KABANATA IV
Barbecue
"Jan"
"Jan"
Where am I?
"Hoy Jan. Gising na."
Minulat ko ang mata ko at tiningnan kung saan galing ang boses. Naalala ko na. Dito pala natulog si Ramona kagabi.
Bumangon na ako habang kinusot ang mata.
"Anong oras na?"
"Uh, 9 am."
I stood up and fixed my bed. The morning sun is boiling me so I opened both windows. Hmmm. Breezeee.
Sabado ngayon kaya wala kaming magawa ni Ramona. Palagi siya dito kahit noong first year pa kami.
Ginagawa niyang tambayan ang bahay namin kasi hindi maingay di gaya ng boarding house sa school namin, daming estudyante sa iisang kwarto kaya wala kang privacy.
"Ano kaya ang kakainin natin? Mag luto na lang ako ng corned beef at itlog para swak. Dito ka ba maliligo?"
"Uh, yeah."
"Okay. Ligo ka na at magluto muna ako."
Walang tao sa bahay ngayon kasi may simba silang lahat (Adventist sila). Ako lang naman tong medyo may pagka demonyo kaya hindi ako sumasama kahit na pinipilit ako ni tita.
Pagkatapos kong magluto, umakyat na ako sa kwarto ko at dun na nagprepare para sa kakainin namin. Manonood kami habang kumakain kaya binuksan ko ang laptop ko.
Nang dumating na si Ramona, naghanap na kami ng panonoorin namin at nagsimulang kumain.
Maya-maya, may naalala ako. Absent pala ako kahapon. Wala lang, gusto ko lang mag absent. Haha. Feeling ko nga, parang may nakalimutan akong gawin so I paused the movie and asked Ramona.
"May assignment ba tayo kahapon?"
"Hmm. Wala naman."
I resumed the movie.
"Ay wait."
Nagkatinginan kami.
"Ay gaga ka! Bakit absent ka kahapon? Alam mo bang nagpili na kami ng kapares sa contemporary dance?"
Hala! Kaya pala parang may bumabagabag sa akin kahapon.
"Ha? Nalimutan ko. So, ano? Pinili mo ako?"
Napatawa kaming dalawa kasi wala kaming pag-asa sa paggawa ng steppings.
"Asa ka. Gusto mong ma failure tayo? Haha. Si James ang partner ko."
"How about me?"
"How about you?"
At napatawa ang loka. Tawang-tawa na parang naiisip kong may masamang mangyayari sa akin.
"Yan kasi, aabsent-absent ka. Wala ka tuloy magawa. Gwapo nung kapares mo. Sino kaya?"
Lumaki ang mata ko sa gulat. Don't tell me-