin nya si jonel.

Kaya ang sabi ko nalang kaya di ako pumasok ay nagkabulutong ako.

"Wow ang ganda mo naman magkabulutong walang peklat" sarcasm na sabi ni jonel.

Poñemas kang bayut ka kung di lang dahil sayo di ako magpapaloko sa kulangot na ex ko nayan

Kami parin naman dalawa ni jonel ang incharge dito sa labas ng sagi milktea. Ewan ko nga kay ex ko eh di naman naghihirap pero kuripot sa tauhan.

"Dati nako maganda" sabi ko sabay punas ng kulangot ko sakanya.

Kahit ganyan sya kabayut at lagi laging nagdadalagang may nota ay namiss ko parin ang papunas sakanya ng kulangot.

"Ay poñemas talaga bat kaba pinatulan ni papi kherbin eh napakadugyot mo naman haliparot ka!" sabi nya habang natakbo papumunta sa lababo.

"Pinatulan nga ko pinagpalit naman ako" sabi ko sabay tawa dahil nahihirapan ata syang tanggalin ang kulangot kong sticky ata.

"Eh bat di mo balikan mukhang mahal kapa ni papi kherbin" Sabi nya sabay pahid naman ng kulangot nya sakin.

"Bat ko pa babalikam kung masaya na sya sa iba? " tumakbo nalang rin akong lababo para hugasan ang kulangot na pinahid sakin.

"Welcome to sagi milktea ser can i have you" rinig kong sabi ni jonel

"Sorry Im taken" Rinig kong sabi ng sinabihan ni jonel kaya natawa ako.

"Oh asan na yung costumer?" sabi ko ng mapansin wala na yung sinabihan nya ng can i have you

"Wala na umalis na ang ganda nya di ko manlang natanong kung anong skin care" napangiwi naman ako sa sinabi ni jonel dahil maarte sya pag dating sa mga babae "Pero syempre mas maganda pa din ako" sabay tawa nya na pang witch.

Natigil ang tawa na pang witch ni jonel ng may marinig namen ang kalampag ng pinto kaya napatingin kame rito.

Si kherbin

Lumapit ito sakin na deretsyong deretsyong nakatigtig sakin. Di naman ako dumatras dahil wala naman ako sa wattpad at isa akong babaeng dugyutin para magimagine ng mga ganoong bagay.

"Oh" abot nya sakin ng isang paper na di ko alam kung anong laman malamang.

"Ano yan? Kung suho-" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"Cream yan para mabilis magheal yung scar mo sa chicken fox" sabay patong ng paper bag sa harap ko.

"Cream na wala nga kahit isang peklat ang gaga" bulong ni jonel pero sapat para marinig namen pero di namen sya pinansin

"And lastly hindi yan suhol lets say ayoko lang ng may mahawa sa customer" sabi nya at tinalikuran ako sabay upo sa sulok.

"Eh ayaw mo pala mahawaan ang customer mo eh edi ifired mo nako!" sigaw ko sakanya

"Ay gaga ka gusto mo ba kong mamatay magisa dito" bulong ni jonel pero di ko sya pinansin dahil famous ako.

"Sabi mo ay faithful ka sa trabaho so stay everyday be faithful" Sabi ni kherbin at sinagot ang tawag sa telepono nya.

"Yeah. Hindi ako pwede ngayon tina madami din akong ginagawa katulad mo.. Next time nalang pasabi kay mama.. Oo.. Thanks.. Yeah..." sabi nya sa telepono nya na sa tingin ko ay si tina maan ang kausap nya.

Pake ko bat ba ko nakikichismis sa buhay nya may buhay rin ako wala akong pake kahit sino pang babae kausapin nya. Who cares im famoua at di lang yun may lahi pa ko dati na half divisoria at half baclaran.

Pero dati yun dahil wala na kong magulang..

"Nagseselos ang kulangot" parinig ng bayut kong kasama habang nagpupunas ng mga iba ibabaw.

Ipapasok ko na sana ang kamay ko sa aking ilong ng bumukas nanaman ng malakas ang pinto.

"Uy papi chade" Tawag ni jonel sabay lapit dito.

"Hi" sabi naman nung isa

"Ay madami palang papi" at di lang pala si chade ang andito. Kasama nya rin ang kulangot boys

Lumapit naman sakin si chade at inabot ang paper bag na kulay blue. Tinaasan ko naman sya ng kilay pero syempre kinuha ko yun at tinignan.

Puro cream

"Sorry nashagi" sabi ni kherbin ng matapon ng malakas ang kanyang milktea. Papansin talaga ang isang to nakakapagtaka at madami naman syang reactors sa facebook pero nagpapansin pa rin.

"Salamat" sabi ko at tumawa ng awkward inilapag ko yun sa gilid at lumapit kay kherbin na akala mo walang reactors sa facebook kung magpapansin.

Sinamaan ko sya ng tingin at nilinis ang tinapon nyang milktea na sa tingin ko talaga ay sinadya nya.

"Mas effective yung akin yun ang gamitin mo" bulong ni kherbin pero dahil walang tutuli ang aking tenga ay sapat na para marinig ko.

"Ayokong nakikitang may ibang lalaking nagaalaga sayo" dagdag nya pa sabay alis.

Sorry! Nashagi! (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon