KABANATA VII
Brotherly
"So, what concept should we make?"
Alex, Ramona, Gerene, Charles and me are talking about our big project. It's actually due next month, but I know this project is not simple dahil kami mismo ang magdedesign sa kabilugan ng folk dance na gagawin namin.We are sitting on a bench near our dance room. Hindi kami nagmeeting sa dance room kasi maingay. Mas maganda dito sa bench kasi tahimik na, malilim pa.
"Hold on. Which city are we going to again?"
Charles rolled his eyes. Sarap tusukin ang mata ah.
"Yan nakuha mo. Umabsent ka kasi. We're going to my city."
"Jeez, okay. Don't be such a bitch."
He just rolled his eyes again.
"Oh-kay. What are the tourist attractions in your city?"
Napaisip siya. Hindi naman kasi ako nakapunta doon.
"Actually, I made a list last night kung ano ang mga magagandang puntahan sa amin. And I saw one spot that I think is worth our research."
Umusog kami ng konti para marinig ang sinasabi niya.
"Ano?"
He looked at us before proceeding.
"Tanquinto River.""Okay. What's special about Tanquinto River?"
He fixed his eyeglasses na akala mo ay bida sa anime.
"There's actually a legend about it. Tanquinto. Quinto. Quinto is a term for tiptoeing. Hindi ko lang alam kung ano ang story behind that, malalaman pa natin pag nag interview na tayo sa mga nanininirahan doon."
I mentally clapped for him. That's Charles Sevilla for you. Kahit di pa kami naka prepare para dito, naunahan niya na kaming lahat.
"Pero teka lang. Akala ko isasama mo ako para mag hanap ng tanawin?"
He nodded. "Yeah. But I figured na gastos lamang. So, I went there alone."
Napangiti ako sa sinabi ni beshie.
"Thank you!"
He just rolled his eyes again.
"Shut up. Alam kong ililibre din naman kita kaya wag na lang."Napatawa ako sa sinasabi niya.
"What? Sinabi ko bang ilibre mo ako?"
And before he could reply, Ramona butted in.
"Oh siya. Bago pa kayo magrambulan ay i-summarize na natin to. Punta tayong Tanquinto. Ano ang dadalhin? Kailan?"
Charles poked me.
"Copy everything I say. Para di na ako magpabalik-balik pa. Pag meron kang nakaligtaan, lagot ka sa akin."
"Yes, boss."
"Good. Let's go next Saturday. Dapat 7:00 am pa lang ay nandoon na kayo sa City terminal dito para exactly 8:00 am ay nasa Escalante na kayo. Magdala ng camera, or phone. Charge it. Pera, pen and paper, Damit na extra kasi doon na tayo mismo gagawa ng sayaw. At siyempre, pagkain. Medyo malayo tayo sa mga stores, at di natin alam kung may tindahan ba doon o wala. Okay?"
Tumango yung apat kong kaklase.
"Got it."
Kinuha niya ang listahan at tumango-tango na para bang professor na nag checheck sa papel ng estudyante niya.
Minsan, di talaga maiwasan ni Charles ang pagiging bossy. Sanay na din naman ako sa behavior niya. Ganito lang naman siya pag meron kaming tatapusin na projects, kaya naiintindihan ko.