KABANATA V
Genuine
Hindi talaga nating alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa atin sa dulo ng daang tinatahak natin sa buhay. Akala natin kaya nating mahulaan ang ating kinabukasan, pero may dadating pala sa gitna ng paglalakad natin na magpapabago sa mga pananaw natin sa buhay.
Destiny is not a one-lane straight path that you can just easily pass, but a bunch of crazy roads connecting with each other that might lead you to cross another lane and may bump another person that could change you.
Simple lang naman ang gusto ko sa buhay. Walang masyadong drama, di masyadong pagod sa school – kung anong nakuha kong grades, yun nay un. I'm always contented and I never push myself to aim higher because I just go with the flow.
Then, there's Charles Sevilla.
Nakaupo kami ni Ramona Armadillo sa damuhan sa may quadrangle ng school habang pinapahinga kami ng professor namin. We have a practical exam for the Palarong Pinoy as part of our course we have to play Luksong Baka at Patintero.
Bamaga't pagod, lahat kami ay nagtatawanan sa gitna ng quadrangle. This is one of the perks of being a P.E major. Hindi ka lang sa room nakatunganga buong araw.
Nagbubunot ng damo si Ramona sa tabi ko habang ako ay kinuha ang cellphone ko. Required ba talaga mambunot ng damo pag nakaupo sa damuhan?
I installed a game last night and I was having so much fun playing with it. It's Piano Tiles 2.
Nagsimula na akong maglaro nang naramdaman kong napalingon si Ramona sa cellphone ko.
"Di ka pa ba nagsasawa diyan? Ilang buwan mo na nilalaro yan ah." She asked while looking at me smashing the tiles.
"Ano ka ba? 2 na 'to. Piano Tiles lang yung nilaro ko nung last. This one's better."
I hummed with the melody coming from the game but I miss one block and died. Sayang.
I attempted to play again but got distracted from the laughter of my classmates. I looked up and saw Charles laughing with the boys.
Pinagtatawanan kasi nila ang kaklaseng nadapa sa kakatalon sa likod ng isa pa naming kaklase.
I put my phone inside the bag and laughed with them."Di kasi nag-iingat eh. Tabi hija at maglalaro ang Mother", sabi ni Kassandra at nagsimulang maglaro ng Luksong Baka.
Umaalingawngaw ang tawanan naming dahilan para mapalingon ang ibang estudyante. Ang iba'y tumambay sa banda naming at nakikisigaw. The afternoon heat is nothing from the students who are currently enjoying their 'exam'.
Napatingin ako kay sa tumatawang si Charles. I didn't know I would find someone else's eyes so fascinating. How can his eyes be so dark and mysterious but can change into delightful and expressive?
May naramdaman akong kalabit.
"Ano, napamahal na ba?" Ang bwisit na si Ramona.
Binatukan ko nga.
"Aray!"
"Gaga. Manahimik ka nga. Baka kung ano pang sabihin ng kaklase natin."
She smiled mockingly to annoy me.
"Kilig ka lang eh."
I narrowed my eyes at her. Kilig kilig ka diyan?
Ibinilak ko ulit ang mata ko kay Charles Sevilla, which is a mistake because he caught me again staring at him. He smiled, I smiled back and looked away para kunwari napadaan lang ang tingin ko sa kanya pero kinakabahan na naman akong malaman niyang pinagmamasdan ko siya kanina pa.