KABANATA I
Chosen paths
Movies. I so like movies. Kahit noong bata pa ako, I am fond of watching movies.
I really love movies with great lessons. Kahit nga underrated noo'y pinapatos ko. Hindi naman ako adik dito pero sadyang gusto ko lang talagang manuod ng magagandang pelikula. Lalo na pag ito'y theatrical o nagsasayawa't nagkakantahan ang mga cast. Nako, pag ganito na ang pinapalabas, na ho-hook talaga ako sa mga choreography at mga dancers. Kahit na natapos ko na ang movie, papanuorin at papanuorin ko pa rin naman yan ulit dahil gustong gusto ko ang mga sayaw nila.
Kaya nga siguro madalas, humihinto talaga ako at nag oobserve pag may sumasayaw. Inoobserve ko kung paano nila ginagalaw yung mga dance steps and how they make their steps creatively. Every time na may palabas sa school o pacontest, wala talaga akong absent doon kasi I like the feeling of it.
Kaya nga siguro din, nakatulala ako ngayon sa mga nagppractice na first year students sa stage.
Ang galing ng steppings nila! Sabay-sabay nilang binibigkas ang mga salita.
Salita. Ah, kaya pala. Nagpa output kasi si Ma'am na magtulayaw kami. Kaya nga kami nandito, para tingnan kung occupied ba ang stage. Kaso parang nalilimutan ko kung bakit kami narito in the first place.
Sa paraan ng pagbibigkas nila ng tula, at ang mga steppings nila, parang madadala ka. Feeling ko, sila ang mananalo sa tulayaw. Ang babagsik kasi.
"Jan."
Kinalabit ako ng kaklase ko.
"Tanungin mo na sila. Balik na tayo don."Tumango lang ako. Pero ang totoo'y hindi naman talaga ako nakikinig. A first-year student got my whole attention.
"Baka pagalitan na tayo ng lider natin."
A guy in front of the performing students really got my attention. Siya pala ang leader ng grupo. Kaya pala ang ganda.
I looked at him and I noticed how he looked good with his eyeglasses. He can get your attention by the way he stands. Hindi naman siya masyadong mataas pero pagtiningnan ka niya, manliliit ka talaga.
"Cor, hindi ganyan. Do it again. Try doing it while you stamp your right foot."
Iba. Detailed tayo bes. Kaya nga siguro parang nirerespeto talaga siya ng mga kaklase niya, kasi alam niya kung ano ang kanyang ginagawa. He's considered one of the brightest students in the university. Kasi mataas daw ang marka niya sa entrance exam.
Charles Sevilla.
Actually, hindi naman talaga siya gwapo. Ok lang. Parang yung typical na teenager lang din. Wala namang extra-special sa kanya. Maputi, may eyeglasses, parang bakla pa nga. Except na lang sa buhok niyang hindi madala-dala ng hangin. Naka wax? Nababaklaan ako. Pero in fairness, ang ganda tingnan. Bagay sa kanya.
Kinalabit ako ni Ramona Armadillo."Jan. Magpipintura pa tayo ng props natin"
Tumango-tango lang ako as if nakikinig. Haha. Bahala ka diyan. Ganda pa ng pinapanood ko eh.
Hindi na sa performance nila ako nakatingin. Doon na sa leader. Napahagikhik ako mag isa. Nasasabik akong tingnan pa siya. Feeling ko, matutumba ako pag ako'y tiningnan niyang talaga. Lakas makapa luhod yung tingin eh.Nagulat ako nang kinurot ako ng kaklase ko.
"Aray!"
Tiningnan ko siya.
"Ano ba?"
Hinampas niya ako.
"Anong ano ba? Balik na tayo don! Hindi ka naman nag tatanong eh."