KABANATA III
Friends
Nagising ako sa ingay ng alarm ng kapatid ko. Dahil plywood lang ang pagitan ng kwarto namin, maririnig mo talagang pumuputak na naman yung alarm clock niya.
Bumangon na ako at pinugpog ang dingding.
"Hoy, diko. Bumangon ka na't patayin mo na si Katy Perry. Ang aga-aga nagpapa alarm ka ng TOTGA. Patayin mo nga yan!"
At hinampas- hampas pa ulit ang dinging.
"Shut up!"
Pinatay niya yung cp niya at natulog ulit. Tss. Sakit ng mga studyante.
The morning's not bad though. In fairness, maganda ang weather today.
Not too sunny, but not too dark. Just fine.Binuksan ko nang malaki ang bintana ko at umupo na sa bintana. So far, maganda ang simoy ng hangin.
I like hanging around here kasi tahimik. The rustling of the leaves is the only noise that you'd hear pag dito ka umupo sa bintana ko.It calms me.
I took a deep breathe and exhaled it fully while swaying my legs.
It's been a week and a half since the guy arrived pero wala na akong may narinig na notifs galing sa kanya.
Nabasa niya ba yung mga chats ko sa kanya? Or na inbox-zone ako?
Should I check my messages or hindi na?
Natatakot akong makita na nakita niya yung mga kababalaghan ko sa messenger. Kung anu-ano kasi ang mga pinagsasabi ko dun. Mapa happy birthday, condolence kay daddy niya at pangangamusta kung ok lang ba siya.
Diko's alarm clock sounded again dahilan para pumanaog na ako sa bintana ko.
He shut it off as I went to our sala.
I should check my messenger. Hindi ako mapakali.In-onn ko ang wifi namin to see. Messages from group chat flooded my messenger pero yung hinahanap ko hindi ko makita.
May nakita pa akong message na "Jan, andito na si Charles, alam mo na ba?"
Yeah yeah. Alam ko. Kaya nga hinahanap ko siya ngayon.
Anddd, got it. Nakita ko ang name niya sa messenger ko.
Pero no new message.
Kinakabahan akong i open. Hindi ko alam kung anong i rereact ko kapag nakitang sineen niya na yung message.
I calmed myself first before I opened the messenger.
This is it.
I tapped his name kahit nakapikit ako. Then, I opened my eyes and saw how my stupidity was not appreciated.
Siguro, pagkaopen niya pa lang, nakita niya na yung messages ko. Pero, he did not bother to reply kasi I'm not that valuable.
Nararamdaman kong nanginginig na naman ang kamay ko habang ini-scroll ko pataas ang mga kamay ko.
Me: Oy, kamusta ka na diyan? Walang balita ah. Hahaha. Di ko alam gmail account mo eh, kaya dito na lang ako mag message. Hehe. Di mo kasi binigay. Napaisip tuloy ako kung kaibigan mo ba talaga ako. Charot. Anyways, I miss you so much Charles.
Me: Oy, condolence kay papa mo ha? I'm sorry I wasn't able to come. Hindi ako pinayagan ni kuya eh. I hope you understand.
Me: Oy, malapit na yung dating mo. I hope we can meet again. Nagmomove on na ako kaya wag ka nang ma awkward ha? Hahaha. Yung gift mo hinihintay ko. Naku, naku. Pag wala kang gift sakin, makikita mo.
Nakakahiya.