A ray of sunlight flashes through my window. I looked around my messy room. Hapon na pala. Ngayon ko lang naramdamang kanina pa pala ako tulala. Ang hangin ng dapithapon ay napaka presko at naakit talaga akong umupo sa may kama malapit sa bintana. A sound of alarm got my attention- it was my phone telling me I should get out dahil alas 5 na ng hapon. Ang tagal ko din palang natulala. I shot my alarm off and saw the application that I recently opened- Piano Tiles 2.
A short memory flashed through my head and I closed my eyes harshly.
Feeling ko, antanga ko. Here I am, constantly looking at the window and thinking about the guy whom I play the Piano Tiles with, everyday. Iniisip ko ang lalaking yon pero I doubt that he thinks about me.Parang tanga, diba? It's been 2 years but my love for him isn't even dead. How cruel life is.
"Te."
My 16-year-old cousin cutting me from overthinking again.
"Oh?"
"Magsaing ka na raw. Anong oras ba yong lakad mo pa Cebu?"
"Mamayang alas 10. Sandale."
Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Si Rhian, yung pinsan ko, napatayo agad at nadiretsong bumaba sa hagdan. Sumunod ako sa kanya at dumiretso na sa kusina.
Naabutan ko si lola, naghuhugas ng pinggan sa lababo.
"Ma, ilang cup po ba ng bigas?"
Napatingin si Mama Regine, yung lola ko sa akin.
"3 lang, Jan. Naka impake ka na ba?"
"Opo"
"Bakit ba kasi pupunta kapang Cebu? Anong gagawin mo don?"
In-on ko muna yung gasul tapos tiningnan siya.
"Eh, ma. Timing na kukuha ng LET yung mga kaklase ko. Habang kumukuha sila ng exam, papasyal ako dun"
Napairap si lola dahilan para mapatawa ako. Siyempre, pag ganito din yung sasabihin ng anak ko balang araw, maiinis din ako. Hindi naman ako kukuha ng Liscensure Examination for Teachers, pero pupunta parin ako don. Para ano? Para mamasyal. I know. So impractical but I really like their chocolanay. Haha.
"Gastadora ka talagang bata ka. Buti naman at wala kang klase. Marami namang pasyalan sa Negros, ba't mag ceCebu ka pa? Hay nako. Ewan ko sa'yo. Basta mag text ka pagdating mo don."
Tumayo na siya at umalis habang ako nama'y umakyat uli sa kwarto ko. Kailangan kong ayusin na din yung inimpake ko. Baka kasi may kulang.
Hindi pa alas 10, nagtext na yung classmate ko na malapit na daw yung sasakyang bus papuntang Cebu sa terminal. Sa Bacolod pa kasi sila sumakay. Nagpaswing nalang ako sa terminal dito sa city namin para hindi na dumagdag sa gastos. Nakarating kami sa Cebu, mga around 6 am. The familiar roads of Cebu are starting to be busy. Napakaraming mga sasakyan kumpara sa probinsya namin.We decided to stay inside the rented room kaysa magliwaliw. Natulog muna ako pambawi sa nakulang na tulog. Hapon na nang magdecide lumabas.
The next day, maaga pa silang lumabas papuntang sa kukunan nila ng exam which leaves me no choice kundi bumangon din ng maaga pa at pumasyal.
A beep from my phone got my attention that noon. It was a text from my tita here in Cebu. She's been calling since last night to tell me that I should go see her. I texted her back na papunta na din naman ako sa workplace niya.
After we met, I was busy strolling the mall. Ang feeling ko'y ang bagal ng oras. Isang araw pa nga lang pero napagod na akong mamasyal. Gusto ko nang umuwi. Lahat naman talaga nakakapagod para sa kin. Ewan ko. It's a dark feeling that caught me two years ago at hanggang ngayon pagod parin ako. Nakakawala ng gana.
As I was strolling around the mall, a small flashback played inside my mind.I'm always like this. Everyday for the last 2 years, thousands of flashbacks are playing in my head. It has always been like that. It seems like I have been living in the past. Kaya siguro parang hindi ko na napapahalagahan yung kung ano ako ngayon.
Siguro ganun naman talaga.
Whenever we are sad, we always look back at the happy moments to make us feel good again. Pero ako, I'm stuck at replaying my past which makes me feel emptier.
Naalala ko pa yung masayang ako.
"Jadelle, jog tayo bukas!"I called her as I was approaching. Jadelle is my friend from our school organization. We're bonded ever since the first day of class.
"Sige ba. Nako, baka drawing yan ha. Anong oras ka lalabas bukas?"
Tanong niya habang may sinusulat sa mesa. Busy kasi siya palagi. Ewan ko sa kanya. Palaging busy eh.
"Oy. Kailan lang po akong drawing? Hindi kaya! Alas kwatro y media. Bakit? Ikaw? Nako, pag alas sais ka na babangon, kukutusan talaga kita. Ikaw maglibre ng kape pag ganon."
Lumapit ako sa kanya habang siya'y busing-busy.
"Sige. Pag ako naka una, mga s-squat ka para sakin ha?"
"Duh. Oo ba! Ako pa ba?"
Sabi ko habang pinapataas ang braso at hinalikan ang biceps ko dahilan para tumawa ang kumag.
Ganon ako kakulit noon. Sinong mag aakalang ang palatawang si Jandice, ay patay na pala on the inside ngayon. The happier Jan is totally different from the Jan today.
Umupo ako sa stalls sa mall habang kumakain sa inorder ko. Alas kwatro na din naman. Baka tapos na yung exams nila, kaya in-on ko na yung data ko at chineck ang messenger.
Beep.
A notification from facebook.
I checked and my heart hammered. Lumaki talaga yung mata ko.Akala ko, next month pa yung balik niya. Ibig sabihin, nakita niya na yung message ko sa messenger.
Imbis na i-check yung messenger ko para makita kung sineen niya na ang message ko, binalik ko na lang sa home screen. Wala pa akong lakas na loob. Baka seenzone lang ako.Napailing ako. Buti na yung hindi ako seen. Ibig sabihin, hindi niya nabasa ang message ko. Only then, I can relax.
Dahil hindi ako mapakali, binuksan ko ulit ang Facebook app. Lots and lots of kahihiyan has been replaying. Nakakahiya pala talaga ako noon. Minessage, inunfriend, blinock, inunblock, inadd friend. Ang tanga mo Jan. Tiningnan ko ulit ang notification ko.
Charles Sevilla has accepted your friend request.